Chapter 16: Uncovering the Mysterious Stone: Searching for Clues and Origins

62 45 0
                                    



|TIMECHECK: 2:47 PM|



@Dormitory



|VIVIEN'S POINT OF VIEW|



As of now, we're about to head out from his room and let Kendrick rest for a while. Minutes have passed, we still don't know how to spend this day with good vibes.



Naghiwalay muna kaming apat sa kadahilanang wala kaming maisip gawin sa mga oras na'to dahil hindi rin kami kumpleto kaya tumungo muna kami sa kanya-kanya naming mga kwarto.



Nakahiga ako sa malambot at unicorn na theme ng aking higaan. Pink na pink at nagkalat ang kinang sa buong kwarto. I do love fantasy things. Those magical creatures and their mysterious existence, powerful potions and wonderful spells.



Kung usapang theme ng kwarto, masasabi kong kwarto ko ang pinaka makinang at puno ng palamuti kung ikukumpara sa iba dahil sa iba't-ibang klase ng stuffed toys, magnificent dolls at fantasy creatures. I am also a selenophile. As for Jeffrey, the theme of his room is all about sports and games. May basketball ring, baseball bat at game-related decorations sa loob ng kanyang kwarto. More on blue, red and white ang kulay na makikita sa kanyang silid. Maganda at malinis. Lalaking-lalaki.



Sa kwarto naman ni Kendrick, more on creative things ang makikita. May mga puzzles, circus toys at self-made figures. Kakaiba rin ang tema ng kanyang silid dahil sa mga baraha, maskara at pula nitong ilaw na naka-display. It suits him for being funny and creative person.



Si Lily naman, more on books, papers and school supplies. She loves to study anything and everything. She's a weird girl but knowledgeable and smart at the same time. Her room was filled with collections. Masasabi kong pag-aaral at pananaliksik ang kanyang libangan. She's a bookworm. Her favourite color is yellow and it matched the theme of her tidy room.



Hindi ko lang alam kung ano ang mga hilig ni Ethan. Hindi pa kase ako napapasok sa kanyang silid. But it is my pleasure to know his wants and ambitions in life.



While my eyes are strolling around my glittery and sparkling room, hindi maiwasan ng aking mga mata ang pagtitig sa mga bagay na nakuhanan ko ng litrato. Mahilig kase akong kumuha ng mga litrato at ipaskil ito sa dingding ng aking silid dahil para sa akin, capturing moments means saving memories.



Habang iniisa-isa ang mga larawang nakapaskil sa dingding, agaw pansin ang litrato namin nina Daddy at Mommy. They were storytellers indeed.



Long time ago, my parents used to be Dewford High Academy students. They experienced magical fights and met different kinds of people. They said, they had an unbelievable and magical life during their time while fulfilling their duties as students at Dewford High Academy, or also known as 'Dream Academy'.



Naalala ko rin ang sinabi nila sa akin n sa oras na ikaw ay maging isang estudyante ng Dewford High Academy, mayroon kang tungkulin na dapat tapusin at tuparin: ang ipaglaban at iligtas ang akademya mula sa kasamaan.



Tomorrow is another day of studying. New lessons and activities to do. Thank God, we have Lilybeth Thompson.



(End of Vivien's Point Of View)



|ETHAN'S POINT OF VIEW|



It's already 2 in the afternoon. Naaalala ko pa rin ang ginawa kong pag-sigaw, pag-bawal at pag-awat sa aking mga kaibigan nu'ng mga nakaraang oras. Hindi ko alam kung tama nga ba ang ginawa ko.



Naisipan ko nalang kuhanin ang aking cellphone device upang tawagan ang miss na miss kong si Yaya Linda.



Contacting...


Connecting...


Delivering...



"Hello, Ethan!" Masiglang bati ni Yaya Linda mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko.



"Hello, Yaya Linda!" Sabik kong sagot.



"Oh, napatawag ka? Ayos ka lang ba? Kumusta ka riyan sa tinutuluyan mo?" Nag-aalalang tanong niya.



"Opo, okay lang po ako. Nais ko lamang po magtanong," tugon ko.



"Ano 'yon? Mayroon bang nang-aabala sa'yo? Maaari mo akong tanungin ng kahit ano," malambing at magaang tono ng pagtatanong ang ibinigay niya sa akin.



Matapos ikwento kay Yaya linda ang nangyari kanina ay agad naman siyang nagpayo.



"Hindi mo na kailangang mangamba't mag-alala dahil parte ng pagkakaibigan ang maglabas ng emosyon at damdamin," pagpapaliwanag niya.



"Oh, siya, 'wag ka nang malungkot. Ganiyan talaga ang buhay. Kailangang sumabak sa mga problema't matitinding hamon," dagdag pa niya. Nakakarinig ako ng iba't-ibang uri ng ingay mula sa kanyang linya.



