Prologue

2 1 0
                                    

Note:

Kung gusto niyong malaman ang buong story ni Alyana, pwede kayong bumasa sa "Against the odds" and "A love in Casa del Fuerte"

____________________________________

Alyana's POV

"Hi, I'm Alyana Gonzalez. I'm an architect-" I stopped kasi biglang nag re-react silang lahat

"Wow! Architect! Ang laki siguro ng sahod mo, girl." Sabi nila kaya natawa naman ako

"Kaya nga lang, bakit ka pa nag aaral ulit?" Tanong naman nung isang kaklase ko

"Eh kasi dream ko din magiging doctor." Sabi ko

"Ahh, wala ka sigurong time sa boyfriend mo noh? Puro ka siguro aral, Miss." Sabi naman nung isang ka klase ko

"Eh mabuti naman yung puro aral lang inaatupag. Kesa naman puro landi lang inuuna, diba?" Tanong ko habang nakangiti

"Ilang kurso na bang natapos mo, Ms. Gonzalez?" Tanong ng professor namin

"Pangatlo ko na po ito." Sagot ko naman

"Wow! Ano yung isa?" Tanong naman nung mga kaklase ko

"Civil Engineering. Architect-Engineer po ako." Sagot ko

Pumalakpak sila "Naku, nasa iyo na talaga ang lahat, Ma'am Engineer!" Sabi naman nung isa kong kaklase

"Ilang taon ka na ba?" Tanong naman nung isang kaklase ko

"25 years old na po ako." Sagot ko

"Wow, ang bata mo pa tapos ang layo na ng narating mo." Sabi naman nung isa kong kaklase

"Architect, Engineer, at future doctor pa! Saan pa tayo lulugar dito?" Tanong nung isa

"Uy, paturo sa math ah saka sa drawing. " Sabi nung isa kong kaklase

"Oo naman." Sabi ko habang natatawa

"Ano bang gusto mo? Doctor sa saan?" Tanong naman nung isa

"Doctor of Psychiatry." Sagot ko

"Wow, grabi ka talaga mangarap noh? Sana ganyan din ako." Sabi naman nung isa kong ka klase

"Sigurado ka bang walang nanliligaw sa'yo?" Tanong nung isa

Ngumiti naman ako "May hinihintay lang kasi ako." Sabi ko

"Awwweee" sabi nilang lahat

"Si Miss Architect-Engineer pinahintay? Dapat siya yung nag hintay, Ms. Alyana. Napaka swerte naman ng taong iyan." Sabi ng professor namin

"Years na po akong nag hihintay sa kanya." Sabi ko

"Wow. Grabe, persistent ah." Sabi naman nung isang kaklase ko

Dismissal na at biglang nakita ko si Liam sa labas ng classroom namin kaya nagmamadali naman akong lumabas at ngumiti sa kanya.

"Huy, bakit ka nandito?" Tanong ko

"Ayokong mapunta ka na naman dun sa bridge." Sabi niya at tumatawa

"Hindi naman ako magpapakamatay dun ah." Sabi ko pa

"Naninigurado lang ako" sabi niya at natawa  "Saka diba may dinner pa kayo sa ex mo?" He asked

"Yeah." I nodded saka tumingin sa kanya habang ngumiti ng nakakailang

"Tara, hatid kita. Para naman makakapag ready ka na." Sabi niya

Habang naglalakad lang kami papunta sa condo, nakita ko naman kung gaano siya ka masiyahin. Malaki ang dinagdag ni Liam sa aking buhay. Hindi lang kundi kaibigan, kundi dinagdagan niya ako ng pamilya, a shoulder to lean on, a protector.

It will never be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon