Kabanata XXXII

6.7K 296 87
                                    

"Never lose yourself while trying to hold on to someone who doesn't care about losing you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Lunes ng umaga, nakasabay ko si Enrico sa jeep. "Ba't 'di ka na sumasama samin?" tanong niyang nakapagpa bigla sakin. "Ta's bigla ka nalang nawawala."

"Hindi mo ba alam?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ang ano?"

"Nanghingi ng space si Asher," sagot ko sakanya. Napayuko ako at tahimik lamang na nilalaro ang mga daliri ko. "Kaya eto, umiiwas muna ako."

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan ko," sagot ko bago siya tignan ng nakakunot noo. "Wala ba siyang kinukwento sainyo?"

"Meron.." nag aalangang sagot niya. "Pero ano.."

"Ano?"

Napa tsk siya bago umiling at mag iwas ng tingin, "Wala kasi ako sa posisyon na sabihin e."

Pinilit kong ngumiti, "Okay lang. Naiintindihan ko naman."

Tumango siya at lumunok bago ako sulyapan, "Ano pang sabi niya?"

"Sabi niya.. gusto niya daw ako pero hindi ganun sa way na gusto ko." Inis na napakamot ako sa ulo ko, "Ako din naman kasi e! Masyado ko siyang pinush. Hindi ko na dapat siya minessage. Kahit nag sorry na ako.."

"Nag sorry ka?"

"Oo," sagot ko. "Sabi ko sorry sa mga sinabi ko, na hindi niya kailangang isipin 'yun. Nadala lang ako ng emosyon ko. May pinagdadaanan 'yung tao.. nag drama pa ako ng ganun."

Nag buntong hininga siya Enrico at ma-ingat niyang hinaplos ang braso ko, "Mabuti kang tao, Adi. Hindi mo deserve ang ganyang pagtrato sa'yo. Bestfriend ko 'yun si Asher at suportado ko siya sa lahat ng kalokohan niya.. pero kapag ganyan, hindi ako sang ayon."

"Wala namang kasalanan si Asher, E." Seryosong sabi ko sakanya kaya naman napasimangot siya. "Simula palang, alam ko naman na fling lang kami. Hindi ko dapat sineryoso."

"Fling lang? Bestfriend ka niya Adi. Hindi basta bastang babae lang sa buhay niya."

"Maaayos din 'to Erinco.. maaayos din."

Malapit na magsimula ang flag ceremony nung nakarating na kami ni Enrico sa school. Malayo palang, tanaw ko na si Asher na nakikipag tawanan kay James at Troy. Muntik na akong mapatigil sa paglalakad nang tumingin siya sa gawi namin. Nawala ang ngiti niya sa labi at agad siyang nag iwas ng tingin.

Ayan! Ayan ang napala mo Adrian! Tinakot mo siya! Masyado ka kasing nagmamadali. I like you a lot? Tama ba namang sabihin 'yun sa bestfriend mong ayaw pa makipag relasyon? Ang tanga tanga mo Adrian!

"Una na ako Enrico," paalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya, tumakbo na ako papunta sa pila namin.

Nakatalikod si Kei nung makalapit na ako at agad ko siyang niyakap. Naramdaman ko pa ang pagtalon niya sa gulat kasunod ng pag relax ng katawan niya nung marealize niya na ako ang naka yakap sakanya.

"Huy," hinaplos niya ang kamay ko. "Okay ka lang?"

"Okay lang."

"ADRIANNA," sigaw ni Beatrice na nasa may bandang harapan ng pila. "NAKA USAP MO NA BA 'YUNG ASTRONAUT?! GUSTO MO IPADALA KO SI WHITEY SA OUTER SPACE?!"

Si Ethel na nakatayo sa may tabi ni Tris ay tawa ng tawa habang pinipigilan si Tris na itinuturo 'yung pwesto nina Asher.

"RESBAKAN NA BA?!"

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon