Chapter 6: Serendipitous Wishes at Perfetgoman's Spot

110 76 0
                                    

|TIMECHECK: 12:10 PM|



|LILY'S POINT OF VIEW|


After the introduction of Ethan and Ms. Ogletree, our adviser dismissed us immediately, considering that she has a meeting to attend with her co-teachers and other professors.



The next class would be at the time of 1:45 PM, so we decided that we would take lunch at Canteen Noflomendake because our stomachs are growling and begging for something to eat.



Nagku-kwentuhan lang kami nina Vivien at ang iba naming mga kaklase nang bigla kong makita si Ethan na lumabas ng silid. Saan kaya siya pupunta?.



Tiningnan ko ang paligid at nahagip ng aking mga mata si Stephanie na walang imik, dahilan upang tawagin ko sina Kendrick at Jeffrey na lumapit at magtanong.



"What happened to Ethan? Tell me the truth," takang tanong ko.



"Hindi ko alam kay Stephanie. Napaka-weird. Naghahanap yata ng gulo," sagot ni Jeffrey at lumingong muli sa kinaroroonan ni Stephanie.



"Sa dinami-dami ng section ng Year 9, bakit dito pa siya nabilang," pagmamaldita ni Vivien. Buti na lamang at pabulong niya itong sinabi.



"Watch your words, Vivien. Hindi lang ikaw ang tao rito sa loob ng silid," pagbawal ni Jeffrey.



"Sundan na lamang natin si Ethan. Hindi pa naman niya kabisado ang buong akademya," pagmamadaling-aya ni Kendrick at agad sinukbit ang kaniyang bag.



"Tara na't baka kung saan pa siya makarating!" Dagdag ni Vivien.



Hindi ko alam kung paano kinaya ni Vivien na dugtungan at sumang-ayon sa sinabi ni Kendrick. Noon ay inaabot pa kami ng ilang araw bago muling magkasundo at magkaayos-ayos, ngunit nang dumating si Ethan ay nabalanse ang lahat.



(End of Lily's Point Of View)

|VIVIEN'S POINT OF VIEW|



Nagsimula na ang panibagong taon, ang taon na kung saan ang pinaka-hihintay ng lahat. Ito ang inaasam-asam ng bawat estudyante ng Dewford High Academy. Ngunit wala akong ideya kung handa na ba si Ethan sa mga mangyayari.

Nakatingin lang kaming apat sa paligid, abala sa paghahanap kay Ethan. Mukhang malabo naman siyang maligaw sapagkat mayroong mini map sa gilid ng kanyang bag na magsisilbing tulong sa oras na siya'y maligaw o may gustong puntahan.



"Ethan?!!" Sabay-sabay naming pagsigaw. Daig pa namin yung naghahanap ng nawawalang tuta sa kung saan-saan.



Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan nang makita namin si Ethan sa hindi kalayuan. Kumakaway siyang lumapit sa amin habang nakangiti.



"Ethan!" Sabay yakap sa kaniya. Nang makalapit ay inalukan pa niya kami ng mga bitbit na pagkain. Tumungo lang pala siya sa kantina na malapit sa aming building. Napakunot nalang ang aking noo at napakamot sa aking ulo. Hindi kasi namin maaaring pabayaan si Ethan dahil ibinilin siya sa amin ni Mr. Winstrate, ang father ni Ethan.



"Sorry ah kasi pinag-alala ko pa kayo. Naisipan ko kasing magpahangin at libutin ang bago kong paaralan," paghingi niya sa amin ng tawad. Makulit din pala itong bata na'to at mahilig lumibot.



Inanyayahan ko na silang tumungo sa Canteen Noflomendake upang kumain sapagkat alam kong gutom na ang bawat isa.



"Gusto kong pumunta at libutin ang Perfetgoman's Spot!" Wika ni Ethan habang hawak ang mini map ng akademya.



"Bakit mo naman napili ang Perfetgoman's Spot sa dinami-rami ng puntahin at hardin dito?" Nalilito kong tanong.



"May nakalagay kasing dilaw na bituin sa tabi ng pangalan ng Perfetgoman's Spot sa mapa," paliwanag ni Ethan na naging palaisipan sa akin.



"Patingin nga!" Pakiusap ko at dali-daling hinablot ang hawak niyang mapa.



"Totoo nga. Mayroong nakatalagang kulay ng bituin sa gilid ng pangalan ng bawat lugar dito sa loob ng academy. May berde, pula, asul, puti at dilaw," Pagkaklaro ko. Halatang naguluhan ang bawat isa nang marinig ang aking pahayag.



"Basta, tara! Gusto kong humiling sa wishing well doon," singit na saad ni Jeffrey na halatang sabik din.



"Sige, pagkatapos nating kumain!" Sagot naman ni Kendrick at nagpatuloy sa paglalakad.



"Bakit kayo lang? Syempre sasama rin kami ni Lily, 'diba?" Ani ko na sinang-ayunan ni Lily nang walang pag-aalinlangan.



Hahayaan ko nalang si Stephanie kung ano ang kanyang gustong gawin. Wala naman akong karapatan na limitahan at pagbawal siya, basta't siguraduhin niya lang na wala siyang gagawin sa aking mga kaibigan na ikapapahamak ng bawat isa.



(End of Vivien's Point Of View)

Dewford High Academy [On Going]Where stories live. Discover now