"Nasaan po kayo, Yaya Linda?" Takang tanong ko.



"Nandito ako sa bahay namin, umuwi muna ako dahil wala naman akong aasikasuhin sa inyo," pagbabatid niya.



"Eh si Daddy po?" Tanong ko.



"Naku, alam mo naman 'yun, bahay-
trabaho. Hindi ko nga alam kung umuuwi pa sa bahay ninyo, eh," litong wika niya habang umiinom. Dinig na dinig ko ang pagdaloy ng kanyang iniinom patungo sa kanyang lalamunan.



"Okay po Yaya Linda. Ingat po kayo palagi riyan! I missed you so so much! Thankyou for always catching my back!" Sambit ko't gumawa ng tunog ng paghalik.



"Walang numan, iho. Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal ka ni Yaya Linda," saad niya. Mararamdaman mo ang pagmamahal sa paraan ng kaniyang pagsasalita. Nakarinig pa ako ng ubo bago niya ibaba ang tawag. What's wrong with her?.



Time passes, I decided to head towards the kitchen because my stomach is growling. Magkatapat kami ng kwarto ni Kendrick kaya naisipan kong kumatok sa kanyang pinto upang siguraduhin ang kanyang kalagayan.



Nang makapasok ay agad kong nakita si Kendrick na natutulog kaya naman hindi ko nalang siya inistorbo. Naisip kong imbitahan at ayain nalang sina Lily, Jeffrey at Vivien sa pag-kain.



(End of Ethan's Point Of View)



|NADIA'S POINT OF VIEW|



"Arianne! Where are you?" Pangungulit ko. I invited her to come over here in my dormitory because I have something to show her.



"I'm almost there! Just wait," sagot niya naman mula sa kabilang linya. Napakatagal niyang dumating. I immediately swept the floor and removed unnecessary things around the sala.



When the bell rang, I suddenly open the door at bumungad sa akin si Arianne na may bitbit na kahon ng donuts. How sweet.



"Why are you in a hurry?" Pagtatakang tanong niya nang makapasok sa hindi kalakihan ngunit malinis at magandang dormitory na tinutuluyan ko.



"Hindi kase ako mapakali. Wait, I have something to show you," masigla kong sambit. Pinaupo ko muna siya at dali-daling kinuha ang batong nakakahon na natagpuan ko sa ilalim ng damitan.



"Hindi ba you're a collector?" Paniniguro ko habang nakangisi. I know she can help.



"Yes, at ano naman ang conne-" natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang batong hawak ko. Her reaction expresses amazement.



"W-wait, where did you get that?" Panginig-nginig na saad niya. Binuksan ko ang dala niyang box ng donut upang ipakain din ito sa kanya. Haha.



"Under my pile of clothes. Ang ipinagtataka ko, bakit hindi ko ito napansin nu'ng mga nakaraang araw, linggo at taon. Am I that kind of person na hindi mapansinin sa mga bagay-bagay?" Paliwanag ko. Buti at tulog pa si Ginger, walang mag-iingay.



"Do you know the origin of this stone? I mean, any information about the stone?" She wondered extremely.



"Wala akong alam."



"I have an idea. Bakit hindi nalang natin i-search ang katangian at mga bagay na maaaring maglarawan sa batong hawak ko?" I explained gladly as I nibbled a coffee crumble flavored donut.



"What do you mean by that?" Saad niya.



"Let's try to search something that describes the stone. Let's just say, its characteristics," I explained. Nagpaalam muna ako sakanya upang kuhanin ang laptop. Napagdesisyunan ko rin na ipagtimpla siya ng juice o kape.



Nakalipas ang ilang minuto ay bumalik na'ko sa sala upang ipagpatuloy ang usapan ng kaibigan kong si Arianne tungkol sa mahiwagang bato.



"You're so adorable and hyper!" Dinig kong sambit ni Arianne na nanggi-gigil. Gising na yata si Ginger.



"Don't entertain her Ginger, iiwan ka rin niyan at the end of the day," biro kong wika nang nakangiti.



"Duh, hindi kaya. 'Di ba Ginger?" Pagdedepensa niya. Tumahol naman si Ginger habang iwinawagay-wagay ang kanyang buntot na para bang kilala niya si Arianne.



"Kidding aside, would you help me find the origin of this stone?" Pagmamaka-
awa ko. Nag puppy eyes pa ako para sure ball haha.



"Hays, sige na nga," pilit niyang sagot. Nang mailapag ko na sa lamesa ang laptop at ang bato, sinimulan na naming manaliksik.



Search, click, and scroll.

Dewford High Academy [On Going]Where stories live. Discover now