Kabanata LXI

4.1K 160 28
                                    

Stasg Playlist:

Ngiti by Ronnie Liang
Oo by Updharma down
Take A Chance by Marion Aunor
Kahit Kailan by Southborder
Mahal ko o Mahal ako by KZ Tandingan
Helplessy by Tatiana Manaosis
Magbalik by Callalily
Para lang sa'yo by Aiza Seguerra
The way I love you by Taylor Swift

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Don't fall in love. Fall off a bridge, it hurts less."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Pagkababa ko ay agad na akong nagpaalam kay Von na badtrip at kay Jared na walang ka alam alam sa nangyayari. Tumakbo ako papunta sa gate ng bahay nina Asher at agad siyang nakita doon sa may terrace nila naka upo at naghihintay.

Napa ngiti siya nang makita ako kaya naman napa ngiti na din ako. "Ashy!" tawag ko sakanya, may kasama pang talon at kaway.

Naglakad siya papuntang gate, 'yung tsinelas niya na masyadong malaki sakanya ay kumakaskas sa sahig. Naka boxers lang siya at pulang jersey tapos gulo gulo pa ang buhok.

"Si Jared at Von ba 'yon?" tanong niya habang binubuksan 'yung gate para sakin. Tumango ako at itinulak na pabukas 'yung gate para maibalot ko ang mga braso ko sakanya.

Home

Tumawa si Asher habang niyayakap ako pabalik. Tapos inilagay niya 'yung isang kamay niya sa tuktok ng ulo ko at tinignan ako. Tumawa nanaman siya.

Nangunot ang noo ko, "Bakit?"

"Wala," natatawa niyang sagot. "Natutuwa lang ako kasi namiss mo ako."

Napanguso ako, "Asus." Itinulak ko 'yung mukha niya palayo at umalis na sa mga bisig niya. "Yun lang natutuwa ka na? Ang babaw ah."

"Makita ko lang mukha mo kinikilig na ako e."

"Ano ba," nilagpasan ko siya para hindi niya makita 'yung ngiti ko. Parang may pinipisil sa loob ng tyan ko at nanginginig ako dahil sa kilig. "Ang corny corny mo, nakakasuka."

"Sus," narinig ko ang boses niya sa likod ko at ang pagkaskas ng tsinelas niya sa sahig habang sinusundan ako papunta sa bahay. "Kinikilig ka din e."

"Ulol."

Hinila ko pabukas 'yung screen door ngunit may kamay na humarang at isinara ulit 'to. Umikot ako para samaan nang tingin si Asher pero bago pa ako makapag salita ay lumapat na ang labi niya saakin.

Napatitig ako kay Asher na parang kumikislap ang mga mata sa tuwa. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko, mabuti nalang at may sinasandalan ako kundi nasa sahig na ako na parang natunaw na yelo.

"Adrianna?"

Parehas kaming napatingin ni Asher sa loob ng bahay. Naglalakad si Tita papunta saamin at agad kong itinulak si Asher palayo sakin.

"Anong ginagawa niyo jan?" Tanong niya. "Kumalampag 'yung pinto."

"Eto kasing si Asher tita," mabilis na sagot ko na may kasama pang pag tingin ng masama kay Asher. "Bubuksan ko na 'yung pinto tinulak ako."

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon