Saturday.
Umalis si Mommy last night papunta sa States para sa isang importanteng meeting kasama ang board members ng kompanya nila.
Si Ate Alma at si Ate Didi (yung isa pang kasambahay na pamangkin pala ni Ate Alma) naman, biglaang umuwi sa probinsya nila. Namatay kasi yung isa nilang kamag-anak.
Bale ang naiwan lang sa bahay, ako, si Justin, si Mang Ron (yung guard), si Kuya Emil, at si Kuya Eric (yung driver ni Mommy).
Gumising ako ng 7am para maghanda ng almusal.
Kaya lang pagpasok ko pa lang sa may kitchen area ay naamoy ko na agad na may nagluluto.
Dinatnan ko sa kusina si Justin na naghahanda ng pagkain.
Naramdaman niya naman yata ang pagdating ko kaya lumingon siya sa'kin. Pagkatapos ay tumalikod ulit siya at ipinagpatuloy ang pagluluto niya.
Nananadya ba 'to si Justin?
Ang aga-aga nagkakasala ako.
Eh pa'no ba naman? Wala siyang ibang suot kundi boxer shorts at apron.
Yung totoo? Nagmamadali ba siya masyado at hindi niya na nagawang magsuot ng kahit t-shirt man lang?
Di ko tuloy mapigilang mapatitig sa kanya, sa likod niyang sexy at sa matambok niyang puwet na bakat na bakat sa maiksi niyang shorts.
Lord, patawarin Niyo po ako.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nung mapansin kong nahihirapan na akong huminga.
Naupo ako sa mataas na stool sa may kitchen counter.
Sinubukan ko siyang kausapin. "'Didn't know you can cook."
"I'm not taking up Culinary Arts for no reason," sabi niyang walang lingon-lingon sa'kin.
Oo nga pala. Sabi ko sa isip ko. Ang shunga ko lang sa part na 'yon.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain.
Cheesy bacon-mushroom omelette, ham, hotdogs, French toasts with raspberries & blueberries on top, sliced fruits, at fresh orange juice.
In fairness dito kay Tuod ah. Nag-effort magluto.
Gosh. Nagluto siya para sa'min? Para sa'kin?
Lumapit siya sa'kin at naglagay ng plate sa harap ko. Nilagyan niya ng mga pagkain yung plato ko.
BINABASA MO ANG
My Brother, My Love (BoyxBoy)
Teen FictionLabis ang kalungkutan ni Andy nang mawala ang kanyang Mama Joanna, ang babaeng kumupkop sa kanya at kinilala niya bilang ina, ang babaeng itinuring siyang tunay na anak. Halos gumuho ang mundo niya sa pagkawala ng kanyang Mama Joanna. Sa panahon ng...