KAIA'S POV
Pagkagising ko, tulog na tulog pa sa tabi ko si Sav kaya napag desisyunan ko na bumangon na para mag hilamos at mag sipilyo.
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kitchen para mag luto ng breakfast naming dalawa. Kumuha lang ako ng hotdog, itlog at bacon sa fridge. Inuna ko na muna mag luto ng kanin sa rice cooker bago ko sinimulan ang pag prito ng hotdog, itlog at bacon.
Hindi naman talaga ako nag luluto kaya basic lang yung alam ko. Dati kasi, kung hindi ako sa labas kakain, madalas ay nag papa deliver na lang ako.
"Sav! Breakfast is ready!" Tawag ko sa pinsan ko habang nag titimpla ako ng kape.
Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin siya kaya na una na akong umupo para kumain.
'Panigurado ay may hangover pa 'yon kaya hindi ko na muna iistorbohin..'
Habang kumakain ako ng umagahan, biglang pumasok sa isip ko si Draven.
'Ano kayang ginagawa ng lalaking 'yon?'
'Teka bakit ko ba tinatanong?'
"Draven Madrigal.." Naiusal ko.
"Search ko kaya?"
'Search lang naman e.. hindi ko naman i-aadd sa Facebook.. search lang talaga promise'
Dali dali kong in-unlock yung phone ko at agad na binuksan yung Facebook app.
At dahil alam ko na yung apelyido niya ay mabilis kong nahanap yung account niya.
"Napaka pa mysterious naman.." Sabi ko nang makita na wala man lang siyang 'shared posts' at bilang lang ang pictures niya.
'Wow ang daming reactors at comments.. karamihan ay babae'
'Hi Draven! You look so handsome'
'Ang pogi naman! Pwede pa kiss?'
'Baby! Ang gwapo!'
'Ang sungit pero bet ko pa rin'
YOU ARE READING
PANACEA (n. a cure for all ills)
FanfictionIt's summer time and Kaia decided to spend her vacation with her cousin in Laguna. She then met this unexpected person named Draven who was about to give up his life.