Kaori : Chapter 8

24 3 3
                                    

-
Kaori : Chapter 8
-

WALA sa sariling pinulot ko ang nabasag na baso saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok kayo."

Naglakad naman sila papasok. Huminto sa tapat ko si Daisuke. Marahas na inagaw ang piraso ng baso na hawak ko saka nagpunta sa kung saan.

Saan naman ang punta noon? Hindi niya bahay 'to, ha!

"Are you okay?" tanong ni Aquarius na huling pumasok.

"Oo naman," sagot ko habang pinagmamasdan siya.

Iba na ang kulay ng buhok nito mula noong huli ko siyang nakita. Nagbigay buhay ang dark blue nitong buhok sa complexion niya. Ang kabog naman, kumusta kaya ang anit nitong babaeng 'to?

"Bruh, you're bleeding. Where's that bitch Pisces?"

"What's with the word bitch, Aquarius?" Lumapit ang isang babae na nakasuot ng kulay itim na long sleeve, skinny jeans, at boots. Nangibabaw naman ang maputlang shade ng berde sa kaniyang kapa. Nakalugay ang unat nitong buhok, nakaipit sa kaliwang hati nito ay ang isang clip na may malaking design ng sea coral. Napansin ko ang nakasabit na maliit na botelya sa kaniyang baywang. May kulay ito na maihahalintulad ko sa tubig na galing sa dagat.

Sa tingin ko ay ito na nga ang tinutukoy niyang Pisces.

"I'm glad you responded as early as possible. Remember the last time - ?"

"I don't care." Inabot ni Pisces ang kamay ko saka naglabas ng tubig galing sa botelya. Ibinuhos niya ito sa parte ng kamay ko kung saan halos mapuno na ng dugo. Luminis na kung titingnan ang aking kamay, nawala ang bahid ng dugo at napalitan ng malinis na tubig. Lumitaw na rin ang palad ko na wala ng hiwa na galing sa mga basag na piraso na pinulot ko kanina.

"Happy now, bitch?" mataray na tanong ni Pisces. Nag-angat ako ng tingin upang kumpirmahin kung ako ang tinatanong niya. Balak ko na sana siyang paalisin sa pamamahay ko ngunit nakita ko itong nakataas ang kilay kay Aquarius.

"Tangina mo." Tumalikod si Aquarius saka naglakad papunta sa mga sofa at parang binagsakan ng langit at lupa na umupo roon. Lumapit naman sa kaniya ang isang lalaki saka siya kinausap.

Dumaan sa paningin ko ang paglalakad ni Pisces papunta sa kabilang bahagi ng living room, naupo ito sa isang bakanteng sofa saka inabot ang laptop ko. Saka ko lang din napansin ang iba na kinakalikot na ang mga materyales na kakailanganin sa aking pangangampaniya.

Pipigilan ko na sana ang mga ito ngunit lumabas sila Alicia mula sa dining room na masaya.

"Marceline!" Lakad-takbong lumapit sa akin si Elyza. "Ay, may mga bisita ka pala," pagkuwan na sabi niya noong mapansin niyang may iilang pares ng mata ang nakatuon sa kaniya. Naramdaman ko ang paglingkis ng braso ni Elyza sa akin.

"Sino sila?" tanong ni Alicia na tumabi sa akin. Sasagot na sana ako nang may biglang presensiya ng isang tao akong naramdaman.

"Naitapon ko na 'yong nabasag na baso," narinig ko ang pamilyar na boses na nanggagaling sa likuran ko.

Lumingon ako saka nakitang nakatayo roon si Daisuke. Lumagpas ang tingin nito sa akin saka nagsalita. "Hindi ko na pala kailangan pa tumingkayad. Maliliit na kayong nasa harap ko," nakangiting sabi niya, dahilan kung bakit nangunot ang noo ko.

Anong sabi niya? Ako raw ay maliit? Sipain ko kaya ito palabas ng mansion ko?

"Oh, kumikilos na pala mga alaga ko. Hahaha," dagdag niya pa habang natatawang pinagmamasdan ang mga kasama niya.

"Daisuke?!" gulat na mutawi ni Elyza. "Hindi ko alam na seseryosohin mo pala ang pagpunta rito!"

"Oo nga. Akala ko nagbibiro ka lang o kaya ay para kiligin si Marceline,"

Kaori: Marceline Yuzura RacquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon