MARGARET'S POV
2 weeks na lang bago mag-exam. Kaya eto ako ngayon. Magre-review. Hindi pa naman ako nakikinig sa mga discussions. Lol! Hindi naman talaga ko nagre-review, depende na lang kung nakikinig ako sa mga tinatalak ng mga teachers.
It's been two days nung umamin ako sa mga Sissy ko na may gusto ako kay Nash. What will happen kaya kung malaman ni Nash na may gusto ako sa kanya? Lalayuan niya kaya ko o magugustuhan din nya ko? Kung lalayuan niya ko, magkakaroon ng awkwardness kapag magkakasama kami. Syempre, magkakasama ang mga Sissy ko sa mga barkada ni Nash, so magkakasama kami. Magkakailangan kami. Bibihira na lang niya ko pansinin. Wala na siyang pakialam sakin. What more? Masakit kung aamin ako sa kanya. Lalo na't hindi sure ang feelings niya para sakin. Diba ang sabi lang niya kahapon, 'hindi ko pa siya mahal. Hindi ko pa siya gusto. Pero mahalaga siya sakin at hindi ko kayang mawala siya.'
Mahirap umamin na gusto ko siya kung yun pa lang ang nararamdaman niya para sakin. Ayoko pang masaktan. Sobra na kong nasaktan sa pag-alis ni errr.. Jared. Kaya, hindi muna ngayon. I'll just wait for the right time.
Anyway, malapit ng mag-uwian. Katabi ko si Nash ngayon. Nakikinig lang siya. Ang cute. Siguro nag-aaral siya ngayon ng matindi. I heard na may business sila at siya ang taga-pagmana, wait. Let me rephrase. Hindi lang siya ang taga-pagmana. May isa pa. Hindi ko alam kung sino yun. Tanungin ko nga siya kung anong pangalan ng company nila.
"Nash." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at ngumiti.
"Bakit ganda?" Tinawag ko lang, may papuri na agad. Lol
"Uhmm, what's the name of your company?" Tanong ko.
Biglang nag-ring yung bell. At nagsalita yung subject teacher namin.
"Let's continue our discussion tomorrow. That's all for today class, good bye."
Umalis na yung subject teacher namin. Hindi na rin nasagot ni Nash yung tanong ko. Sa susunod na lang. Inayos ko na yung mga gamit ko.
"Sis, let's go na sa locker?" Tanong sakin ni Bridget. Tumango naman ako.
"Babe! Ay, Marga!" Babe? Sino yun? Lumingon ako para alamin kung sino yun.
"KYAAAAAAHHH!" Tili ng mga girls. I mean, mga kaibigan ko.
"YAN ANG DAMOVES!" Boys.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong kay Nash.
"Uhmmm, diba share tayo ng locker? Sabay na tayo." Gosh, papayag ba ko? Langya, choosy pa ba ko?
"Ahh. S-sige."
"Langya kayo! Sabay-sabay na tayo!" Sigaw ni Joaqs. Natawa naman kami dun. Hati kasi kami ng locker ni Nash. Ganun din sila Sophia at Brace, Joaquin at Bridget, John at Aubrey, at Grae at Zara. Lahat kasi ng students dapat may kahati sa locker. Dumami kasi ang students sa school namin kaya yun. Dahil nga at wala akong boyfriend, ka-MU katulad ng mga kaibigan ko, madaming nag-aya sakin. Ayaw ko naman pumayag kasi hindi ko naman sila gaanong ka-close. Medyo close lang. Saka wala pa akong gaanong trust sa kanila. Baka nakawin nila yung P.E uniform ko kapag may P.E class kami. O kaya kunin yung ibang gamit ko. Saka baka pakialaman nila yung personal stuff ko. Kaya yun. Hanggang si Nash na yung nag-aya sakin. May tiwala ako sa kanya at pumayag ako. Nakaka-guilty nga nung ni-reject ko yung alok ng mga iba kong classmates. They understand naman daw.
BINABASA MO ANG
We'll Fight For Us (Gimme 5 FanFic)
FanfictionOne day, isang araw, joke. One day lang. One day, nagkabungguan si Nash at Margaret. Nagka-inisan ang dalawa. Kung galit sila sa isa't-isa, kabaligtaran naman ng ibang kabarkada nila. After a month, M.U na ang walo. Pero sila Nash at Margaret? Ano...