–
Kaori: Chapter 3
–"Mayura,"
"Hmm?" Nag-angat ako ng tingin para makita ang mga kasabay ko kumain.
"Kumusta pala ang pagiging Presidente?" tanong ng kaklase ko.
Uminom muna ako bago sumagot. "Ayos lang naman. Basta ba ay walang magpapasaway sa mga kaklase natin," sagot ko.
Kasabay ko kumain ngayon ang mga kaklase ko. Sa bawat araw na lilipas ay hindi ko pala makakasabay sa iisang oras ang mga kapatid at ang pinsan ko. Hindi ko alam na magkakaiba pala ang magiging schedule namin.
Pero okay lang. Wala naman masama roon. Dahil sinusubukan ko na rin mag-adjust sa bagong paaralan na pinasukan ko.
"Nga pala, Mayura. May dumaan na isang lalaki kanina. Pinapabigay 'to." Tumingin ako kay Alicia.
Isang makalumang papel ang inilapag niya sa harap ko. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ko sa nakaluping papel.
"Ano naman 'to?" tanong ko.
Kinuha ni Elyza ang papel saka ineksamina. "Kung titignan, mukha itong papel na mula sa freedom wall," sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Freedom wall?"
Sabay-sabay silang tumango. "Nakakuha na rin ako ng ganito noong nakaraang araw." dagdag pa niya. Inilabas niya mula sa kaniyang bag ang isang papel kagaya ng akin. Doon din ay nakasulat ang pangalan niya.
"Buksan mo dali!" Engganyo ni Clara.
Kinuha ko kay Elyza ang papel saka ito tinignan. Medyo hindi maganda ang kutob ko rito. Ibinulsa ko ang papel saka tinanong sila, "Saan ang freedom wall?"
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sinasabi nilang freedom wall. Sa isang linggong nagdaan, ngayon ko lang narinig ang tungkol doon.
Nagkatinginan sila bago ako sagutin. "Sa likuran ng paaralan. Bakit?" tanong ni Clara.
Tumayo ako dahilan kung bakit magulat ang mga kasama ko. Agad naman akong tinanong ni Alicia. "Saan ka pupunta?"
"Sa Freedom wall," sabi ko bago maglakad paalis.
"Marceline!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Isang babaeng nakasuot ng kulay pula ang masamang nakatingin sa akin. Nasa likod niya naman ang limang babae na nakataas ang kilay habang sinusuri ako.
"Sino ka naman?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kantina at nakita ang mga estudyanteng nakatingin sa amin.
"Ako lang naman ang sinulatan mo,"
"Excuse me?" Maang na tanong ko.
Naglakad siya papalapit sa akin saka marahas na kinuha ang papel sa bulsa niya at hinampas ito sa dibdib ko. "Ano ba ang problema mo?" Nagtitimping tanong ko. Sino ba 'to para ihampas sa akin ang isang papel?
Hangga't maaari ayaw ko makipag-away sa mga hampaslupang katulad niya. Pinagmasdan ko ang nahulog na papel, kagaya rin nito ang papel na ipinadala sa akin.
BINABASA MO ANG
Kaori: Marceline Yuzura Racquel
FantasyTarocchi: Kaori-Baudelaire Series Series #1 Marceline Yuzura Racquel Kaori holds the eleventh tarot card - The Justice. She came from the family of Kaori that holds most of the major and minor tarot cards - or what she believe it to be. The truth w...