Dan's POV
"Alam mo bang nagmumokmok na naman yan si Alyana nang dahil sa kapatid mo, Dan?" Tanong ni Elaine habang nakasakay kami ng elevator papunta sa itaas
"Sabi ko na nga eh. Ayaw niya kasing mag move on." Sabi ko
"Bakit ayaw niya? Kilala na natin yan si Dane. Kukunin niya kung ano ang gusto niya. Obviously nag iinom na naman yun si Alyana dun sa kanyang unit." Sabi ni Elaine
Bumukas na ang elevator at nasa tapat na kami ng unit ni Alyana. Binuksan namin ito at nakita namin si Alyana pati si Liam na nakatulog sa sahig na may mga bote ang mga kamay nila. Nag iinom na naman ang dalawang ito.
"Gising na nga kayong dalawa. Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Tanong ni Elaine
Nagising na naman ang dalawa at tumayo ang mga ito.
"Si Liam ay broken hearted, ako ay broken hearted. Kaya nag iinom lang kami." Sabi ni Alyana at biglang tumunog ang tiyan nito kaya agad itong pumunta sa cr
"Iniwan ka ng girlfriend mo, Liam?" Tanong ko
"Oo Dan. Parang ginamit lang niya ako para sa pera." Sabi ni Liam
"Kawawa ka naman. Pareho lang kayong dalawa ni Alyana puro broken hearted." Sabi ko
"Hindi naman ako broken hearted eh. Tanggap ko na dati pa." Sabi ni Liam
"Eh bakit mo sinamahang uminom si Alyana?" Tanong ko
"Para may karamay siya. Naaawa na kasi ako sa kanya dahil siya nalang mag isa palagi dito. Hindi siya sanay na mag isa kaya palagi ko siyang sinamahan." Sabi ni Liam
Napangiti ako at tumingin ako kay Elaine "Mabuti naman Liam. Thank you for being there for her sa panahon na wala kami ni Elaine. Spoiled kasi yan si Alyana sa amin dati eh. Ngayon wala na kasi may sariling pamilya na kami." Sabi ko
"Okay lang. Magkaka pamilya din si Alyana. At kung darating man yung panahon na yun, magpapaalam na ako sa kanya." Sabi ni Liam
"Bakit ka magpapaalam?" Tanong ko
"Dahil malaki ang respeto ko sa kanya at sa kanyang magiging asawa." Sagot ni Liam
Maikli lang ang kanyang sagot pero napaka straight to the point. Ang bait talaga ni Liam. Gusto ko sila nalang ni Alyana ang magkatuluyan. Pero mukhang bulag na bulag pa si Alyana kay Dane eh. She needs to wake up though.
Pumasok naman si Trent at saka Terrence. Yumakap si Terrence sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Mommy, what happened to tita Alyana and tito Liam?" Tanong ni Terrence sa akin
"They're drunk, anak." Sagot ko naman
"What kind of drunk, mommy?" He asked
"You need to stay out of this, nak. You don't need to know. Okay sweetie?" Tanong ko sa kanya
"Yes, mommy" sagot niya
"Babe, dalhin mo si Terrence sa playground. Let him play." Utos ko kay Trent at binuhat na ni Trent si Terrence saka pumunta na sa playground
Pinuntahan ko si Alyana sa cr kasi mukhang hirap na hirap na siya dun.
"Do you need anything?" I asked
"N-No... It's just that-" huminto siya para sumuka na naman
"Oh! Okay then. We'll make a soup for both of you." Sabi ko at saka pumunta sa kitchen
Naabutan ko naman si Elaine na may linuto.
"Anong niluto mo?" I asked
"Soup." Sagot ni Elaine
"Natuto ka na palang mag luto." Sabi ko
"Eh syempre. Buhay ina kay Ethan. At bilang asawa ni Nylle." Sabi ni Elaine at ngumiti ito
"Mukhang masiyahing asawa toh ah." Sabi ko habang nakangiti
"Si Alyana nalang ata ang hindi masiyahing asawa dito." Sabi ni Elaine
"Mas mabuti pa kung si Liam nalang ang pipiliin ni Alyana. Mabait pa." Sabi ko
"Oo nga noh. Matalino saka guwapo pa." Sabi ni Elaine
"Pero syempre mas gwapo pa yung asawa ko noh" sabi ko
"Syempre, asawa mo eh. Mas gwapo talaga yun sa mga mata mo." Sabi ni Elaine
"I'm stating facts." Sabi ko
"Ooh really" sabi ni Elaine at mini-mix ang mga ingredients ng soup
Natapos na din si Elaine sa pagluto ng soup para kay Liam at saka Alyana. Kumain na si Alyana at saka Liam sa dining room.
"Marunong ka na pala mag luto Elaine." Sabi ni Alyana habang umiinom ng soup
"Syempre, nag aaral ako noh" sabi naman ni Elaine
"Mag aral ka pa para hindi ka iiwan ng asawa mo." Biro ni Alyana
"Kahit hindi pa ako nag aaral ng pagluluto hinding hindi ako iiwanan ni Nylle noh." Sabi ni Elaine "Hindi kasi siya katulad ni Dane." Elaine added
"Huy Elaine. Wag mong ibanggit si Dane. Baka mag round 2 na naman yan sa inuman." Biro ko
"Nasa kanya na yan kapag mag round 2 pa siya, basta ako, hindi na talaga ako magluluto ng soup dito." Sabi ni Elaine
"Ede wag. Hindi naman kita inutusan ah." Sabi ni Alyana
"Ah ganun. Sige ibalik mo ang soup na kinain mo." Sabi ni Elaine
"Oh chill lang. Susuka muna ako." Sabi ni Alyana
"Stop it! Ano ba kayong dalawa. Para kayong bata eh." Sabi ko
Kumain nalang si Alyana ng maayos at nanahimik na. Pati si Liam nanahimik lamang ito habang kumakain.
BINABASA MO ANG
It will never be you
RandomHave you ever loved someone as much as you love yourself? Kung ganun, let him go. Walang ikakabuti yan sa sarili mo kung mas mahal mo ang isang tao compare sa mahal mo yung sarili mo. The right one will make you fall in love with yourself too.