19:

25 0 0
                                    

Lilie's POV

Nakasandal ako sa tabi ng pinto habang si Lou ay naka-upo naman sa bench habang naghihitay kami sa labas registrar at hinihintay si Jela na may inaasikaso sa loob, napakunot ang noo ko ng may naramdaman akong nakatingin samin kaya naman tiningnan ko ang buong paligid ko at duon ko napansin na sa kabilang building ay naroon si Jane na natingin ng malungkot sakin, binigyan ko ito ng isang tipid na ngiti pero agad yung nawala ng makita ko ang paglapit ng Dark Royalties sa kanya.

Hindi ko napigilan ang pagtalim ng mga tingin ko sa mga ito pero ng makita ko si Klide na malungkot at nagugluhan na nakatingin sakin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Pagkatapos ko silang ihatid sa labas ng bahay ng bisitahin nila si Jela ng maaksidente ito ay agad akong dumeretso sa kwarto ni Jela para kausapin ito sa ginawa nitong pagtataboy sa bisita namin pero agad na napatigil ako sa mga narinig ko.

"Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana ko nagkakaganto ngayon Lou. Sila ang may kasalanan ng lahat ng ito."

Marahas na binuksan ko ang pinto at tiningnan ng masama si Jela.

"Pwede ba Jela aksidente ang nangyari! Hindi sila ang may kasalanan ng may mangyari sayo sa detention room!"

"Shut up Lilie. Wala kang alam."

"No you two shut up, mali ang pagtataboy nyong ginawa sa kanila. Nagmamalasakit lang sila kaya sila bumisita pero pinagtabuyan nyo lang sila! Ano bang problema nyong dalawa?! At bakit sa kanila mo sinisisi ang nangyayari sayo Jela?!"

"Tumahimik kana Lilie, dahil wala kang alam!"

"Pwes ipaintindi nyo sakin yung mga nangyayari! Hirap na hirap na kong intindihin kayo! Nung una ayos tayo pagkatapos biglang umiiwas kana, at pagkatapos ano? Si Jela naman! Kung may problema kayo wag nyo namang idamay ang ibang tao lalo na si Jane at ang Dark Royalties dahil kaibigan natin sila." Na-iiyak kong sabi sa kanila,

"Pumasok kana sa kwarto mo Lilie." Malamig na utos ni Jela.

"No! Pwede ba Jela stop acting like an ice queen and move on! Matagal ng patay si Jhase at kahit anong lungkot mo ay hindi mo na sya maibabalik---" napatigil ako at hindi makapaniwalang tiningnan si Lou habang hawak ang kaliwang pisngi ko.

I know hindi ko dapat idamay ang topic na yun pero hindi ko mapigilan ang sarili ko galit ako sa ginawa nila sa mga kaibigan namin kaya gagalitin ko rin sila,

"Stop it Lou, Lilie bumalik kana.sa kwarto mo."

"No. Tama sya Jela kailangan nating ipaintindi sa kanya ang mga nangyayari para naman makita nya ang mali nya."

"Ako pa ngayon ang mali?"

"Oo. Dahil yang mga taong kinakampihan mo ay ang mga taong dahilan kung bakit naaksindente si Jela." Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Lou, "Matalino ka kaya, alam kong alam mo nang hindi sa detention room ang sinasabi kong aksidente. Ngayon sabihin mo, mali ba ang ginawa namin?"

"Pero paanong-- Sila?" umiling si Lou at lumapit sa study table ni Jela at bumalik sa harap ko, inilahad nito ang isang litrato ko na nag-pawala ng mga tanong ko.

Naputol ang mga iniisip ko ng bumukas ang pinto sa tabi ko.

"Alam kong masama at nakaka-trauma ang aksidenteng nangyari sayo Ms. Angella pero patapos na ang semester kaya hindi ko na talaga mapagbibigyan ang paglipat nyo, pero isa lang ang masisigurado ko hindi na mau-ulit ang nangyari." Tumango si Jela at tipid na ngumiti.

"Sige po. Salamat po." Nilingon kami nito. "Tara na?" agad na sinarado ni Lou ang laptop nya at nagsimula ng maglakad ang mga ito, nilingon ko ulit ang DR's pati narin si Jane na naktingin samin at sumunod na sa dalawa.

Paderetso na kami sa kotse ng biglang humarang si Jane samin,

"Jela, Lou, Lilie... Ano bang nangyayari?" Malungkot na tanong ni Jane pero agad na nilagpasan lang sya ni Jela at dumeretso sa front sit, ganun din si Lou na dumeretso lang sa driver sit.

"Sorry Jane." Lalagpasan ko narin sana to ng hinawakan nito ang braso ko.

"Ganun lang ba yun? Sorry lang? Diba kaibigan nyo ko, bakit ngayon nilalayuan nyo narin ako, kami?" Dahan dahan kong inalis ang kamay niyo sa braso ko at ngumiti ng tipid.

"Kaibigan ka namin Jane pero hindi kasi maganda kung lalapit ka samin mapapahamak ka lang." Sabi ko dito at dumeretso na sa sasakyan.

Pinagmasdan kong umiyak si Jane na nasa bisig ni Renz at kitang kita ko ang galit nito habang ang iba naman ay hindi ko narin mabasa ang tingin na itinatapon sa papalayong sasakyan namin.

"This is for her safety Lilie." Tumango lang ako.

"I know."

Mysterious AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon