Chapter 29: Uncovering the Hidden Evidence

36 15 0
                                    

|ETHAN'S POINT OF VIEW|

Kasalukuyan kaming narito sa labas ng Dewford High Academy sa kadahilanang dito namin napag-pasyahan na maghiwa-hiwalay. Binanggit kasi sa amin ni Ms. Sabrina na kailangan niyang bumalik sa loob sapagkat may mga bagay pa raw siyang aasikasuhin, siguro ay upang mailayo ang kanyang sarili na masangkot sa away nina Uncle Duncan at ni professor Salas, o baka naman para obserbahan ang naging konklusyon ng kanilang laban.

"Kumusta kaya si Uncle Duncan ngayon?" Malungkot na tono ang sinambit ni Lily habang nakatalungko.

"Nasaan kaya siya?" Dagdag na pag-iisip ni Kendrick. Walang umiimik sa amin sapagkat ang bawat isa'y walang ideya ukol sa naging kaganapan ng pagtatalo nina professor Salas.

"Napaisip ako. Ano kaya ang naging dahilan o basehan ni professor Salas kung bakit galit na galit siya sa tiyuhin ko, sa totoo lang eh hindi naman sila lubos na magkakilala't hindi rin mapanghamok ng away si Uncle Duncan." Wika ni Jeffrey at napasinghap nang mabigat habang nakatiklop ang kanyang kamao.

"Hintayin na lamang natin ang ibabalita ni Ms. Sabrina. Tiyak na ginagawan niya ng paraan upang makasagap ng impormasyon mula sa pangyayari kanina sa mini garden." Mungkahi ni Lilybeth.

"Huwag kang mag-alala, Jeffrey, mapaparusahan din ang panggagambala ni professor Salas. Masyado siyang kumilos sa paraan ng hindi tama na para bang siya ay nasisiraan na ng bait." Pagpapakalma ni Vivien. Pilit na ngiti lamang ang iginanti ni Jeffrey at lumingon sa kung saan.

"Maiba ako, guys. Ano ang pinagkaiba ng school officials sa headmasters?" Nalilito kong ani.

"Ethan, ang halimbawa ng school officials ay ang ating mga guro, mga piling guwardya, staffs and other personnel na mabababa ang katungkulan, janitor/janitress, food vendors, at iba pang mga indibidwal na sakop, konektado, at nagtatrabaho sa loob ng akademya." Paninimula ni Lily.

"Ang headmasters naman ay ang mga piling magagaling at maaasahang indibidwal sa akademyang ito. Sila ang may katungkulan na ipagtanggol ang mga estudyanteng naaapi at protektahan ang ating minamahal na akademya mula sa kasamaan. Isa sa mga miyembro ng headmasters ay si Mr. Estefan na nakausap ni Ms. Sabrina kanina noong tayo'y papalabas sa paaralan." Makabuluhang paliwanag niya.

"Ohh okay. It makes sense. Eh paano naman malalaman na karapat-dapat o kwalipikado ang isang indibidwal sa pagiging headmaster ng Dewford High Academy?" Dugtong kong interogasyon.

"Kada taon, binubuksan ang patimpalak patungkol sa pagtukoy at paghahanap para sa mga nakatakdang headmasters, na magpapatunay na ang bawat isa ay binibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang galing at mga kasanayan ukol sa spell casting and survival." Sagot ni Lily.

"Dagdag pa rito, piling tao lamang ang maaaring sumubok sa hamong ito sapagkat ang magiging labanan ay hindi lamang basta-basta at walang halong biro." Singit na puna ni Kendrick habang naglalaro sa kanyang device.

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito kong ani. Tiningnan niya lamang ako nang payak, "Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsali ng mga estudyante sapagkat hindi ito kailanman itinuturing na laro para sa mga kabataan." Tugon niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawang paglalaro.

"Sa madaling salita, Ethan, may requirements na dapat maabot o makumpleto ng isang indibidwal na nais pagsumikapan at makasali sa patimpalak bago tuluyang makapasok sa qualifying rounds." Paliwanag ni Jeffrey. Halata pa rin sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalalang nararamdaman.

"Marami rin kasing buhay ang nasasayang, mapatunayan lamang na sila ay kwalipikado para sa posisyon ng pagiging headmaster." Wika naman ni Lily, dahilan upang ako'y magulat.

Dewford High Academy [On Going]Where stories live. Discover now