08

246 3 0
                                    

I stretched my arms and yawned when we went out of the car. Medyo masakit ang ulo ko dahil hindi ako masyadong nakatulog ng maayos.

Nandito na kami sa labas ng bahay. Khay rested her head on my back. Tinignan ko ang mga lalaki kong pinsan na kinukuha ang gamit namin papasok sa bahay.

Jace looked at me and then to Khay. Medyo magaan naman ang loob ko sa kaniya dahil paminsan minsan ay nag-uusap kami. But I feel he's a flirt. Tignan mo pa lang ang itsura niya, parang masisira agad ang buhay mo.

Pero hindi naman ako magpapabigay. Kaibigan siya ni Khay. Baka may gusto si Khay sa kaniya o kaya siya ang may gusto sa pinsan ko.

"Salamat, bro." Felix said to Jace.

"No problem." He raised his brows and looked at me again. Umakbay sa akin si Khay.

"Alis na Jace! Pangit mo!" She laughed.

"Tss." I heard he mumbled.

Lumakad papunta si Jace sa kotse niya pero bago niya 'to paandarin, tumingin ulit siya sa akin.

"Naku, Ciana. Mag-iingat ka kay Jace! Malandi 'yon!" Khay laughed and tapped my shoulder.

"Wala akong panahon para makipaglandian." I shook my head.

"Ay oo nga pala, medyo mahigpit parents mo pagdating sa'yo."

"Anong landi-landi? Walang mag bo-boyfriend! Pumasok na tayo sa loob." Sigaw ni Felix.

"Epal!" Sigaw ni Khay.

Would You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon