Chapter 4

45 7 0
                                    

Chapter 4


Nagising ako bigla dahil sa tunog ng cellphone ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil anong oras na din ako nakatulog kagabi. Mahina pa naman ang katawan ko kapag nagpupuyat. Tumagilid muna ako para kuhanin ang cellphone ko na nag r-ring. Kinuha ko na ito at tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag at nung nakita ko na unregistered number yung tumatawag, sinagot ko pa din ito kasi baka si Sir Nio, 'yung tumawag. Mahilig pa naman 'yon mag palit ng number.

"H-Hello." Mamalat-malat kong sabi dahil kakagising ko lang at ganoon talaga ang morning voice ko.

"Hoy, Cree! Sabi ko diba, magkita tayo ngayong umaga!" 'Sabi niya sa nakakarinding boses.

"Hoy, Zio! Tumahimik ka nga. Ang ingay ingay mo. Ang sakit sa tenga, ha!" Pasigaw ko ding sabi.

"Ah, 'di mo naman sinabi na gusto mo pala talagang maaresto." Pananakot niya.

"Wala akong pake." Sabi ko dahil wala ako sa mood at sinira niya ang tulog ko. Pagkatapos ng sinabi ko, pinatay ko na agad ang tawag para muling matulog. Ipipikit ko na sana ang mata ko ulit kaso bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng nakapikit.

"Ano na naman?!" Pasigaw kong sagot ng nakapikit.

"Nasa akin 'yung mga baril at daggers mo." Sa ilang salita pa lang na sinabi niya, napadilat agad ako. Oo nga pala. Naiwan ko nga pala doon sa kaniya yung mga baril at daggers ko. Okay lang naman sa'kin na maiwan doon yung mga baril at daggers ko kaso nandoon din 'yung paborito kong baril, e', mahalaga pa naman 'yon sa akin.

"Hays. Okay. Where are you?" Sabi ko at napabuntong hininga at napapikit ng mariin.

"I'm here at the garage of the condominium, where I'm staying." Pag sabi niya sa akin kung nasaan siya.

"What is the location of the condominium where you are staying?" Pag tanong ko.

"Around BGC. **** Condominium." Pag sabi niya ng pangalan ng condominium na pinag tutuluyan niya.

"Okay. Just wait for me." Sabi ko at binaba na ang tawag. Kung wala lang talaga sa kaniya yung paborito kong baril, e'. Bwisit.

Tumayo na ako sa kama at kinusot kusot ko muna yung mata ko at dumiretso na papunta sa banyo. When I got to the restroom, the first thing I did was put toothpaste on my toothbrush. I cleaned my teeth, washed my face, and took care of the necessary restroom tasks.

Pagkalabas ko ng banyo, dumiretso na ako sa walking closet ko at kumuha na 'ko ng damit na susuotin ko para mamaya. Dumiretso ko sa lagayan ko ng pambaba at kumuha ng black pants pagkatapos pumunta na ako sa lagayan ng pantaas at kumuha ng isang white crop shirt and a crop leather jacket.

Pumunta muna ako sa harap ng aking vanity at tuluyan ng sinuot ang mga damit na kinuha ko. I examined myself in the mirror and applied light make-up. I just applied lip gloss on my lips and blush to my cheeks. I checked my looks in the mirror again, and when I was satisfied, I went straight to my cabinet where I keep my bags, and I chose a black slender bag and slung it on my shoulder.

Kinuha ko muna ang isa kong maliit na baril sa ilalim ng unan ko at nilagay ko ito sa itim kong bag. Pagkalagay ko nito kinuha ko muna ang susi ng condo ko at ilang mga make-up at nilagay din ito sa bag ko.

Pagkatapos ko ilagay ang mga dapat kong ilagay sa bag ko, lumabas na ako at nag lakad lakad hanggang sa makatapat ako sa elevator. Naghintay muna ako ng ilang segundo dahil hindi pa nakabukas ang elevator. Nung bumukas na ang elevator, pumasok na 'ko at may nakasabay pa nga akong mga binatang estudyante. Napapansin ko na tingin sila ng tingin sa akin kaya tiningnan ko din sila. Malamig na tingin nga lang at mukang natakot sila doon kasi iniwas nila ang tingin nila sa'kin.

Aiming You (Under Editing)Where stories live. Discover now