Chapter 10

2 2 0
                                    

The Start
~~
HAILYX

Ngayon ang ikatatlong araw ko na sumasama sa taong ito na masyadong makulit akala mo bata. Nakakainis kasi inaaya rin ako ni Kent na kumain sa labas pero dahil sa lalaking ito hindi ako nakakapunta. May pang-blackmail eh.

"So what do you want to eat?" Tanong nito sa akin agad naman akong tumingin sa kaniya at bumuntong hininga.

"Susunduin ko muna 'yung mga anak ko" sabi ko at tatayo na sana ng hinila niya ako paupo.

"They're on their way" sabi niya at ngumiti sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?" Paninigurado ko.

"I said th- oh they're here" pagkasabi niya nun ay tinignan ko kung saan siya nakatingin.

"Mommy!" Tumatakbong sigaw ng mga anak ko papunta sa direksyon namin, agad naman akong napangiti dahil ang cute nila. Agad naman silang yumakap sa akin at ganoon rin ang ginawa ko sa kanila. Agad ko naman silang pina-upo sa bakanteng upuan na nasa harap namin ni Klein.

"How are you my babies?" Tanong ko sa kanila habang pinupunasan ang mga munting pawis sa kanilang mukha dahil siguro sa pagtakbo nila.

"We're fine but we got nervous before coming here" sabi ni Calyx na ikinakunot ko ng noo.

"Why?" Tanong ko

"Kasi naman po, there are men in blacks who are talking to us to follow them and they also mentioned tito Klein but we did not go with them b-because we always keep in mind that stranger-danger thing" paliwanag ng napakadaldal kong anak na si Caleeh, agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Henengal akow dewn ah" Caleeh said in his accent na ikinatawa ko

"Well, good boy, then how come that you are here?" Tanong ko sa kanila.

"Tito Klein called them and we talked to his face on the phone?" Pagpapatuloy niya kaya napatango-tango naman ako.

Umorder naman ako ng kakainin nila na light meal lang kasi alam kong donuts nanaman ang hahanapin sa aking ng mga ito mamaya.

**

Natapos ang kainan ay agad kong dinala sina Caleeh at Calyx sa bahay ni Lou Han upang bantayan silang dalawa naka-usap ko si Lou Han kahapon tungkol dito at buti pumayag siya sa laki ba naman ng bahay eh mag-isa lang siyang nandoon. Hinatid kami ni Klein doon.

"Papayag ko silang paglaruin mo sila ng PS5 pero suwayin mo naman para hindi masobrahan" paki-usap ko kay Lou Han tumango lang siya at tumingin sa likuran ko at napakunot ang noo.

"Bakit kasama mo ito?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa likuran ko at nakita doon si Klein na nakakunot rin ang noo at pinanliitan ko ng mata si Lou Han ng haralin ko ito.

"Kilala mo ba ito?" Tanong ko sa kaniya

"Siyempre, kaibigan iyan ni Lance. Sa kaniya ako nagtatanong kung ano ang pag-uugali ni Lance" prenteng sagot ni Lou Han.

"Ang tanong bakit mo siya kasama?" Pahabol na tanong nito sa akin. Umiling lang naman ako.

"Mahabang istorya, sige mauna na ako pakibantayan sila ha. Thanks" sabi ko at tumalikod na. Naglakad na ako at nilagpasan si Klein na agad ring sumunod sa akin.

"Kaano-ano mo iyon?" Tanong niya sa akin habang pinapantayan ang paglakad ko.

"Wala ka na doon" sabi ko sa kaniya at umupo na sa passenger's seat at agad na nagseatbelt, pumasok na rin naman siya. Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi ako umiimik.

"Sila ba ang tatay ng mga anak mo?" Basag nito sa katahimikan. Napakunot noo naman ako.

"I told you, wala ka na doon" sagot sa kaniya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

The Womanizer's Desire(Amor en Verano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon