Chapter Six

2 0 0
                                    

Chapter 6

Ilang araw na ang lumipas mula ng pumunta kami ni Acari sa mga bilihan dito sa Isla, mula noon ay minsan ko na lang itong makita pero kapag nagkikita kami ay napakamaloko nito.

One time pa nga ay sinabi nito kay lola na baka daw may crush ako sa kanya kasi daw lagi ko daw itong tiningnan. Parang tanga napaka assuming talaga.

Kasalukuyan akong npapahangin sa labas at nakaupo sa reclining chair kasama si Farem at Alona..

"gusto ko talaga mag camp pero tinatamad ako maglakad" Farem frowned, kahapon pa ito nagdedesisyon kung mag cacamping ba ito o hindi, sabi kasi nito ay gusto niyang ma experience ang wilderness pero tinatamad naman.. Hindi ko ito pinansin at uminom nalang ng juice na nasa mesa sa gilid ng reclining chair..

Hindi mainit ngayon kaya perfect time para humiga dito, napakamahangin pa kaya nakakarelax.

"napakaingay mo, ayaw mo namang i put into action ang mga gusto mo, wala kang mararating" Alona commented at Farem.. Lagi naman silang nag babangayan, no doubt with that and to think that they only knew each other for two months. Wierd

"says the girl whose here to run away"

Napatingin kaming tatlo sa bulto ni Venancio na kakarating lang, unlike the last time i saw him, mukhang tao na ito ngayon dahil sa sout nitong suit at dala nitong case.. Mukhang lawyer na talaga ito.

I closed Alonas mouth when i noticed that she's drooling over Venancio's hotness, nakakahiya talaga tong babaeng to

"girl you've been hit real hard" tawa ni farem at hinila ako pa alis, nagpatangay nalang ako to give Alona and Venancio their personal space..

Narinig namin ang pagtawag ni Alona sa pangalan namin ni Farem pero patuloy lang kami sa pagtakbo papunta sa loob ng bahay..

"okay lang bang iwan natin siya dun"
I asked farem as we both catched our breath

"bahala siya dun isa pa may lahing marupok  yan si Alona, kaya niya na yan"

Anito at nagumpisang maglakad patungo sa kusina para uminom ng tubig….  Sumunod din ako dito at kumuha ng tubig, pinaypayan ko din ang sarili ko dahil tumutulo na ang pawis ko. Parang napakadali ko namang mapagod this days, kulang lang talaga ako sa exercise.

"HARA? HARA?" I hurriedly panicked and got out of the kitchen to find the owner of the voice who's calling me, and it's lola.

"What is it?" i asked as i saw her running down from the stairs of the house

"Did you take these pictures? it's so nice" palatak nito at lumapit sakin ng makababa ito galing sa hagdan. Naintriga naman kami ni Farem kaya naman tiningnan namin ang cellphone ni lola.

Wow, so she's using Instagram? akala ko ba walang signal dito?

"maganda nga, ikaw nagpicture nito?"

Farem asked as we both looked at the photo on the phone. Ito yung picture na kinuha ko last time nung may nagpasuyo saking magkasintahan na kunan sila ng picture when i was with Acari.. I didn't know how they found out my username and tagged me though..

" yes ako nga, but i didn't gave them my name or username, there's no way they're gonna know" i pouted because of confusion, alam kong madali lang ang username ko sa instagram dahil '@hara' lang iyon, pero hindi pa din nila malalaman kung hindi ko sasabihin right? Impossible namang si Acari ang magsabi e hindi niya din alam yun.

"wag mo na isipin yun, ang importante nakita ka nila at pinasalamatan. Look at the caption apo"  lola put on her reading eyeglasses and started reading the caption below the picture

"hey batanes, everything's just so pretty here, thanks to Ms. Hara  for taking this pictures, next time i would take your picture with your boyfriend at the back"

Kumunot ang noo ko dahil sa caption, anong klaseng kagaguhan yun?

"may boyfriend ka Hara?" Farem looked at me wide eyed… mabilis naman akong umiling

"hell no" 

"e sino ang tinutukoy sa caption?" anito at inilapit ang mukha sa akin

"i told you i don't know si Acari lang naman ang kasama ko last time" i defended myself, there's no way i can have a boyfriend.

"i think they thought Acari was my boyfriend, i dont know" i shrugged my shoulders at hindi nalang sila pinansin.. Hindi na din ako kinulit ni lola dahil busy ito ngayon sa cellphone niya, hindi ko alam kung anong ginagawa nito doon..

Naglakad ako sa pumunta na lang sa kwarto ko, mas maganda pa doon at natatanaw ko ang mga kabundukan at maganda din ang simoy ng hangin.

Bago ako makapasok ay nakita ko si Vivoree at Derek sa hallway, parang nag uusap ang mga ito ng masinsinan dahil nakayuko si Derek, i dont know whats going on about those two but i wish them good luck.

Ng makapasok ako sa kwarto ay nagmadali akong pumunta sa bintana at binuksan ito, ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang preskong hangin.

"feeling mo ba si Rapunzel ka?"

Agad na nasira ang mukha ko ng marinig ang boses galing sa terrace ng isang kuwarto, i opened my eyes just to see Acari on his usual morning shorts and white polo shirt that's not properly buttoned, which exposes his chest holding a mug

" shut up, i'm not trying to be anyone here" inirapan ko ito at akmang tatalikod na sana ng marinig ko ang nakakainis na tawa nito, just like my grandmother i hate being laughed at.

Tiningnan ko ito ng masama na mas ikinatawa lang nito.. Malakas pa naman ang hangin kaya tumutabon ang mahabang buhok ko sa mukha ko kaya mas naiirita ako..

"you should tie your hair first then come back and stare at me" he pointed my hair and motioned me to go inside. I rolled my eyes at him bago isinira ang bintana ng kwarto ko.

Hinanap ko ang clip ko sa buhok at inipit iyon leaving some hair strands on the lose in both side of my face.

Hindi na ako bumalik sa bintana at nag bukas nalang ng laptop para magsulat about sa litratong nakuha ko last time.

It was the picture of the whole house, and it looks so mesmerising, gusto ko sanang gumamit ng drown kaya lang hindi ko nadala yung akin kaya kailangan ko pang bumili next time.. This is just a test.. The final product will be the shot from the drown pag nakabili na ako.

BATANES SERIES #1: RUNNING WITH THE SUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon