Chapter 23: The Enigmatic Voice

32 22 0
                                    

   
  
                |ETHAN'S POINT OF VIEW|
      
     
      
Hindi pa man nagtatagal ang aktibidad ay may nauna nang makahanap ng kulay maroon na susi, dahilan upang maging mas matindi't seryoso ang bawat kaganapan. Wala kaming ideya kung saang parte ng academy ito natagpuan datapwa't nalaman namin na Section B ang unang makakapag-enroll sa special class. How lucky they are.
      
    
   
Vivien, Lily and I are still at Perfetgoman's Spot, trying our best to be able to search for the missing keys, but in the end, we're failed to find one because we're overtired physically and mentally.
  
  
  
As I heard footsteps coming near me, someone whispered, "I brought my Potion of Feckless in case of emergency." It was Vivien, and then she showed me the bottle of hers.
 
  
   
"How are you gonna use it?" Tanong ni Lily nang marinig ang ibinulong ni Vivien. Umupo muna kami sa isang bench malapit sa wishing well, kung saan hinilingan namin nina Jeffrey noong kami ay mapunta rito.
   
    
   
"I'm still thinking about how long it could affect the victim's condition by any chance." Vivien frowned in confusion while playing the vial of potion using her both hands.
  
  
  
"Where do you think our classmates are?" Lily changed the topic of our conversation. We shrugged our shoulders in the fact that we don't know where they are.
  
  
  
As the time continue to run, our other classmates approached us with tiredness that was painted on their faces. Their appearance shows exhaustion, failure and dissatisfaction, and I think it's all because of the key-hunting activity.
   
  
  
"Saan kayo nanggaling?" Mahinahong tanong ni Lily nang makalapit sila sa amin.
  
 
  
"Karamihan sa section natin ay walang pakundangang dumiretso sa Building #1 at #4 dahil akala ng mga kaklase natin ay madali nalang para sa amin na mahanap ang mga nakatagong susi sa dalawang gusaling itinalaga." Pagpapaliwanag ni Tyler na may pagka-dismaya sa kanyang mukha. Isa siya sa mga kaklase naming gwapo't maputi. Aktibo rin siya at matalino hinggil sa akademiko.
  
 
  
"Anong nangyari?" Diretsong tanong ni Vivien nang nakakunot ang kanyang noo.
 
 
 
"Dahil pinunterya ng karamihan ang Building #1 at #4, malamang ang bawat isa'y magsisiksikan at mahihirapan sa paghanap ng mga susi."  Tugon niya matapos uminom ng tubig. Nagpaalam siyang umalis upang muling tumulong sa paghahanap.
   
 
     
   
Hindi pa man siya nakalalayo sa hardin nang bigla akong makarinig ng pagtawag sa aking pangalan sa hindi kalayuan. Kung ito'y ihahalintulad sa boses ni Tyler, masasabi kong ito ay katunog.
 
 
  
Iginala ko ang aking paningin at naisipang siya'y tawagin. Lumapit si Tyler ng may pagkalito sa kanyang mukha.
  
 
 

"Yes, Ethan?" Malambing na tono ng boses ang lumabas sa kanyang bibig. Nauutal akong sumagot, "A-Ah...e-eh...akala ko kasi tinatawag mo'ko." Napatawa naman siya nang marahan at lumapit sa akin upang bumulong. "I heard that voice too, Ethan. Try to follow it and wait for the surprise. To be honest, I could recognize and hear it, even though I'm not the one who's being called." Makabuluhang paliwanag ni Tyler. Ilang segundo pa bago umepekto sa akin ang kanyang mga sinambit dahil hindi ko alam ang gagawin.
  
 
 
"Do what it says, Ethan. Believe in me and be ready to be astonished!" Masigla niyang wika at tuluyan nang lumisan sa hardin. Naiwan akong tulala at hindi makapag-isip nang maayos.
  
 
 
"Are you okay, Ethan?" Tanong ni Vivien habang tinatapik ang aking balikat. Hindi ako makakibo.
 
 

"Ano yung sinasabi niya?" Dagdag ni Lily. They're both confused. Baka tama nga si Tyler na kailangan kong hanapin at sundan ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

Dewford High Academy [On Going]Where stories live. Discover now