Chapter 12

2 0 0
                                    

Revelation
~~
HAILYX
It's Monday and I needed to go to work. I enjoyed my weekends since kasama ko ang mga anak ko, on the other hand, kanina pa ako nag-iisip kung ano ang sasabihin ko kay Kent, boss ko siya sa work pero hindi mawawala na matanong niya sa akin ang tungkol sa bagay na iyon because i'm his childhood friend after all. Should I go or nah?

"Aish!" Nasabi ko habang ginugulo ang buhok ko habang nasa harap ng mesa. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala 'yung dalawang anak ko sa akin kaya napaayos ako ng upo at tinignan sila ng nakangiti.

"Have you finished eating?" I asked them as they stare at me. Napakunot naman ang kanilang noo.

"We are trying to get your attention mom however, you are not in your usual self mom" Caleeh said then Calyx just nod his head agreeing to what his brother said.

"No, no. I'm good, mommy is just thinking about something" I said then got up. Inaya ko naman na silang magtoothbrush at lumarga na. Nahatid ko na sila sa kanilang school at hinatid na rin hanggang sa loob ng classroom nila, I don't know why i'm doing this my mind says that I should kill some time para ma-late at nang hindi ko makasalubong sa hallway si Kent. Nang matapos ko na ang mommy duties ko ay nagtungo na ako sa company kung saan siyempre ako nagtatrabaho.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako naka-upo dito sa sasakyan ko at kanina pa rin akong nag-iisip kung ano ang sasabihin ko. Ang usual time na pasok namin ay eight at ngayong eight-thirty na. What should I do? Kanina pa ako kinakabahan dito eh.

"Aish bahala na si batman" nasambit ko nalang at bumaba na akong ng sasakyan ko at tumaas na sa 10th floor para i-meet muli ang aming head. Habang naglalakad sa hallway ay lumilinga linga ako para makita kung safe ba ako, para namang akong i-hohostage dito sa ginagawa ko para magtago eh. Lakad-takbo ang ginawa ko para makaabot sa pinakadulo ng hallway pero nakakalahati ko palang 'yung daan ay may humila na sa akin.

"Ay pusang gal-" hindi ko na natapos sasabihin ko ng tinakpan nito 'yung bibig ko dahil napalakas rin ang boses ko. Pagharap ko kung sino 'yung humawak sa akin ay nanlalaki ang mata kong sinalubong ang tingin niya, bakit siya pa?

"K-Kent?" Gulat paring nasambit ko. Patay!

THIRD PERSON POV
Kanina pa naghihintay si Kent sa pagdating ni Hailyx dahil marami siyang gustong tanungin sa kaniya ngunit eight-thirty na ay wala pa rin ito. Naghintay siya sa harap ng meeting room kung saan doon ginaganap ang mga announcement at meeting ni Hailyx ngunit hindi pa rin ito dumarating.

*Kriing*

"Hello?" Bati nito sa tumawag at pumunta sa gilid upang hindi maka-istorbo sa iba ang boses niya.

(May samgyupsal mamaya Kent gusto mo sumama? Nagpadala na si Lance ng pangkain HAHAHA, bring your own date daw, unless kung ikaw si Devon HAHAH-aray!)  Rinig nito mula sa kabilang linya, natawa naman siya pero hindi parin maalis sa isip niya si Hailyx at ang napag-usapan nila ni Calvin dalawang araw na ang nakalipas.

"Ahh oo sige, huwag niyo kasi ubusin 'yung sushi" sabi nito at pinatay na ang tawag, pagkapasok niya ng kaniyang telepono sa kaniyang bulsa ay nakita niya ang isang babae na lakad-takbo at agad niya itong nakilala.

I knew you'll be late. Nasabi nito sa kaniyang isip at agad niya itong nilapitan at tinakpan sa bibig dahil sa malakas nitong boses na talagang gulat na gulat.

Agad niya itong hinila pababa para dalhin siya kumg saan makakapag-usap silang dalawa. Sa Ames Restauranté. Agad silang nakarating doon dahil trenta minutos lang ito mula sa kumpanya ni Kent.

"Ano ang gagawin natin dito? I still have to attend to Ms. Chua" Tanong ni Hailyx ngunit hindi nagsalita si Kent at hinila lang siya sa loob hanggang maka-upo at maka-order na sila ay hindi pa rin nagsasalita si Kent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Womanizer's Desire(Amor en Verano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon