Chapter 13

1 1 0
                                        

Alyana's POV

Nandito ako ngayon sa studio. Natapos na kaming mag photoshoot at nakita ko na naman si Jannah sa labas. Iniligpit ko muna mga gamit ko at lumapit sa kanya.

"Nakuha mo na ang mga pictures mo diba? Ano pa ginagawa mo dyan?" Tanong ko

"Ate, I just want to give you this." Sabi niya as she handed me a box of cake

"Peace offering ba toh?" I asked "Alam kong wala kang pera, bakit bumibili ka pa." I added

"Gusto ko lang maging close sa'yo ate. Sorry talaga dahil anak lang ako sa labas. In another life siguro baka magiging totoong kapatid na talaga kita." Sabi niya

Ngumiti ako sa kanya "Hindi mo kailangan mag sorry. Wala kang kasalanan sa mga kalokohan ni daddy at ng mommy mo" sabi ko

"Eh kasi galit kayo sa akin eh." Sabi ni Jannah

"Siguro nga galit kami sa'yo dahil bunga ka ng pagtataksil ni dad. Pero kahit anong gagawin ko, kapatid parin kita eh." Sabi ko

"Thank you, ate." Sabi niya

"May class ka pa ba? Ihahatid kita" sabi ko

"Wala na po. Gusto ko lang sumama sa'yo, ate." Sabi niya

"Gusto mo ipag shopping kita?" Tanong ko

"Sure ka ba dyan ate? Naku, wala na rin akong damit eh. Konti nalang." Sabi niya

"Halika." Sabi ko at pumunta kami sa parking lot. Pumasok na kami sa aking sasakyan

Pumunta kami sa Ayala at nag shopping kami sa H&M.

"Kumuha ka ng kahit ano dyan. Then sabay tayong pupunta dun sa fitting room." Sabi ko

"Tulungan mo akong mamili ate." Sabi niya

"Okay then." Sabi ko at kumuha ako ng mga kahit anong dresses, tops, skirts, trousers, jeans.

Pumunta na kami sa fitting room at saka itina try na niya ang mga clothes na kinuha namin. She opened the door para makita ko kung maganda ba sa kanya ang sinuot niya.

"Ooh, looks good on you. Next dress please." Sabi ko at saka sinara na niya ulit ang pinto

Binuksan niya ulit ito after ilang minuto.

"I like that one. Next" sabi ko at sinara na niya ulit ang pinto. Binuksan niya ulit ito at sinuot ang isang top at saka mini skirt

"Are you a witch?" Tanong ko

"Bakit ate?" Tanong niya

"Lahat ng damit bagay na bagay sa'yo" sabi ko

Ngumiti naman siya at isinara na yung pinto. Binuksan naman niya ito after ilang minuto.

"Hmmm... Medyo maikli siya sa'yo. Next" Sabi ko

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na din kami. Pumunta na ako sa counter at binayaran na ang lahat.

"That would be 33,599.50" sabi ng cashier at binigay ko naman yung cash saka kinuha na namin yung mga bags

"Salamat talaga ate." Sabi ni Jannah

"You want some shoes? May mga holes na kasi yang sapatos mo" sabi ko

"Oo ate. Mga luma na kasi mga shoes ko." Sabi niya

Pinag shopping ko siya ng dalawang rubber shoes, isang stiletto at saka dalawang sandals. Kawawa na kasi siya napansin ko kasing mga luma na yung mga shoes at mga damit niya. Pagkatapos namin, pumunta na kami sa parking lot. Pumasok na kami sa kotse ko at hinatid ko na siya sa kanilang bahay.

"Ate, sabi ni mama dinner daw muna tayo." Sabi ni Jannah

"Well, sige." Sabi ko at lumabas na kami sa sasakyan ko saka dinala yung mga bags papunta sa loob ng bahay nina Jannah

While nag dinner kami, tahimik lang kami dahil ayaw kong makikipag away sa kabit ni dad.

"Al, hija. May e-explain lang ako sa'yo ah" sabi ni tita

"Go ahead." Cold kong sagot

"Salamat pala sa mga binili mo kay Jannah. Malaking tulong na yun sa amin. Matagal ko na siyang hindi nabilhan ng mga damit at saka sapatos." Sabi niya

"Anything for her." Sagot ko naman

"Alam mo ba kung bakit nabuo si Jannah?" She asked

"Syempre, sa kalandian niyo." Sagot ko

"Well, hindi sa ganun hija." Sabi niya

"Then what?" I asked

"Ni rape ako ng daddy mo." Sabi niya

Nanlaki ang mga mata ko "No. Hindi totoo yan." Sabi ko

Umiiyak na si tita "Hindi ko alam ano ang gagawin ko kasi mahirap lang kami. Wala kaming maibibigay sa abogado kung mag sampa pa kami ng kaso laban sa daddy mo." Sabi ni tita

"Bakit hindi po kayo lumaban?" Tanong ko

"Nung nalaman ko na buntis ako, nakikiusap ang daddy mo sa akin. Sabi niya bibigyan niya ng magandang buhay ang anak ko." Sabi ni tita

"Sorry po tita. Hindi ko alam na ganun po ang nangyari." Sabi ko

"Okay lang. Pasensya ka na ah. Hindi namin ito ginusto ni Jannah." Sabi ni tita

Pagkatapos kong kumain, pauwi na sana ako pero biglang yumakap si Jannah sa akin pati na rin si tita.

"Alam kong hinding hindi mo ako mapapatawad, Alyana. Pero sana balang araw mapatawad mo din ako." Sabi ni tita

"Don't worry tita. Napatawad na kita" ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman ito

"Mag ingat ka pauwi." Sabi ni tita

"Salamat po." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan ko. Umuwi ako ng probinsya at nakita ko si Alenna saka si mommy na nanunood lamang ng television

"Alam mo na ba?" I asked

"Ang alin anak?" Tanong ni mommy

"Na rapist si daddy? Ginahasa niya ang mommy ni Jannah kaya nabuntis siya." Sabi ko

"Ano ba pinagsasabi mo ate?" Tanong ni Alenna

"I said what I said. Rapist si daddy. Walang pambayad ng abogado si tita Lorraine kaya hindi nalang nila sinampahan ng kaso si daddy." Sabi ko

"Oo alam ko." Sagot ni mommy

"Mom? Alam mo?" Tanong ni Alenna "Bakit mo tinago sa amin?" She added

"Dahil hindi kayo nagtatanong" simpleng sagot ni mommy

"Naaawa tuloy ako kay Jannah." Sabi ni Alenna

"Talagang nakakaawa ang batang yun. Sinabunutan niyo pa sa restaurant" sabi ni mommy

"Matutulog na muna ako. Masakit ulo ko" sabi ko at umakyat na sa itaas para matulog

It will never be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon