Alyana's POV
"Anong gusto mong design teh?" Tanong ni Zach sa akin at kinuha yung mga sketchbook niya. Maraming sketches ng mga gowns ang sketchbooks niya kaya tinignan ko naman ang mga ito
"Kayo nalang kaya ang pumili. Tutal expert naman kayo dyan" sabi ko
"Sa bagay. Pero iba talaga kapag choice ng bride, diba?" Tanong ni Frich
"Sige na kayo na pumili" sabi ko
"Sige. Pipili kami ng top 5 tapos ikaw na yung mamimili" sabi naman no Zach
"Oh sige. Deal" sabi ko
"Dapat magpapa facial ka girl." Sabi naman ni Zach
"Haggard ba mukha ko, Zach?" Tanong ko
"Hindi naman. Pero dapat mas lalo kang mag glow para sa kasal mo." Sabi ni Zach
"Oo. Dapat mas lalo ka pang mag glow." Sabi naman ni Frich
"Sus, sige nga. Anong facial ang maganda?" Tanong ko
"Yung diamond peel. Bagay sa'yo." Sabi naman ni Frich
"Sige, pero dapat kayo mismo ang mag perform ng facial sa aking mukha ah." Sabi ko
"Girl, bakit kami? May staff naman kami para dyan. Naku" sabi ni Zach
Kaya pumasok ako sa beauty lounge nina Zach at Frich. Nagpapa facial ako. Marami kasi silang mga negosyo hindi lang beauty lounge, meron silang dress shop, coffee shop saka iba pa. Sayang nga naman nag hihiwalay pa naman to sina Frich at Zach. Ang guwapo kaya nilang dalawa.
Nagpapa facial na ako saka nagbayad na din. Lumabas na ako sa beauty lounge at pumunta na sa mall para bumili ng stiletto ko for my wedding.
"Ma'am ano pong hinahanap niyo?" Tanong ng saleslady
"I'm looking for a white stiletto." Sabi ko
"May wedding po kayong pupuntahan ma'am?" Tanong naman niya
"Actually, it's for my wedding" I smiled
"Naku po ma'am congratulations!" She said happily
"Thank you!" Sabi ko naman
"Ma'am may ma suggest po ako para sa'yo. Newest po toh namin." Sabi niya at kinuha ang napaka gandang stiletto. Beautiful yet simple
"Wow. It's beautiful!" Sabi ko naman
"Saka ma'am, hindi ito madaling masira. I'm sure mapapagod ka na lang sa kaka suot nito pero hindi talaga ito masisira." Sabi niya
"How much po?" Tanong ko
"3,590 po." Sabi niya
"May size 40 ba nito? Malaki kasi paa ko." Sabi ko
"Halata naman po kasi ma'am. Ang tangkad mo kaya." Sabi niya "Kukuha lang ako ng size 40 ma'am ah." She added at saka umalis
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik naman siya at ngumiti ito.
"Heto na po ma'am oh" sabi niya saka kinuha ko yun at sinukat
Perfectly fit. Kaya inilagay ko ulit yung stilettos sa loob ng box at ngumiti ako sa kanya.
"I'll take it" sabi ko
"Thank you po ma'am" sabi niya habang nakangiti
"Thank you din" sabi ko habang dinadala ko yung box saka pumunta na sa counter
Pagkatapos kong magbayad ay agad naman akong umuwi sa condo dahil napapagod na ako. Nandito lang si Liam sa gilid ko habang nakahiga ako sa kama.
"Napapagod ka ba mahal?" Tanong niya
"Oo sobra." Sabi ko
"Mukhang hindi halata ah. Ang blooming mo kaya" sabi niya
"Eh kasi nagpapa facial ako." Sabi ko
"May lakad ka pa ba? Gusto mo ihahatid na kita? Baka pagod ka na mag drive. " Sabi ni Liam
"Yes, please. Ihahatid mo ako. Nakakapagod kasi ang araw na to" sabi ko
"Mabuti naman dahil may favors ka na sa akin" sabi niya
"Hmm? Bakit?" Tanong ko
"Hindi ka kasi umuutos sa akin. Gusto mo ikaw lang palagi ang gumagawa. Mabuti naman dahil inuutusan mo na ako ngayon" sabi niya
"Masasanay ka rin kapag kasal na tayo. Dahil uutusan at uutusan talaga kita" sabi ko at tumatawa
Tumatawa naman siya "I'd love that, master" sabi niya
Inirapan ko siya habang tumatawa "Ano ba yan. Palagi ka nalang mag yes master. Hindi mo talaga ako aawayin noh?" Sabi ko
"I won't fight you. But I will fight for you" sabi niya
Ngumiti lang ako at yinakap siya "I'm glad you're mine" sabi ko
"I won't get tired of choosing you for the rest of my life." Sabi niya
"Me too" sabi ko
"Just promise me that you will tell me about what you're feeling everyday." Sabi niya
"I will. Mahal na mahal kita." Sabi ko
"Mahal na mahal din kita, Al. Sobra. Kaya please, don't get tired of choosing me" sabi niya
"I won't" I smiled "Kung mamatay ako, magpapakasal ka pa ba sa iba?" Tanong ko
"Marrying someone isn't an option. Sa totoo lang, sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, naiisipan kong kulang parin ang buhay ko ngayon para mahalin ka. I was thinking that maybe in the next life, I will search for you. I will love you a little harder." Sabi niya
"In another life, let's bump into each other again. Let's fall in love all over again." Sabi ko
"That's my promise to you. Hahanapin at hahanapin kita sa susunod kong buhay." Sabi niya
"Huwag kang mapadpad sa iba ha." Sabi ko
"Hinding hindi ko yun magagawa" sabi niya
Hinalikan niya ako at ngumiti siya saka yinakap niya ulit ako.

BINABASA MO ANG
It will never be you
RandomHave you ever loved someone as much as you love yourself? Kung ganun, let him go. Walang ikakabuti yan sa sarili mo kung mas mahal mo ang isang tao compare sa mahal mo yung sarili mo. The right one will make you fall in love with yourself too.