Sa likod

157 20 2
                                    

Sa likod , ito ang kwento ...

"P*TANGINA ! Sinabi ko na ngang wag akong iistorbohin kapag natutulog diba?!" sigaw ng isang lalake sa may rooftop ng eskwelahan nila. Nakahiga ito sa sahig kahit na mainit ang panahon. Siya si Rak.

"Sorry po. Aalis na lang---" hindi natapos ang mahinhing babae na si Pirwah dahil sumabat muli si Rak.

"Magsasalita pa p*ta! Umalis ka kung aalis ka na!" sigaw nito kaya agad napadampot ang babae sa pencil case niyang nahulog at nagmadaling umalis. 

Hindi pa siya halos nakaka-apak sa hagdan pababa ay nakasalubong niya na ang isa sa mga katropa ni Rak.

"Mukhang kailangan ka ata dun ng tropa!" maangas na bigkas ng lalakeng ito.

Binalewala na lamang ni Pirwah yung narinig niya mula sa rooftop at tuluyan na siyang bumaba. Sanay siya na may mga basgulero sa school na'to. Hindi kasi 'to ganun kaayos kaya madalas ang gulo.

"Pagod na ko sa inyo mga g*go!" ingay 'to mula sa labas ng classroom nila.

Nakisingit si Pirwah dun sa mga kaklase niya na kasalukuyang nakatingin sa riot sa labas.

"Panis silang lahat kay Rak!" sigaw ng isa niyang kaklase habang tumataas-taas pa ang kamay sa hangin na parang sinusuportahan si Rak sa bawat suntok nito.

"Panis-panis ka diyan?! Panis yang si Rak sakin pag hindi um-attend ng groupings yan mamayang hapon!"  badtrip na sabi ng leader nila Rak sa grupo nila sa Science subject.

"Di ba nga bawal si Rak pag hapon! Babantayan niya pa yung mama niyang nasa hospital!" 

"Eh kung hindi siya nakikipagsuntukan ngayong umaga baka gumagawa na kami ngayon ng group activity! Wala siyang choice." matapang na sabi nito.

Umupo na lamang si Pirwah at nagpasyang kakausapin niya na lang si Rak pagkatapos ng away nito. Sa klase nila, sila lang dalawa ni Rak ang hindi pinapansin. Kasi si Rak, palaaway at si Pirwah naman ay wirdo, o sadyang ayaw lang ng mga kaklase niya sa mga tahimik na character. Mabait naman siya eh.

"Kung hindi man mabantayan ni Rak yung mama niya sa ospital niya ngayon....ako na lang yung magsa-sub sa kaniya sa pagbabantay."  sabi nito sa isip niya.

Uwian na. At bago umalis ang lahat ay sumigaw yung isang lider ng grupo.

"Yung mga Kagrupo ko diyan! Bawal umuwi ah! May groupings tayo ngayon na mismo! Lahat tayo gagawa ng project dun sa may covered court dun! Bawal magreklamo. Lalo ka na Rak!" itinuro niya si Rak na may sugat sa parteng kilay.

"Puta. Di naman ako nagrereklamo ah. Basta 4pm kailangan ko nang umalis ah!" badtrip na sabi nito sa lider niya.

Mga walang Part II (One-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon