July 19, 12:12 AM (PH TIME)jace🔒 @jacefrancia
I really do
jace 🔒 @jacefrancia
Nag Baguio lang ganon na agad kinalabasan. Ulol ka Jace.
—
Matapos ang shoot ay nagpalit muna ako ng damit. Nag paalam ako kay manager bago kumain sa labas dahil lunch time na. Mamaya ay itutuloy ang shoot.
I smiled because I never thought I do this! Nang maka-order ay nilabas ko na ang phone ko. Is he asleep? Tinawagan ko siya at isang ring lang ay sinagot na niya.
I saw his bare face. Ngumiti ako sa kaniya.
"Where are you?" He asked. Namumungay ang mga mata niya.
"Uhm, resto. Lunch na kasi."
Medyo nilayo niya ang kaniyang phone kaya nakita ko na wala siyang suot pang-itaas. I awkwardly averted my gaze. Napansin kong ngumsi siya kaya nilapit niya ulit ang phone sa mukha niya.
"Wala kang kasama?"
"Uh-huh."
He frowned. "Paano kung may lumapit sa'yong lalaki?"
I shrugged.
"Ciana," Mababa niyang saad.
"Edi lumapit sila." Inosente kong tugon.
He pinched his nose bridge and closed his eyes. He sighed. Wala namang mali sa sinabi ko. At mararamdaman ko naman kung may masamang pakay ang lalaki sa akin.
"Ma'am, here's your order."
"Thank you," I said when the waiter put the food on my table.
Pinakita ko kay Jace ang mga kakainin ko. He smiled.
"I wish you're here..." I accidentally said. Nahiya agad ako kaya pinatay ko ang tawag. I slightly slap my face.
Baka kung anong isipin niya! Baka isipin niya na nagugustuhan ko na siya... Pero totoo naman 'di ba, Ciana? I frowned and decided to eat.