C H I K I D !

134 19 1
                                    

Z/N : Result of frappe. XDDDDD

Enjoy reading~~

=========================================

Fumi's P.O.V

Minsan dadating sa punto nating may kakainisan tayong tao. At yung akin? Ito na, naglalakad na siya sa hallway ng building namin. Gaya ng lagi kong gawi, sisigawan ko siya ng...

"CHIKID !!!!" hindi naman siya lumilingon sakin dahil siguro nasanay na siya sa ginagawa ko. After ko siyang sigawan, tatawa ko at aalis para pumunta na sa room. Alam kong may mga taong galit sakin na may gusto sa kaniya. 

Ganun parati yung ginagawa ko kay Shori  (yung pangalan ni chikid! :P) . Sinisigawan ko siya ng "Chikid" o mas kilala sa tawag na "PANGET" , kahit na napakasikat niya sa school dahil sa kagwapuhan at kagalingan sa sayaw...malakas ang loob kong sigawan siya. 

Nagsimula lang naman yung gawain kong 'to simula nung nakaraang buwan, Kung saan nagsimula siyang sumikat o makilala sa buong school dahil sa magaling siyang sumayaw. I used to be his BEST BUDDY ever since we're in grade one. Kasama niya ko sa lahat ng katarantaduhan at sa downfall niya. Pero nung nakamtan niya yung victory/kasikatan, ako yung taong nilimot niya.

Ngayong, eksaktong isang buwan ko na siyang sinisigawan ng CHIKID tuwing dadaan siya. Ewan ko kung alam ba ng mga schoolmates ko yung salitang yun pero isa lang ang sigurado ko, Hindi alam ni Shori ang ibig sabihin nun.

"Fumi, ang sama mo naman kay shori." sabi sakin ng bakla kong kaklase.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Kailan ka ba mag-stop na sigawan siya ng CHIKID ?"

Bakla siya at sa mga bakla ko nalaman ang salitang CHIKID (na ang meaning ay panget).

"Sus. Yun lang naman pala. Akala ko ang laki na ng kaso ko. Ahm..." tumingin ako sa taas na kunwari ay nag-iisip habang hinihimas ko yung chin ko. "Hangga't hindi niya ko inaalala, hindi ko siya titigilan." dagdag ko dito.

Nilapit niya ng konti yung mukha niya sakin. "Huh? I-chika mo naman sakin. Anong hangga't hindi ka niya naalala? Naging kayo ba?"

Umiling ako, tapos ay nagsimula na kong magkwento.

"Hindi naging kami. Sinisigawan ko siya kasi Galit ako sa kaniya dahil hindi niya ko inalala nung sikat na siya. Sa madaling salita, kinalimutan niya ko. Nung una, naisip kong gawin yun para sana asarin o banasin siya."

Huminga ko ng malalim at tumingin sa may bandang bintana...

"Pero ngayon...feeling ko ginagawa ko na lang 'to para maalala niya yung bestfriend na naiwan niya. Para maalala niya yung mga panahong ako lang ang higit na nakakakilala sa kaniya."

"Awwwttsuuu. Ang sakit pala nun." sabi ni Bakla na halata sa ekspresyon niyang lungkot na lungkot siya. Dumating na si teacher kaya naman naupo na rin si bakks sa upuan niya.

Nung kinagabihan ay busy akong pagkumparahin yung picture ni Shori nung elementary pa lang kami at ngayong highschool na siya.

"Chikid ka pa rin." sabi ko sa sarili ko at tinabi ito sa drawer ng study table ko.

Bago ako matulog ay nagtext si bakla , "Sorry Fumi."

nagreply ako ng "Bakit baks?"

Hindi na siya nag-reply. -__________- badtrip naman yun.

Kinabukasan , nag-abang ulit ako sa hallway at inabangan ulit si chikid.

"Malapit na daw siya." rinig kong sinabi nung isang babae habang kinikilig. Naku, kung hindi naman nila nakita kung paano sumayaw si chikid shori, for sure hindi nila magugustuhan yun.

