Chapter 3

66 8 0
                                    

Chapter 3


Pagkalabas ko ng kwarto ni Rayden 'daw'. Naglakad na agad ako papunta sa elevator. Pagkatapat ko pa lang sa elevator, hindi pa nakabukas, sumunod agad sa akin si Rayden 'daw'.

"Hey, wait! Before you go, don't mention our agreement to your agency commander or whoever ordered you to kill me. Sabihin mo na lang sa commander niyo o sa kung sino 'man na nag utos sa'yo na kaya hindi mo 'ko napatay dahil hindi mo kamo inaasahan na aalis ako dito sa hotel at 'di mo 'ko naabutan. Arraseo?" ( Alright? ) Pag papahinto niya sa'kin at nagsabi ng kung ano-ano.

"Fine. I won't tell. Infairness, you have a knack for making up stories." I said and entered the elevator.

"Saglit kasi diba? Nagmamadali, nagmamadali?!" 

"OA mo! Ano ba 'yon?" I asked.

"Here's my number." 'Sabi niya sabay pakita sa'kin ng number niya mula sa kaniyang cellphone. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka.

"Oh? Ano gagawin ko diyan?" Walang kagana-gana at pakialam kong sabi habang nakakunot ang noo.

"Kainin mo." He sarcastically said.

"Ano nga?! Bilisan mo, gusto ko ng umalis." Nawawalan ng pasensyang sabi ko.

"Akin na nga cellphone mo!" Sabi niya sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa ng suot kong pambaba.

"Hey! How dare you to get my phone!" I shouted, feeling irritated now.

"OA mo!" Pang gagaya niya sa sinabi ko.

"Akin na cellphone ko!" Sabi ko na pilit hinahablot 'yung cellphone ko na hawak niya.

"Wait lang kasi! S-Save ko dito yung number ko." 

"At bakit mo is-save?!" Sabi ko ng may tonong patanong habang nanlalaki ang mata.

"Kasi magiging text mate na tayo." He winked at me.

"What?!" Saad ko sabay hampas sa balikat niya.

"Aray!" Pag iinarte niya, e, hindi naman malakas 'yung pagkakahampas ko. Pasalamat siya at hindi ko nilakasan.

"Arte mo."

"What's your password?" Tanong niya habang binubuksan ang cellphone ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Nakataas ang kilay na tanong ko at tiningnan siya ng mariin.

"Oh, edi huwag. Tatawagan ko lang yung puli-" Sabi niya sabay kuha ng sarili niyang cellphone.

"1226." 'Sabi ko agad at hindi na siya pinatapos sa sasabihin niya.

Tiningnan niya naman ako at tinaasan ng kilay sa panlalaking paraan. "What's with your pass?" Tanong niya pero hindi ko na lang ito sinagot

Binuksan niya na ang cellphone ko at pumunta na siya agad sa message app at sinave doon ang sarili niyang number. Pagkasave niya ng number niya, hindi ko na nakita ang sunod niyang ginawa dahil tinalikod niya sa'kin ang cellphone ko.

"Akin na nga." 'Sabi ko sabay agaw sa kaniya ng cellphone ko.

"Tsss. Maldita."

"Yes, I am." I rolled my eyes because of irritation.

Saktong pagkasabi ko nito, bumukas ang elevator. Pagkabukas nito lumabas agad ako at ilang inches pa lang ang pagkakalayo namin nang bigla siyang nagsalita.

"By the way, I saved your number, Cree." With a grin, he said. Maybe that's why he turned my phone away from me. Here's another.... Why did he use my second name instead of my first? My family and friends are aware that I do not want to be addressed by my second name, thus he is the only one that uses it.

Aiming You (Under Editing)Where stories live. Discover now