Erinn's Point Of View
Tahimik kong minamaneho ang kotse ni Ate Brina. Hindi ko maiwasang tingnan ang rear view mirror. Nasa backseat nakaupo sina Jimin at Jungkook, samantalang nasa passenger seat naman si Via. Para kaming may kasamang anghel sa sobrang tahimik ng buong kotse. Awkwardness is filling the whole car. Walang gustong magsalita ni isa samin.
Bakit naman kasi ang harot ni Ate Brina at sumama agad kay V sa kotse nito?!
Wala tuloy kaming choice kundi magsama-sama sa kotse nya dahil pare-parehas naming ayaw maiwanan sa Park na yun.
Dahil sa kaharutan ng dalawang yun, kaming apat tuloy ang nagsa-suffer ngayon. I wonder kung anong atmosphere nila sa kotse ni V.
Awkward din kaya tulad samin? Sana naman, awkward din para pagsisihan nya na hindi na dapat sya doon sumakay at may sarili naman syang kotse.
"Pwede naman siguro tayong mag-usap, hindi naman sila nakakaintindi ng Tagalog eh!" Pasimpleng bulong sakin ni Via.
"Tanga! Kahit nag-uusap tayo nang Tagalog, makakahalata parin ang mga yan na sila ang topic natin!"
"Hindi naman sila ang gagawin nating topic." Pakikipagtalo nya.
"Hindi nga ba? Sus, Via. Ikaw pa! Eh halos minu-minuto mo na ngang ikinuwento si Jimin sakin kapag may pagkakataon eh!-- Aray!" Bigla nya akong kinurot sa tagiliran.
"Wag ka ngang maingay! Baka marinig nya yung pangalan nya!"
"Oo na! Bwesit na 'to. Kanina ka pa kurot nang kurot sa tagiliran ko ha! Kapag na-imbyerna ako sayo, ibabangga ko 'tong kotse na 'to. Pare-parehas tayong mamamatay!" Pagbabanta ko.
"Edi go! Ibangga mo, tingnan natin kung kaya mo. Lalo't nasa backseat si Jungkookie oppa. Alam kong mas mahal mo yan kesa sa buhay mo!" Humagikhik pa sya na parang nang-aasar.
Inirapan ko lang sya at nag-focus na sa pagmamaneho. Nakasunod lang kami sa kotse ni V dahil first of all, clueless ako kung saan ang dorm nila. Kahit naman, BTS ARMY kami, hindi talaga namin alam kung saan ang exact location ng tinitirahan nila. Hindi rin naman kami sasaeng na magreresearch pa sa internet para lang ma-stalk ang Bangtan. Like duh! We were better than that!
Nag-slow down yung kotse ni V kaya binagalan ko nadin ang takbo ng kotse namin. Lumiko ito at pumasok sa isang Village.
Hannam The Hill, the most expensive and private village in Seoul. Akala ko rumors lang na dito sila nakatira, but here we are, witnessing that this it not a fake news!
"Omg! I'm really freaking inside! This is not a drill! I should capture this moment---"
Tinapik ko ang kamay nya nang akmang kukunin nya ang phone nya sa dashboard ng kotse. "Bawal magpicture!"
"Hala! Eh bakit naman?!" Pilit parin nyang inaabot ang phone nya. Pero mabilis ko itong kinuha at inilayo sa kanya.
"Wala ka na ding pinagkaiba sa mga sasaeng kapag nagpicture ka without asking their permission---"
"You can take pictures if you want to. We're allowing you, just please don't leaked it on social media. You know, fans might got it wrong." Sabi ni Jimin.
Napatingin ako sa rear view mirror kaya kitang-kita ko kung pano ngumiti ang mata nya nang ngitian nya si Via. Napakagat si Via sa ibabang labi nya at namumulang humarap sa unahan. Nanahimik ang babaita na parang tutang maamo. Akala ko ba nagpipicture sya, tapos biglang natameme dahil nginitian ng isang Park Jimin. Parang tanga lang!
YOU ARE READING
She's The Cause Of His Euphoria
FanficI never wished to be somebody until you choose her ~Erinn Date Started: 06/13/2021 Date Finished: ---/---/----