60

206 2 0
                                    

Pagkababa ko sa kotse ay kumatok agad ako sa gate niya. Malaki ang bahay ni, Jace. Halatang pang mayaman ang disenyo ng bahay. Pati ang mga halaman sa labas ay naka-ayos. Medyo kinabahan ako kanina dahil nagtanong pa ako sa mga tao kung tama ba ang dinaanan ko papunta rito. Mabuti na lang at hindi nila ako namukhaan dahil naglagay ako ng face mask.

"Sino po sila?" Sabi ng guard.

"Kaibigan ko po si Jace. Nandyan po ba siya?"

"Yes po. Tawagin ko lang."

"Uh, 'wag na po! Pwede po bang papasukin niyo ko? May pag-uusapan lang kami."

Nagkamot sa batok ang lalaki pero pinapasok niya rin ako.

Siguro dalawang minuto akong naglakad papasok sa bahay niya. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay biglang bumukas ang pinto.

"Jace..."

Mukhang gulat na gulat siya dahil nasa kaharap niya ako. I gulped when I suddenly feel nervous. Pero kahit malayo, amoy ko ang alak sa katawan niya.

"Come in." He said deeply.

Umupo ako sa kaniyang sofa. I heard him sighed and sat beside me. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa head rest at pumikit.

"Sorry. Nakalimutan ko."

"It's fine." Paos niyang sabi.

"Uhm..." Nawalan ako ng sasabihin kaya ngumuso ako. Nagmulat siya ng mata at diretsong tumingin sa akin.

"I like you, Ciana..."

I bit my lower lip and nodded. I'm so nervous but I want to be calm in front of him.

"Ako rin, Jace."

He swallowed hard.

"Gusto rin kita."

Bakit ko pa patatagalin kung gusto ko rin naman siya? He smiled and closed his eyes. I heard him whispered 'fuck'.

Would You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon