One

92 1 0
                                    

Kaia's POV





"Aya! I missed you!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng pinsan kong si Savannah sa may entrance ng airport.





"I missed you more, Sav" Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.





Isang taon na ang nakalipas nung huling beses na nagkita kami. Na miss ko siya ng sobra, hindi lang kasi siya pinsan para sa akin, tinuturing ko na rin kasi siyang best friend at nakababatang kapatid ko. Isang taon lang naman yung agwat ng edad namin. 





"Buti naman naisipan mong umuwi na dito sa Pilipinas" Aniya nang makabitaw na kami sa pagkakayakap.





"Diba sabi ko naman sa 'yo, na babalik din ako kapag okay na ang lahat" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. 





"Ang tanong.. okay ka na ba talaga?" Kung kanina ay masaya siya, ngayon naman ay napalitan ng pag-aalala.





"I'm more than okay, Sav" Nakangiting sabi ko.





"Good. Tara kain muna tayo bago umuwi" Pag iba niya ng usapan.





"Oo nga.. kanina pa ako gutom e" Hindi kasi ako nabusog sa kinain ko kanina sa eroplano.





"How's tita and tito?" Aniya habang nag mamaneho.





"Okay naman, busy sa trabaho. Sila tita Sierra kumusta?"





"Ayon.. busy din sa business namin don sa Antipolo"





"Mag isa ka lang dito sa Laguna?" Tumango naman siya.





"Buti nga umuwi ka e.. kung hindi mababaliw na ako sa sobrang pagka-bored"





"Nga pala.. dito ka na 'for good' diba?" Dagdag pa niya dahilan para hindi ako makasagot.





'Hindi ko alam..'





"Don't tell me--"





"Kumusta pala kayo ni Blake?" Pag iba ko ng usapan.





"Wala na.. break na kami. Puro sakit ng ulo lang naman binibigay sa akin e" Naiinis na sabi niya.





'Bukod sa pagiging magkadugo namin ni Sav, parehas din kaming malas sa pag-ibig'





"Sabi ko na nga ba e. Wala talagang forever" Biro ko.





'Hindi sa pagiging bitter.. pero totoo naman talaga e'





"Meron! Kaso 'di pa natin nahahanap yung naka tadhana para sa atin" Seryosong aniya habang diretso ang tingin sa daan.





"Yeah, right" Walang ganang sabi ko. 





"Alam mo.. ang bitter mo!" Natatawang sabi niya. 





"Whatever"





Tumigil kami sa tapat ng isang restaurant na malapit sa condo unit ni Sav. Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan habang kumakain. 





"May boyfriend ka ba ngayon? Or maybe.. kalandian?" Curious na sabi niya.





"Wala" Matipid na sagot ko.





PANACEA (n. a cure for all ills)Where stories live. Discover now