For sure ako lang yung magmamahal sa chikid na yun.

Natanaw ko siya mula sa malayo at nang dadaan na siya sa gilid ko ay bigla na naman akong sumigaw...

"CHIKID !" tumawa na naman ako at tumakbo paalis.

"PANGEEET !!!!" 

O_O Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ko siyang sumigaw. Nakalayo na ko na halos nasa magkabilang dulo na kami ng hallway.

Lumingon ako sa kaniya na palapit na pala sakin...

"Yun ang ibig sabihin ng salitang parati kong naririnig mula sayo diba?"

Gulong gulo yung isip ko. I was like, KANINONG ALIEN MO YUN NALAMAN?!

"Salamat sa nakausap mo kahapon, sinabi niya sakin lahat." sinabi nito habang nakangiti ng nakakaloko "Chikid pala ha?"

Nag-peace sign naman sa bandang likuran si baks na nakausap ko kahapon. GRRRR!!!! BAKIT KO BA SIYA PINAGKATIWALAAN?!

"Chikid.....ang sweet ng tawag sakin ng bestfriend ko." ngumiti siya ng nakaka-inlove sa'kin.

Finally, lumingon na din siya para ituring niya ulit akong bestfriend.

"Sweet ba yun?" iritable kong sabi sa kaniya 

"Kung isang tao lang ang tumatawag sayo ng isang salita...hindi ba sweet yun?"

"Hindi nga sweet yun. Insulto ko yun sayo."

"Insulto? Kahit na yung dahilan mo ay para maalala ulit kita?"

Napayuko ako dahil sa hiya na naramdaman ko.

"Hindi mo na kailangan ipaalala yung sarili mo kasi hindi naman kita kinalimutan." hinawakan niya yung ulo ko na parang bata "Hindi lang kita napansin ng halos isang buwan kasi mas inuna ko yung pagsayaw ko kaysa sa taong unang minahal ko."

Tumingin ako sa kaniya at saktong nakatingin din pala siya sa'kin.

"Ngayon alam ko na kung bakit Shori yung pangalan ko. Siguro kasi darating yung araw na'to na magsasabi ako ng..."

*ehem*  inayos ang collar ng uniform niya.

"I'm shori for setting you aside."

Humawak siya sa kamay ko.

"I'm shori for not treating you like my first priority."

Lumapit pa siya lalo sakin at gamit yung isa niyang kamay ay hinawakan niya ang pisngi ko.

"I'm shori for not telling you how much I love you more than my bestfriend."

Mahal niya ko. Mahal niya rin ako.

"Aside from that, thank you Fumi for calling me Chikid everday."

Ngumiti na naman siya ng nakaka-inlab.

"Kasi kung hindi mo ko sinisigawan ng Chikid, hindi ko mare-realize na pangit talaga yung buhay ko pag wala ka."

Natutunaw ako sa titig niya pero bigla akong nanigas ng yakapin niya ko.

"Anou~Ahm....I love you."

"Shori..."

Ngayon hindi na ko galit kay Baks na nagsabi ng lahat-lahat kay Shori. Natutuwa na ko na sinabi niya yun, kung hindi dahil sa kaniya...baka hindi ko malalaman na the feeling between me and Chikid  is mutual.

"I love you too."

Humiwalay  ako  sa yakap niya at hinarap muli siya.

"Kahit na the feeling is mutual..Chikid ka pa rin sakin."

Natawa siya tapos ay piningot ako sa ilong.

"Okay lang..basta ba hindi mawawala yung pagmamahal mo sa chikid na tulad ko eh."

*THE END*

======================================

Z/N : Ang Chikid ay synonym ng PANGET. Kapag tinry mong i-search via google ay walang lalabas na ganyan. Ang salitan yan ay hango sa bibig nga mga Bakks kong kaibigan. ^_^

Sana nagustuhan niyo~Salamat sa pagbabasa !

Mga walang Part II (One-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon