Kabanata XIII

7.1K 228 39
                                    

"One day, I will tattoo quotation marks on my wrists, wrap you in my arms, and finally make you understand that all I have worth saying begins and ends with you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Paabot nga nung ruler, Jared."

"Anong oras na, Adi?" tanong ni Kei.

Inilapag ko 'yung ruler na iniabot ni Jared sa desk ko tapos medyo binasa 'yung labi ko habang kinukuha 'yung cellphone ko sa bulsa. "Eleven Forty-Three," sagot ko. "Konti nalang mag t-time na."

Tinapos na namin 'yung graph na pinapagawa sa'min. Sa halos dalawang oras na nakalipas ay ginawa kong busy ang sarili ko para lang hindi maisip 'yung text ni Asher.

Buti nalang pala crush lang. Buti nalang talaga.

Madali lang maka move-on sa isang crush. Kay Kiko nga dati mga 3 days lang e. Na sister-zoned naman ako doon. Little sister kuno niya daw ako. Ngayon naman kay Asher na gaga-zoned slash lol-zoned slash bes-zoned.

'Tanginang 'yun, sugapa. Kala mo naman pogi. Pwe. Mukhang tae.

Kapag ako talaga gumanda, who you ka sakin Asher Martinez. Naku! Ngayon palang na i-imagine ko na.

Naglalakad ako sa hallway at lahat sila nakatingin sakin. Parang nag slow-motion at lahat ng atensyon ay na saakin lamang. Tapos lalabas ng classroom si Asher, dahan dahan lilingon siya sakin at matutulala. Mahuhulog 'yung panga niya kasi sobrang ganda ko na habang ako naman ay dadaanan lang siya at kikindatan. In your face maderpaker! Pinakawalan mo ang isang dyosa. Tapos mula nun, susunod sunod na siya sakin

"Are you sure you're okay, Adrian?"

"H-Huh?" napabalikwas ako sa upuan ko at gulat na tinignan si Jared. "Bakit?"

"Uh.." napahawak siya sa batok niya. "Naka frown ka kasi.. but you were uh.. giggling. Are you okay?"

"Ha!" pilit akong tumawa at itinulak pa siya. "Ikaw talaga, lahat nalang napapansin mo." Saksakin kitang kutsra kundi ka lang cute e. "Wala lang 'yun, may naisip lang kasi akong nakakatawa."

"Habang nakasimangot?"

"Ano ba," pakunwaring galit na sabi ko bago ulit siya itulak sa balikat. "Andami mong tanong, kulang nalang kalbuhin kita e. Pwede ka nang pumalit kay Tito Boy."

Agad siyang namula dahil sa sinabi ko, "Sorry." Aniya bago yumuko at lumingon nalang sa ibang direksyon.

Hala, nagtampo o nahiya nanaman?

Bago ko pa man siya makausap ulit ay nagsalita na si Miss Sanchez. "Okay class, malapit na mag-bell. Pass your papers forwardーwalang tatayo! Henry! Bumalik ka sa upuan mo!"

Sinunod namin ang inutos ni Ma'am at sakto, pagka dating sakanya ng mga papel ay nag-ring na ang bell. At dahil nga nag aaral ako sa isang private catholic school, kinailangan pa namin mag pray bago kami palabasin. Si Henry ang prayer leader ngayon at mabuti nalang Glory Be lang ang dinasal niya. Agad din kaming nakalabas ng classroom.

Wala akong planong kumain ngayon kaya naman umupo na lamang ako doon sa fire exit malapit sa classroom. Isa lamang 'tong pulang hagdan na ikinabit sa building. Naalala ko pa noon, ginawa itong hagdan nina Asher mula second floor hanggang dito sa fourth dahil tinatakasan nila 'yung kalbong guard na may pito. Eh takot pala sa heights ang loko, hindi tuloy sila naabot.

Hay, Asher nanaman.

"Huwag kang gagalaw," agad akong natigilan sa malamig at malalim na boses ng kaibigan kong si Troy. "Ganyan ka lang, steady."

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon