"Ang lamig!" Nginig na sabi ni Felix. Pinsan ko.
Sinarado niya ang pinto ng kotse ng makapasok siya. Bumili siya ng pagkain namin dahil medyo malayo-layo pa ang hotel na tutuluyan namin. I accidentally looked behind my chair. Nagtama ang tingin namin ng kaibigan ni Khay. Akala ko bonding naming magpipinsan 'to pero may sinama si Khay.
His brown eyes shone by the light. Medyo magulo ang buhok niya at may slit sa kaniyang kanang kilay. He smirked at me and I immediately looked away. Lumunok ako at tumingin na lang sa labas.
"Hoy, Jace!" Sigaw ni Khay.
"What?"
Tamad niyang saad.
"Ikaw ba magbabayad para sa hotel?"
"Yeah,"
Napalingon ako kay Khay dahil medyo na-bother ako sa narinig ko.
"Khay, ako na lang magbabayad."
Her brows furrowed. "Si Jace na, Ciana."
"I'll pay, Ciana." Sabi ni Jace sa mababang boses. Nagkatinginan kami saglit. Nakitaan ko ng seryoso ang mukha niya kaya tumikhim na lang ako at tumahimik.
"Mayaman naman 'yang si Jace." Bulong sakin ni Khay. "Anak 'yan ng CEO ng sikat na kompanya ngayon kaya don't worry."
Bumuntong hininga na lang ako.
