Chapter 8

16 2 5
                                    

Pambasag Araw
~~
CALVIN KLEIN
6 am pa lang ay gising na ako. It's Tuesday today and i can't stop smiling simula pa kahapon. Hindi ko mapigilang isipin 'yung mga nangyari kahapon, nakakagulat dahil nalaman kong may anak siya pero at the same time nagustuhan ko silang makasama sa hindi ko malamang dahilan. Hindi kasi ako basta basta pumapatol sa mga babae lalo na kung baka kasal na pero kay Hailyx ko lang naramdaman at naiparamdam iyong nangyari kahapon.

"Anong ngiti 'yan?" Tanong ni Devon out of nowhere. Hindi ko napansin na nandito siya sa bahay ko. My parents are not home, doing business as usual so mag-isa lang ako.

"Bakit ba? Bawal maging masaya?" Sabi ko sa kaniya at hindi na niya ako pinansin. Bumalik naman ako sa pagngiti.

"Anyways Klein bakit ka pala nagpadala sa akin ng gulong kahapon bwisit ka ang bigat kaya non" natawa naman ako sa sinabi nito at naalala ang nangyari kahapon, siguro nagataka na kayo ano? Gusto niyo flashback? Okay ganito 'yan.

FLASHBACK
Nagsasaya na si Drake dahil sa wakas ay gumana na ang kaniyang stupid plans at nandito kami sa condominium ni Lance. Hindi pa man masyadong nakapagsaya si Drake nang  agad siyang sinapak ni Shene kaya ayun nakabulagta na siya sa sahig.

"Fuck you, Jimenez, hindi mo gamit si Lency para sabihin mo'ng panandalian lang, tch why does it have to be her ugh" natawa ako nang bahagya kay Drake dahil sa mukha niya, ang panget niya talaga.

Nakita ko namang nagulat silang lahat sa nangyari pero ako medyo natawa lang.

"Gagu 'yun ah, tch, basta huwag na kayong magreklamo final na 'yan, pinagpuyatan namin 'yan nila Klein 24/7 pa, kaya wala ng reklareklamo, even you! Lance" ma-awtoridad na sabi ni Drake kay Lance

"Okay fine" sabi nito sa naglakad na palayo sa amin.

"Wow, tigas Jimenez ah" sabi ko nang natatawa at tinapik siya.

"Pakyol ka Klein, ang sakit sakit na nga ng suntok ni Shene eh huhu" sabi nito na ikinatawa namin including Lance na nakaupo na sa sofa.

Nagpaalam naman ako sa kanila at nagtungo sa kumpaniya ni Kent, ewan pero feel ko lang talaga. Kung tutuusin hindi naman ito masyadong mataas siguro 10 floors lang.

Dumeretso ako sa parking lot at nag-park. Bumaba ako ng sasakyan ko nang may mapansin ako. Nakita ko 'yung sasakyan ni Hailyx at may nabuong plano agad sa utak ko.

Calling Devon....

[Hello?] bungad nito

"Nandito ako sa parking lot ng kumpaniya ni Kent dalhan mo ako ng extra na gulong 'yung gulong ng parang saakin" sabi ko at narinig ko itong napabuntong hininga

[Klein, ulol, get it yourself!] sabi nito pero bago niya ibaba ay nagsalita na agad ako

"Bibigyan kita nang isang case ng Red Horse" pag-alok ko pero minura ako ng gago.

[Gago, good boy ako mag-aalok na nga lang red horse pa tsk] sabi nito at pinatay na ang tawag ko

Bwisit na kaibigan tch, ilang minuto ko pang pinakatitigan ang kotse niya bago tumaas nang biglang may bumusina nang tuloy tuloy. Nadako naman ang tingin ko dito at agad nakita ang sasakyan ni Devon. Tanginang ito

Bumaba ito sa kaniyang sasakyan at binuksan ang compartment ng kaniyang sasakyan at binaba ang isang gulong.

"Tangina kang anak ka ng nanay mo, talagang pinapanood mo lang ako ah? Oh eto na, ano nanaman ba kasing trip mo?" Tanong nito pero agad akong napangiti at pinasalamatan ito.

The Womanizer's Desire(Amor en Verano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon