4:

116 1 0
                                    

JELA's

Bakit nga ba ko nagpaiwan mag isa? Bakit hindi nalang ako sumama sa kanila? Ugh!

"Angels~"sigaw ni...

Nagtatatakbo ko pababa ng hagdan. WTF! Bakit sila andito?

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Namiss kita~" pagkatapos ay tumakbo sakin sunny at niyakap ako.

"Hayy. Sunny maawa ka woh hindi na makahinga. Haha" sabi ni Hana

"Anong ginagawa nyo dito?" ulit ko.

"Obvious ba? Namiss ka namin." sabi ni Sky sabay halik sa pisngi ko. Nakita kong umirap si Luna,

"Chansing ka lang e." Sabi naman ni Cloud, Sky younger brother. Ngumiti si Sky at inakbayan ako.

"Oh, Ba't nakasimangot ka?" tanong ni Sky

"Ano ngang ginagawa nyo dito? Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Dumeretso kami sa sofa kung nasan si Tim na nagbabasa.

"Ganun talaga. Hahaha." sagot ni Sky. Wala ba talaga silang isasagot na matino? =__= pinaningkitan ko ng mata si Sky. Pero ngumiti lang ito. Si Sunny, Hana at Cloud ay nangingiti din. Si Tim naman patuloy sa pagbabasa. Piningot ni Sky ang ilong ko at nakita kong sumimangot si Luna.

"Ano ba sky?" sita ko dito.

"Ang cute talaga, pikon ka pa din. Haha." sumimangot lang ako.

"Hindi ba obvious? Nandito kami para bumisita. Kelan ka pa nawalan ng common sense Angella? Nasan sila? Bakit ikaw lang ang nandito mag isa?" It's Luna kung masungit ako mas masungit yan. Lalo na sakin.

"Napunta sila sa bar." sagot ko ng nakasimangot.

Umalis sa pagkakayakap si Sunny sa braso ko at tiningnan ako ng seryoso.

"What?" I ask. Duh~ hindi ako sanay ng ganyan si Sunny. Shes bubbly and happy go lucky like Lilie.

"Ngumiti ka naman Angella. Mula ng dumating kami dito nakasimangot kana. Hindi mo ba kami namiss?" tapos nag'pout sya. I roll my eyes and smile.

"Pwede ba namang hindi? Shempre namiss."

"Ahh, group hug."Sabi ni Hana at niyakap nila ko ni Sunny tinaasan ko ng kilay si Luna na nakatingin lang samin ngayon. She rolled her eyes at yumakap din. We chuckle. Sayang wala sila Lou at Lilie.

"Andami talagng arte ng mga babae."sabi ni Tim

"Shut up Thunder magbasa ka nalang." Sagot naman ni Luna.

Ganyan lang talaga si Luna, gaya nga ng sinabi ko mas masungit yan pero love kami nyan. May Pag'tingin kasi kay Sky ayun selos kaya ayan sungit sungitan. Sobrang sweet at bait kasi talaga ni Sky sakin he's like a real brother to me.

They are schoolmate years ago at the same time our old true friends and they have their gang known as Heavens Knight.

Maingay sa buong sala na para bang hindi rin sila nakapagkita sa loob ng maraming taon, maraming kwento at hindi maubusan si Sunny at Hana minsan ay iniinis din nila si Luna habang si Tim at Cloud naman ay naglaro ng xbox.

Tiningnan ko si aky at nakuha naman nya ang tingin ko, Pumunta kami sa Likod ng bahay kung nasan ang Mini Garden at Mini Pool. Naupo ako sa may bench at naupo rin si Sky sa tabi ko.

Tiningnan ko sya pero nasa langit ang atensyon nya, tumingala rin ako para tingnan ito.

"Ang ganda ng Langit noh?" sabi ko sa kanya.

"Gwapo kaya." Napairap naman ako kahit hindi nya kita.

"Sige, sabi mo e. Pero seryoso Sky bakit biglaan ata yung dalaw nyo?" tanong ko dito pero nasa langit parin ang atensyon ko. Napansin ko ang paggalaw ni Sky kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sakin o mas magandang sabihin na nakatitig sya sakin ngayon.

"May problema ba?" tanong ko. Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang bangs ko. "Sky naman eh." Reklamo ko, habang inaayos ang bangs ko.

Umayos sya ng upo at inakbayan ako, kahit hindi ko kita alam kong ang lapad ng ngiti ng mokong.

"Namiss lang talaga kita/kayo kaya naman dumawal ako at sinama ang Gang." Nakangiting sabi nito,

"Sus. Akala ko naman kung ano na pero Sky..."

"Hmmm?"

"Sa Queen. Ano... May balita na ba kayo?" Inalis ni Sky ang pagkakaabay nya sakin.at tumayo.

"Angella naman, ang tagal na nun, kalimutan mo nalang ang nangyari nuon." nag'init ang ulo ko sa narinig ko.

"Kalimutan? Sky, naririnig mo ba yang sarili mo ha? Anong kalimutan? Hah! Mashado yatang malaki ang nawala sakin. Para kalimutan lang ang ginawa nya."

"Wala naring mangyayari, dahil kahit anong gawin mo hindi mo na sya maibabalik."

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang emosyong nasa loob ko.

Umiiling syang nagdirediretso pabalik sa loob ng bahay.

"hindi mo na sya maibabalik."

"hindi mo na sya maibabalik."

"hindi mo na sya maibabalik."

"hindi mo na sya maibabalik."

Paulit ulit yang nag'eecho sa isip ko, nanatili ako sa likod bahay para pahupain ang emosyong nasa loob ko.

Pagbalik ko sa sala ay hindi na ako inimik ni Sky. Wala narin naman akong balak kausapin sya.

Nang umalis sila ay hinatid ko sila hanggang sa gate. Huminto si Sky sa harap ko na nakasakay sa bigbike nya papasok na ko ng marinig ko may sinabi sya bago nya pinaharurot ang sasakyan nya.

"Mag'iingat ka Jela."

Mysterious AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon