Wala ang professor namin para sa first subject ngayong araw dahil may pinuntahan siyang seminar kasama ang ilan pang faculty members ng Marketing Department.
Pumunta pa rin ako sa school sa oras ng first subject dahil nga sabay kaming pumasok ni Justin.
Kaya ngayon iilan pa lang kaming tao sa classroom. Yung iba kong blockmates, wala pa. Sinulit ang extra time nila para matulog.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Hanggang ngayon 'di pa rin ako masyadong sanay sa lamig na dulot ng aircon kaya maya't maya naiihi ako.
Dahil mahaba pa naman ang vacant time ko, naisip kong dun mag-CR sa tagong part ng school. Para na rin makapag-ikot at makasagap ng preskong hangin.
Walang katao-tao sa mga hallway na dinaanan ko papunta dun. Medyo tago na kasi yung CR na yun kaya walang masyadong gumagamit. Bihira rin lang akong pumunta dun at laging natitiyempuhan kong walang tao. Yung tipong malaya kang gawin kung anong gusto mo.
Nung naramdaman kong parang sasabog na ang pantog ko ay nagmadali na 'kong pumunta sa CR.
Pagkapasok ko sa CR ay sumalubong agad sa'kin ang mabangong amoy ng air freshener. Kahit na walang masyadong gumagamit sa CR na 'to, maintained pa rin ang kalinisan.
Walang katao-tao sa CR bukod sa'kin.
Nung makaihi na ako ay agad akong naglinis ng mga kamay at lalabas na sana para pumunta sa garden ng school at magpalipas ng oras.
Hahawakan ko pa lang ang door knob ay biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako.
Pumasok ang tatlong lalaki. Mga blockmates ko. Si Ivan — ang classmate kong medyo presko pero sobrang galing sa klase lalo na sa pakikipagdebate sa mga professor at classmates namin — at ang dalawa niyang kaibigan na sina Blake at Tyrone.
"Hi, Andy," nakangiting sabi sa'kin ni Ivan.
Tuluyan na silang pumasok sa CR. Anong ginagawa dito ng mga 'to? Ang dami namang ibang banyo malapit sa room namin.
"Hey," sabi ko. I tried to smile at them.
BINABASA MO ANG
My Brother, My Love (BoyxBoy)
Teen FictionLabis ang kalungkutan ni Andy nang mawala ang kanyang Mama Joanna, ang babaeng kumupkop sa kanya at kinilala niya bilang ina, ang babaeng itinuring siyang tunay na anak. Halos gumuho ang mundo niya sa pagkawala ng kanyang Mama Joanna. Sa panahon ng...