Kaori: Chapter 2

78 20 5
                                    

-
Kaori: Chapter 2
-

"Ayos ka lang? Hahaha." tanong ng lalaking nasa harap ko.

Daisuke ang pangalan niya. Tama?

Tila isang musika sa tainga ko ang tawa niya. Pero hindi ba awkward ang magtatanong ka ng ayos ka lang tapos tatawa ka? Weird.

Tumikhim ako bago sumagot, "Ayos lang ako. Salamat,"

Tinanggap ko ang kamay niya na nag-aalok ng tulong. Umayos ako ng tayo saka ngumiti ng tipid.

"Mag-iingat ka sa susunod." Ngumiti ito sa'kin dahilan na parang gusto ko sabayan tumili ang kababaihan na nakapaligid sa amin.

Bakit parang nagliwanag ang paligid noong ngumiti siya?

"Ikaw rin," tipid na sagot ko.

Naramdaman ko ang pag-eksamina niya sa aking mukha. Dahilan upang pamulahan ako ng pisngi.

Tinalikuran niya ako saka nagsimula maglakad palayo.

Pinagmasdan ko ang nakaburda sa likuran ng kaniyang suot.

Napukaw ng isang letrang B ang aking atensiyon.

"Marceline! Hahaha,"

Tumatakbo si Takahashi papunta sa akin. May dala itong isang kulay puti na wari ko ay isang damit.

"Bakit, Takahashi?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag mo nga akong tawagin na Takahashi. Hahaha," sabi nito sa pagitan ng kaniyang paghinga. Ramdam ko ang hingal niya dahil sa mabilis niyang paglanghap ng hangin.

Inagaw ko sa kaniya ang dala niya saka ito niladlad. Isang mahabang damit ang lumadlad sa harap ko.

Napamulagat ako nang makita ito. "Ang ganda, 'di ba?" tanong niya.

Wala sa sariling tumango ako. "'Yan." Tinuro niya ang nakaukit sa kaliwang parte ng kaniyang damit. Kung susuotin ito ay matatapat ang nakaburda sa may dibdib ng tao.

"'Yan ang simbolo ng aming pamilya. Hahaha. Ang sabi ni Ama, dapat ko na raw isuot 'yan."

Ibinigay ko sa kaniya ang mahabang damit na hawak ko. Maingat ko itong inabot upang hindi sumayad sa sahig.

Pinagmasdan ko si Takahashi habang sinusuot ang kaniyang damit. "Ayos ba? Hahaha,"

"Ayos. Bagay sa'yo, Takahashi." Nakangiting sagot ko habang hindi inaalis ang nakaburda sa kaliwang parte ng kaniyang damit.

"Siyempre. Guwapo ako eh!"

"Daisuke." bulong ko habang pinapanood siyang maglakad papasok.

Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatayo sa puwesto ko. Kung hindi lang ako binatukan ni Shimira malamang ay palubog na ang araw nandoon pa rin ako.

Masama ang tingin nito sa'kin na parang may malaki akong kasalanan sa kaniya.

"Hoy! Papasok ka ba o tatanga ka lang diyan?"

"Papasok ako, ano ba, utas ko.

"Oh, eh, bakit nakatanga ka pa riyan? 'Yong mga kapatid mo na maaarte nauna na," sabi nito habang iniiwas ang paningin sa'kin. Iginawi niya ang kaniyang tingin kung saan maraming estudyante.

"Eh, bakit ikaw? Nandito ka pa nga eh." Pagrereklamo ko sa kaniya. Pinagpagan ko ang sarili ko dahil may mga alikabok na kumapit sa'kin.

"Itinali ko 'yong kabayo ko. Gusto mo ikaw rin itali ko? Tutal ayaw mo naman umalis diyan sa puwesto mo eh," Masungit na sabi nito.

Kaori: Marceline Yuzura RacquelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon