Kalahating nawala, kalahating nawalan

89 16 3
                                    

JAMICH, isang tambalang sumikat dahil sa paga-upload ng videos sa youtube na nagpapakita kung paano umibig ang kabataan at maging ang simpleng tao. Ika-4 ng Marso 2015 ay nawalan ng buhay si Jamvhille Sebastian dahil sa sakit na lung cancer. Kasama niyang lumaban sa sakit ang kasintahang si Michelle Liggayu pero sadyang mapaglaro ang buhay. Kung sino pa ang siyang lumalaban ay siya pang nawawalan ng buhay.

Mich's P.O.V

Humigit kumulang 7 bilyon ang populasyon sa mundo, 101 milyon sa pilipinas, 12 milyon sa Metro Manila. Sa napakaraming buhay sa na nasabi ko, bakit yung taong mahal ko pa? Bakit kung sino pa yung nakikita kong makakasama ko habang buhay? Bakit si Jam pa?

Andun na eh. Kami na ng halos ilang taon. Nakikita ko na yung sarili kong lumalakad sa aisle habang siya ay naghihintay sa dulo at magsasabihan kami ng "I do". Pero bakit niya kailangang mawala kung kailan hindi ko na siya kayang pakawalan? Alam ko at malinaw sakin na araw-araw may nabubuhay at araw-araw ay may namamatay. Napakamalas niya po ba para mapabilang sa mga nawala noong Marso 4, 2015?


Nung nalaman kong nagka-cancer siya noong nakaraang taon ay masakit sakin. Lalo pa't kada buwan ay hindi gumagaling bagkus ay palala ng palala yung sakit niya.


Ang paglangoy, pagtakbo, pagtawa, pagsulat at pagsasalita ay unti-unting naging mahirap para sa kaniya. Maging ang paghalik at pagyakap sa kaniya ay di ko na magawa dahil alam kong nagiging mahina yung katawan niya at baka di na niya makaya. Masakit makita na dahan dahan siyang pinahihirapan ng sakit na yon. Kung pwedeng akuin ko yung kalahati ng nararamdaman niya, gagawin ko. Kukunin ko ng walang pag-aalinlangan.


Kahit na ganun ang kalagayan niya ay hindi lumipas ang isang araw na hindi niya ipinadama sakin na mahal na mahal na mahal niya ko. Ang simpleng paghawak niya sa kamay ko ay ang kumukumpleto ng bawat araw ko.


Umaasa ko na gigising ako isang araw na kaya na niyang tumayo mag-isa. Na ayos na yung pakiramdam niya at balik na sa dati ang lahat, pero hindi eh. Taliwas sa gusto ko yung mga sumunod na nangyari.


Mercy killing. Yan ang solusyon para matapos ang lahat ng 'to.


Pero ayoko. Ayokong gawin dahil mawawala siya sa paningin ko. Alam kong kapag ginawa yun ay gigisng ako bukas ng wala na siya sa tabi ko. Ayoko pero yun yung dapat.


Ipinaubos na lamang yung gamot na bumubuhay sa kaniya at nagsimula na rin akong magdasal.


Panginoon, konting oras na lang at makakapiling mo na siya.


*tiiiiiing*

Nakakabingi.

Gusto kong takpan ng sobrang higpit yung tenga ko hanggang sa hindi ko marinig yung tunog na yun na nagsasabing wala na siya at hindi na tumitibok ang puso niya. Ayokong kumilos dahil wala na yung taong handa akong saluhin sa tuwing napanghihinaan ako ng loob. Ayokong dumilat at makitang nakapikit na siya at hindi na mumulat pang muli. Patay na si Jam.


Salamin. Yan ang pumapagitna ngayon saming dalawa. Nakahiga na siya sa isang kahon na sakto ang laki sa kaniya. May salamin upang makita ko yung mukha niya na mapayapa at wala ng bakas ng pahihirap.


Lumaban siya pero hindi niya lang talaga kinaya. Hindi siya sumuko at yun ang mahalaga.

Sa kwento ng aming pag-ibig, muling napatunayan na walang forever dahil nawala siya at hindi nanatili sa mundong 'to. Pero napatunayan naming may uri ng pagmamahal na mananatiling matibay hanggang sa huling hininga. Nawala siya ng minamahal ako ng buo at walang halong biro. Ngayon, ipinapangako kong, kung mawawala man ako sa darating na panahon, siya at siya pa rin ang mamahalin ko.

Until we meet again, Jam.

Mga walang Part II (One-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon