3rd Person's P.O.V
"Seryoso? Nagpunta ka lang ba dito para lang gawin yan?" naiinis na sabi ng boyfriend ni Shifa habang nakahiga sa kama.
Nagda-download lang kasi si shifa ng mga latest videos ng Idol niyang HEY!SAY JUMP. Fangirl kasi siya.
"Yes. Mabagal kasi net sa bahay namin kaya mahirap mag-DL." walang anu-ano na sinabi niya ito.
Hindi niya man lang nilingon ang naiinis na boyfriend.
Tumayo si Keigo at niyakap mula sa likod ang girlfriend niya. Naka-upo lang kasi ito habang nagla-laptop.
"Akala ko nagpunta ka dito para makita ako eh" nagtatampo na sabi ni Keigo kay Shifa.
Bahagyang ngumiti ang dalaga at nilingon ang nakayakap na binata sa likod niya.
"Kasama na rin yun syempre" nakangiting sabi nito.
Ilalapit na sana ni Keigo ang mukha niya para mahalikan ang girlfriend, yun nga lang ay bigla itong sumigaw.
"DOWNLOAD COMPLETED!!! YAYYYY~~!!!!" bakas sa mukha ni Shifa yung saya nang matapos yung ginagawa niya.
Nalungkot naman si Keigo dahil para siyang tanga na pinagseselosan ang Idol ng girlfriend niya. Well, bago niya mahalin si Shifa...alam na niyang fangirl ito. Wala siyang magagawa kundi tanggapin yung hilig ng girlfriend niya dahil mahal na mahal niya 'to.
"Ang pogi tala ng ichiban ko~" nahuhumaling na sabi nito habang nakatulala sa screen na pinapanood ang HEY!SAY! JUMP live performance.
(Translation: Ichiban ay term ng ibang mga JPOP Fangirls na ginagamit sa idol nila na maituturing na NUMBER ONE sa lahat. Bias ang tawag dito sa ibang fandom.)
Ichiban? Alam ni Keigo kung sino ang tinutukoy ni Shifa. Yun ay ang taong kina-iingitan niya sa lahat. Ichiban o bias ni Shifa si Yamada Ryosuke. Isang lalakeng talented at higit na mas gwapo sa kanya.
Pagkatapos manood ni Shifa ay lumingon siya sa boyfriend niyang kasalukuyan ay nakatulog na.
8pm na rin kasi at natagalan talaga siya sa panonood.
BINABASA MO ANG
Mga walang Part II (One-shot stories)
RomanceMa-inlove, Manghinayang, Magpaalam, Umiyak, Tumawa, at Mainis sa pinagsama-samang kwento ng pag-ibig. ^_^)/