-
Kaori: Chapter 4
-Nakatingala ako habang pinapanood ang kalangitan na maging kulay kahel. Dumaan sa paningin ko ang iilang ibon na malayang nakakalipad sa himpapawid.
Malapit na lumubog ang araw ngunit nandito pa rin ako sa likod ng aming tahanan. Nakaupo sa malamig na upuan gawa sa bakal habang nagpapalipas ng oras. Inangat ko ang papel na hawak ko saka binasa ang tula na para kay Takahashi.
Pero hindi ko naman 'to ibibigay sa kaniya. Ano siya sinusuwerte?
Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng malalakas na yabag sa gawing kanan ko. May paparating.
"Marceline!" boses niya pa lang ay hindi ko na mapigilan kabahan.
Bumilis ang tibok ng puso ko kahit na hindi ko pa tinitignan kung sino ang nagsabi noon. Para bang kilala na ng utak ko kung kaya't bigla na lang nagiging ganito ang pakiramdam ko. Itinikom ko ang bibig ko upang pigilan ang nagbabadyang ngisi dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"Nakita mo na ba 'to?" Nilingon ko si Takahashi na nakangiting ipinapakita sa akin ang hawak niya.
"Hindi pa. Ngayon pa lang," buryong sagot ko para itago ang nakakikiliting pakiramdam na malapit na lumabas.
"Siyempre. Kabuburda pa lang nito, eh! Hahaha," utal niya saka tumawa nang malakas. Alanganin akong tumawa habang pinapatay siya ng tingin.
Ano na naman ba ang pakulo niya ngayon?
Humagikhik ito saka inilapit sa akin ang dala niya. Umayos ako nang pagkakaupo upang makita ko nang malinaw ang dala niya. "Ano ba 'yang B na 'yan?" tanong ko nang makita ko ang isang letrang B na nakaburda sa puting tela.
Napansin ko na namumukod-tangi ang kulay gintong letra kahit na pinaliligiran ito ng kulay itim.
"Hmm, palatandaan ito ng pamilya ko. Kapag mayroon ka nito ibig sabihin noon ay kasapi ka ng aming pamilya," aniya saka umupo sa tabi ko. Tumikhim ito saka umusog at pilit na idinidikit ang sarili niya sa akin. "Mayura,"
Tumango ako saka ibinalik ang isinusulat ko na tula para sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ipinapakita sa akin 'yon. Kung iisipin, ang palatandaan nga namin ay hindi ko pa naipapakita sa kaniya.
Dapat ko na ba ipakita? Kaso baka naman magalit sila Ina. At isa pa, walang maaaring makaalam ng tungkol sa palatandaan namin. Lalo na ang apelyido namin. Wala akong alam sa mabigat na rason dahil hindi naman nila sa akin sinasabi. Tanging si Ama, Ina, at si Ichiro lang ang nakakaalam.
"Oh?" tanong ko.
"Gusto ko dalhin mo rin 'to,"
"Ha? Alin?" Nag-angat ako ng tingin saka ko nakita ang napakawalak niyang ngisi. Nakini-kinita ko rin sa mukha niya na parang naghihintay siya ng isang magandang reaksyon galing sa akin.
Sumimangot ang hitsura nito nang makita niyang wala akong kaalam-alam sa pinagsasasabi niya. "Tsk, wala!"
Napapikit ako nang mariin saka huminga ng malalim.
Tingin ko ay alam ko na kung ano ang ginagawa nitong isang 'to.
"Kung balak mo lang kunin ang atensiyon ko at inisin ako o guluhin, nagtagumpay ka na."
Tumawa siya nang malakas kaya hindi ko mapigilan mainis.
Ibig sabihin ba noon ay tama ako?!
BINABASA MO ANG
Kaori: Marceline Yuzura Racquel
FantasyTarocchi: Kaori-Baudelaire Series Series #1 Marceline Yuzura Racquel Kaori holds the eleventh tarot card - The Justice. She came from the family of Kaori that holds most of the major and minor tarot cards - or what she believe it to be. The truth w...