"You think 'Okay, I get it, I'm prepared for the worst', but you hold out that small hope, see, and that's what fucks you up. That's what kills you."
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
From: Asher
Labas naman tayo sa sabado, gusto kita ma-solo :)
received 8:27pm 09/12/15
Four days ago pa 'yang text ni Asher pero tuwing titignan ko napapangiti parin ako. Sabado na ngayon at nasa Royal Duty Free kami ni Ate Sky at Von. Wala pa namang text si Asher kaya mamaya pa siguro kami magkikita.
"Kuha kang Honey Stars," sabi ko kay Von na nagtutulak ng cart namin.
"Ikaw na," reklamo niya bago biglang itigil 'yung cart kaya naman nahulog ako sa inuupuan ko.
"Von!"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Oh baket?"
Nakasimangot na kumuha ako ng Honey Stars sa shelf sabay nilapitan 'yung pinsan kong nognog at inihampas 'to sakanya.
"Von, Adrian, bilisan niyo jan. Nakakuha na ba kayo ng tissueーano 'yan?"
"Honey Stars," sagot ko kay Ate Sky.
Sinimangutan ako ng kapatid ko, "Kakainin mo ba 'yan? Mamaya 'di mo nanaman galawin 'yan."
"Oo nga," ani Von. "Sakin nalang 'yan."
"Ulol! Akin 'to. Ako kumuha e."
"Kumuha ka pa ng isang Von, para sa'yo," sabi ni Ate Sky. Nilagpasan ako ni Von para pumunta sa shelf, buong lakad niya papunta doon ay naka belat siya sakin.
Inirapan ko siya, "Ang pangit mo."
"Kausap mo sarili mo?"
Sasapakin ko sana si Von sa inis pero nagsalita na si Ate, "Tama na 'yan. Bilisan niyo para 'di tayo gabihin."
Inilagay na namin 'yung dalawang cereal sa cart at nag ikot ikot na ulit sa grocery store.
Naka upo na ulit ako sa cart at this time, hindi na ako hinuhulog ni Von. Pero ibubunggo niya ako sa mga shelf kapag hindi ako nakatingin.
To: Asher
Ano oras tayo magkikita?
sent 4:49pm
"Aalis ka pa ba?" tanong ni Ate Sky.
From: Asher
May lakad kami nila James
received 4:51pm
"Opo ate," sagot ko.
"San ba kayo pupunta?"
Kinamot ko 'yung ilong ko, "Baka mag night market kami."
To: Asher
Bakit?
sent 4:52pm
"Isama mo si Von," narinig kong sabi ni Ate pero hindi ako makasagot dahil sa reply ni Asher.
From: Asher
Wala naman akong importanteng gagawin.
received 4:52pm
"Hindi na ate, ma o-op lang 'yan"
"Ayoko sumama," ani Von. "Hindi naman kami close nun."
To: Asher
BINABASA MO ANG
STASG (Rewritten)
ChickLitSi Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information st...