Erinn's Point Of View
"Ate Erinn naman! Hindi ka naman nakikinig eh!"
"So-sorry!" I stammered.
Inirapan nya lang ako bago tumayo at naglakad papuntang kusina. May dala-dala na syang garapon na may lamang cookies na binake ko lang kagabi nang bumalik ulit sya sa living room.
"Kanina ko pa kinekwento sayo ang naging lonely life ko sa Pilipinas nang umalis kayo ni Ate Brina, tapos hindi ka naman pala nakikinig!" Aniya habang nakanguso.
"Via, what if nameet mo si Jimin in person accidentally?"
Napakunot-noo sya.
"What do you mean? Sa concert?"
"Hindi. I mean, for example, naglalakad ka lang then bigla mo syang---"
"Wait!" She interfere. "May nangyari bang hindi ko alam?!" Dagdag nya.
"N-nangyari? Wala naman--"
"You're lying! I can feel it! Kahapon ka pa spaced out, simula pagkauwi mo nung bumili ka ng banana milk!" She turned her torso so that she faced me completely.
"W-wala nga!" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Tch! Bahala ka, ikaw rin! Kapag hindi mo yan shinare sakin, mababagabag ka lang nyan for the whole week."
Inilagay nya sa center table yung garapon at akmang tatayo na kaya naman mabilis ko syang hinawakan sa kamay. "Sasabihin ko na..."
__________
"Wow! Kakaiba ka! Dahil sa kamalditahan~slash~kabaitan mo, nameet mo si Jungkookie oppa!"
"Hindi ko naman akalain na sya pala yung kaagaw ko."
"You're right. Ibig-sabihin lang nyan, meant-to-be talaga kayong magkita. Imagine, ang laki-laki ng Seoul, ang daming groceries and convenient store dito but it turns out na yung store na pinuntahan mo ay pinuntahan din nya... At hindi lang yun, parehas pa kayo ng bibilhin at nag-agawan pa kayo sa last banana milk na yun! I won't believe if you said it's just a coincidence."
I sighed as I rest my head on her shoulder. "Eh anong tawag mo dun?"
"Hmm... I think you were meant to be the cause of his euphoria."
Silence came...
"Alam mo para kang tanga! We're on reality, not in a fairytale---"
"Pero naramdaman mo yung paru-paro, diba?" She interfere.
"Oo."
"Oh, isn't that enough for you to believe---"
"Vianne Samonte, wala pa akong nababalitaang idol na na-inlove sa isang fangirl."
"Duh! Edi kayo ang kauna-unahang may love story na ganun, tapos kami ni Jimin yung pangalawa then si Taehyungie oppa at si Ate Brina yung pangatlo. Oh diba, tayo magpipinsan, while sila maknae line. Isn't that perfect?!"
"You know what, antok lang yan. Matulog ka na, gabing-gabi narin oh! Kung anu-ano na pumapasok dyan sa kokote mo. Our story will just end there, nothing more, nothing less. At least nakita ko sya in person nang hindi gumagastos sa concert. I think that would be enough."
"It wouldn't, swear!" Aniya sabay pasok sa kwarto.
Kahit na paulit-ulit kong itanggi ang sinasabi ni Via, may parte sakin na umaasang sana... Sana nga magkatotoo ang sinabi nya. Kahit hayaan man lang ako ng Diyos para makilala sya nang lubusan, hindi dahil sa internet, kundi dahil parte sya ng buhay ko.
___________
Nagising ako dahil sa malalakas na pagkatok ng nasa labas. Past 7 am palang pero nangbubulabog na agad si Via sakin.
Kahit antok na antok na ako, minabuti ko nang tumayo para buksan ang pinto. Bumungad sakin si Via na bihis na bihis habang malawak na nakangiti.
"Bakit? Ang aga-aga pa ah!"
Sabi ko sabay pasok sa banyo. Naramdaman ko namang pumasok din sya sa kwarto ko at naupo sa kama.
"Gala tayo! Dali! Ipasyal mo man lang ako sa hotel kung san ka magtatrabaho soon! Tsaka pupuntahan ko din yung magiging school ko. Samahan mo ako, please!"
"Pag-uwi nalang ni Unnie sa weekend, hindi pa ako masyadong familiar sa mga lugar dito eh. Baka mawala lang tayo."
Kitang-kita ko sa reflection nya sa salamin kung paano sya nalungkot.
"Magpractice ka nalang ng Russian Cuisine habang ako naman, magbebake ng blueberry cake, what about that?"
Biglang nag-enlighten yung mood nya the moment na binanggit ko ang salitang "cuisine". Alam ko, weakness nya talaga ang cooking.
Via is a culinary arts student. Kahit nung bata palang sya, hilig na nya ang pagluluto. Lagi syang nasa bahay at pinapanood si Mama kapag nagluluto. Freshman sya nun sa college nung nagsimula syang sumali sa mga cooking contest. Kaya na nyang lutuin ang iba't-ibang cuisine from other countries pero sa Russian Cuisine sya nahirapan kasi medyo complicated daw sabi nya. Kaya kapag may time, pinapractice nya yun.
While me, nagluluto naman ako pero mas mahilig ako sa baking. Hobby ko lang sya pero maraming nagsasabi na dapat daw nagpastry chef nalang ako. But just like what I said, hobby ko lang sya at wala akong balak na gawing career yun in the future. Mas goal ko ngayon ay maging isang Hotel Manager, and maybe, magpatayo ng sarili Hotel in the near future.
A/N:
Alam ko po medyo lame ang chapter na 'to to the point na kahit ako naboring din. Nagfocus po kasi ako sa ViaRinn moments. But don't worry, I'll make it up on my next chap! Thank you sa readers! Love y'all!♡
YOU ARE READING
She's The Cause Of His Euphoria
Fiksi PenggemarI never wished to be somebody until you choose her ~Erinn Date Started: 06/13/2021 Date Finished: ---/---/----