Chapter 5: 'Wag kang umalis. Dito ka lang sa tabi ko.

25 0 0
                                    

NASH'S POV

"Wag kang umalis. Dito ka lang sa tabi ko."

Aalis ba ko? O aalis ba ko? Hay! Pano na yan? Na-tetempt ako. Langya! Pigilan mo Nash! Magkalapit pa naman yung labi ko sa labi nya! Oh tukso, layuan mo akoooooooo.~

Halikan ko na ah?

Shet! Hindi pwede. Hindi magandang pag-nasaan ang kaibigan. Friend is friend. That's it. No more no less. At isa pa, lasing siya. Lasing siya kaya niya nasasabi yan. Saka siguro epekto nung text message. Teka nga, text message. Kay J-jared daw galing yun. Sounds familiar siya as in. Narinig ko na siya dati. He's familiar. Hindi ko lang alam kung saan siya narinig. Sabihin niyo nang malay mo, kapangalan lang. Pero hindi eh! Iba ang kutob ko. Ang kutob ko, may magiging papel siya. May magiging papel siya sa buhay ko. Hindi man puro sa buhay ko. Siguro sa aming lahat. Aming lahat na magbabarkada.

Magre-rewind nga ko. May something kasi na tumutulak sa akin na alamin ko kung sino yun. Hindi lang siya ordinary person. Hindi lang siya ordinaryong lalaki. I mean, may magiging papel siya sa buhay ko o buhay naming lahat. At hindi ko alam kung totoo nga yung kutob ko na yun. Masyado lang siguro akong paranoid. Tama, paranoid lang ako ngayon. Epekto lang ng ininom ko. Masyadong marami akong ininom kaya ganun. Hindi din. :p

Inaantok na ko. Matutulog ka ng nakapatong sa kanya? Oo. Ay este. Hindi. Malaking hindi. Doon ako sa kabilang kama. Tama, doon sa isang kama.

"Dito ka lang sabi, eh." Ha? Hindi pwede.

"H-ha? Hindi pwede."

"Anong hindi pwede? Dito ka sa tabi ko. Hindi ko sinabing matutulog ka ng nakapatong sa akin. Baliw."

"Hindi tayo kasya." Palusot ko.

"Kasya tayo."

"Oo nga no."

And with that, tabi kaming natulog. Ipinikit ko na rin ang mata ko. Masyadong marami ang tequila na nainom ko.

~

GRAE'S POV

"WAKE UP! FEEL THE AIR I'M BREATHING!" Takte. Sino ba yun?

"WOY! MGA ULAGA! GISING NA!" Isa na lang talaga. Popompyangin ko ulo neto.

"HALEEEERRR! GISING NA PO! 6:30 NA PO! USO PO BUMANGON!" AYYYYY! Nakakainis naman 'to.

"TAKTE. SINO BA YUN!?" Sabi ko. Sakit kaya sa tenga.

"Pinaka-gwapo sa Gimme 5." And with that, kilala ko na.

"WEH. Pinaka-hambog kamo." Kami. Hahahaha.

"Self-support. Hays." Joaquin. Hahahaha.

We'll Fight For Us (Gimme 5 FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon