20:

12 0 0
                                    

Klide's POV

Agad kaming pumunta sa GS nang marinig namin ang magaganap na laban.

Mula sa labas ay pare-pareho ang pinag-uusapan hanggang sa makapasok kami sa loob, tinungo namin ang sentro kung saan ginaganap ang mga laban.

Ume-echo ang mga sigawan at hiyawan ng mga ito,

"Fvck!" Akmang tatakbo si Chase ng humarang ang mga official ng GS samin.

Tiningnan ko ang ring at duon ko nakita si Laine na nakahandusay sa sahig tumayo ang babaeng naka-itim na may hawak na maliit na punyal, lumingon sa direksyon namin pero hindi ko kita ang kabuuan ng mukha nito dahil may suot itong makarang pula, ang mapupulang labi nito ay binigyan kami ng kakaibang ngiti bago lumabas sa ring.

Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong sinalubong ito ng dalawang babaeng naka-itim rin na nakasuot naman ng itim at asul na maskara.

Totoo nga ang usap-usapan, nagbalik na talaga sila.

*****

"Chase sama na ko pretty please?" Nakasimangot akong lumabas ng hide-out dahil iritang irita na ko kay Laine na parang tukong makadikit kay Chase pero agad namang napangiti ako ng makita ko si Lilie na mag-isang naglalakad sa corridor, naghihikab ito habang kinukusot ang mga mata.

Ito ang unang beses na nakita ko itong nag-iisa kaya agad akong tumakbo para salubungin ito.

"Lilie." Tawag ko ng nasa harap na ko nito, nawala ang antok sa mukha nito at agad nawala ang emosyon sa mukha nito.

Akmang lalagpasan ako nito pero agad kong hinawakan ang mga braso nito at ikinulong sa mga bisig ko.

Sandaling naestatwa ang katawan nito bago nagpumiglas sa yakap ko.

"Klide ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Singhal nito pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko dito.

"Please Lilie ipaintindi mo naman sakin kung bakit ka nagkakaganito." Tumigil ito sa pag-kawala sa yakap ko at nagbuntong hininga.

"Klide please bitiwan mo na ko."

"No! Lilie please bumalik kana sakin! Please." Lalo kong inihigpit ang yakap ko at isinubsob ko ang mukha ko sa balikat nito, naramdaman ko ang kamay nito sa mga likod ko kaya naman gumaan ang pakiramdam ko.

Unti unting inilayo ni Lilie ang katawan nya sakin hanggang sa nakita ko ang mukha nyang nakangiti sakin. Agad na pinutol nya ang distansya sa mukha namin hanggang sa magdikit ang mga labi namin.

Sorry Klide

Bulong ni Lilie sa labi ko bago lumayo sakin,

"What's the meaning of this Klide?!" Lumingon ako sa likod ko at dun ko nakita ang Dark Royalties, si Jane at si Liane na masamang masama ang tingin kay Lilie.

"Lilie!" Masayang tawag ni Jane na ngitian naman ni Lilie na agad na tumingin ka Liane.

"Hi Liane." Bati ni Lilie.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Chase.

"No! Hindi ko kilala ang demonyitang yan! & Klide why are hugging and Kissing that bitch!" Naiinis na sigaw ni Liane habang turo turo si Lilie.

"Bitch my ass, I'm Klide's girlfriend so why not?" nang-iinis na tanong Lilie.

Hindi makapaniwalang tininan ko at ng iba si Lilie.

"No! You're lying!" agad na bumitaw ito kay Chase at akmang itutulak si Lilie pero hinarang ko agad ito.

"Stop it Laine!" Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Laine.

"It's true?" Mangiyak-ngiyak na tanong nito.

"Ofcourse it is, at alam mo ba si Jae? Girlfriend nya si Luo-Lou. Tapos si Chase naman may gusto sya kay Jela! Diba ang aya?!" Masayang sabi ni Lilie.

Tiningnan kami ni Laine isa-isa at ibinalik ang tingin sa nakangiting si Lilie.

Nagsimulang umiyak si Laine at ipagtulakan kaming lahat pero pilit na ikinakalma namin ito, habang naririnig ko ang pagtawa ni Lilie sa likod ko.

"Stop Laughing Lilie!" Saway ko pero hindi ito tumigil.

Tumigil sa pag-iyak si Laine.

"You shout at her. She's Lying right?" Maamong tanong nito samin, tumigil sa pagtawa si Lilie at hinintay ang sagot namin. "Silence means yes right?" Agad na ngumiti ito at tumayo, "You lying bitch!" Agad na may kinuha ito sa bag nya,

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang braso ni Lilie na duguan. Inakmaan ulit ito ni Laine pero agad na naka-iwas si Lilie at tumayo sinipa ni Lilie sa likod si Laine dahilan para masubsob ito agad na tumayo si Laine at hinabol si Lilie pero agad na tinalon ni Lilie ang grills at nahawakan naman ni Jae si Laine para pigilan ito.

"Bumalik ka dito! Papatayin kita! Mga mang-a-agaw kayo!" Sigaw ni Laine, huminto si Lilie at nilingon kami habang hawak ang braso nya.

"Baliw na ang babaeng yan! Dapat dyan nasa mental!" Sigaw ni Lilie bago tumakbo ulit palayo.

"Chase! Klide! Do something!" Sigaw ni Renz na yakap yakap si Jane, duon ako natauhan at agad na tinalon ang grills at hinabol si Lilie pero bago ko pa man maabutan si Lilie ay agad nang nakasakay ito sa sasakyan at pinaharurot iyo.

*****

Mysterious AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon