Chapter 5
Nandito na kami sa loob ng kotse at paalis na din papunta sa bahay ng magulang ko. Habang nasa kotse kami, tahimik lang kami. Dahil medyo nakakaramdam na ako ng awkwardness, pinakailaman ko muna yung radyo dito sa kotse ni Razi. Nag shuffle ako ng mga station sa radyo at biglang natapat sa isang station na may pinapatugtog na kanta.
( When you say nothing at all )
It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the darkNung narinig ko ang kanta, bigla akong napapikit dahil saktong sakto pa yung kanta sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon.
Try as I may I can never explain
What I hear when you don't say a thingHabang tumutugtog yung kanta ay bigla akong napatingin kay Razi at nakita ko siyang hindi din makatingin sa'kin.
The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave meWhat the hell did I just do earlier? Nahihiya tuloy ako sa kaniya dahil sa mga nasabi ko sa kaniya kanina. Bakit kasi 'di ko napigilan ang bibig ko?
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best, when you say nothing at allTumingin ako ulit sa kaniya at nakita ko na siyang nakatingin sa akin ngayon. Ako naman ang umiwas ng tingin dahil nahihiya nga ako sa mga pinag sasasabi ko kanina.
"Hey, Zece. It's all right. Don't feel bad about what you said earlier. It's all right; you've let go of your bitterness against your parents. That doesn't strike me as weird. It's not the case." Pag papagaan niya ng loob ko. Sincere niyang sabi kaya sa hindi ko malaman na dahilan ay gumaan ang aking loob.
"Salamat." Sincere ko ding sabi habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti din ako ng matipid, and as usual nagulat na naman siya. Well, sino ba naman ang hindi magugulat at dalawang beses na niya kong nakita na ngumiti at ang malala pa don sa kaniya ako ngumingti, na hindi ko naman talaga ginagawa.
"Saan pala bahay ng parents mo?" Tanong sa akin ni Razi habang nakatingin sa daan.
"Sa ******* Subdivision." Pag sagot ko sa tanong niya.
"Ah, okay. Malapit lang pala dito." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at inappreciate na lang ang view sa labas ng bintana.
"Can I open the window of your car?" Tanong ko sa kaniya dahil gusto kong malanghap ang sariwang amoy ng hangin.
"Sure." Maigsi niyang sabi. Pagkasabi niya noon, binuksan ko na agad ang bintana ng kotse niya at pagkabukas ko nilipad agad ang mahaba at pula kong buhok. I closed my eyes to get a greater sense of the fresh air touching my face. I reclined back in the seat after opening my eyes and closing Razi's car window.
Pumikit muna ako ulit para ipahinga sana ang mata ko sa kakaiyak kanina pero hindi ko inaasahan na hihitakin pala ako ng antok kaya nakatulog ako. Maya-maya nakaramdam ako na mayroong umuuga sa akin.
"Zece, wake up. Andito na tayo sa labas ng subdivision. Hindi ko alam kung saan banda yung bahay ng mga magulang mo, e." Pag gising sa akin ni Razi. Pag karinig ko nito. Dinilat ko na ang mga mata ko at kinusot ito. Pagkadilat ko bumungad sa akin ang muka ni Razi kaya nagulat ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Hey, nagulat ako." Sabi ko ng nanlalaki ang mata.
"Sorry." Sabi niya ng nangingiti.
"Labas na ako. Dito na lang. Maglalakad na lang ako." Sabi ko sa kaniya sabay bukas ng pinto ng kotse ni Razi.
YOU ARE READING
Aiming You (Under Editing)
AksiyonI'm aiming to target you, but why did I end up falling for you?