Kabanata XXXVIII

5.7K 243 95
                                    

"And in the end, we were all just humans... Drunk on the idea that love, only love, could heal our brokenness"

#stasg

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ano 'to?" tanong ni Asher saakin bago ipakita 'yung kanina niya pa hinahawakan sa may bandang patilya niya.

"Tigyawat," sagot ko.

"Malaki?"

"Hindi naman," sabi ko sakanya. "Gusto mo tirisin ko?" Tumango siya kaya naman itinaas ko 'yung dalawang kamay ko at tiniris 'yung tigyawat niya. "Ayan. Wala na."

Umangat 'yung gilid ng labi niya, "Pogi na ba ulit?"

Medyo lumayo ako para matignan siya at dahan dahang tumango, "Pwede na rin." Napawi 'yung ngisi siya at mahinang itinulak 'yung noo ko kaya naman napatawa ako.

"Ate Adi," pag tawag saakin ni Nicole mula sa tabi ng Kuya James niya.

"Hmm?"

Medyo namumula siya. Nahihiya. Kaya naman yumuko siya ng kaunti at kinagat 'yung loob ng pisngi niya. "May number ka po ni Jared?"

"Jared Gordon?"

"Opo."

"Meron.." sagot ko at medyo itinagilid ko 'yung ulo ko. Pinipigilan 'yung ngisi na gustong lumitaw. "Bakit?"

"Andami niya kasing ka-text na mga bestfriend ko..." nag aalangang sagot niya. Umangat 'yung kilay ko. "Ayaw nila ibigay sakin 'yung number kaya..." Ipinagdikit niya 'yung dalawang kamay niya. "Please please please ate?"

Nangunot ang noo ko, "Madami siyang ka-text?"

"Opo," naka ngusong sagot ni Nicole. "May pinag bigyan kasi siya ng number niya nung friday tapos ayun.. pinag pasa pasahan na. Ayaw nila i-share sakin." Sumimangot si Nicole at nabigla ako sa lungkot sa mukha niya. Pero hindi 'yun ang nasa isip ko. Jusko po!

Kawawang Jared, masyadong mabait para hindi replyan ang mga nagte-text sakanya.

"Ate sige na," pangungulit ni Nicole. Tinignan ko ang kuya niya na nag aabang din ng isasagot ko sa kapatid niya. Tapos para bang may nabasa siya sa mga mata ko at agad na kinausap si Nicolette.

"Ano 'yang number number na 'yan? Tumigil ka ha."

Sinamaan siya ng tingin ni Nicole, "Bakit ba Kuya? Nangengealam ka nanaman!"

"Hoy," matigas na sabi ni James. "Thirteen ka palang. Sisipain kita."

"Fourteen na ako!"

"Wala akong pake."

"Pakielamero!"

Umismid si James, "Pangit ka rin."

"Aba't!"

Hanggang sa nakarating kami sa school, patuloy parin ang magkapatid sa pag babangayan. Mabuti pa si Enrico, may sariling mundo. Ni isa samin ay hindi kinausap buong byahe papuntang school dahil masyado siyang busy sa pakikinig sa kung anong pinapatugtog niya.

Nabigla ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Asher sa kamay ko habang nag lalakad kami. As in pinag intertwine niya ang mga daliri namin kaya naman halos sumabog na ako sa kilig. Ni wala siyang pakielam sa mga taong nakakakita samin. Ang laki laki tuloy ng ngisi ko.

"Sama ka," pag aya sakin ni Asher habang umaakyat kami ng hagdan. "Kung gusto mo."

"Gusto ko kasi mag Zagu lang ngayon e," sagot ko. 'Yung hawak ko sa braso niya medyo humigpit.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon