Kaia's POV
"Pano ba 'yan? Baka hindi ka na makatira" Mayabang na sabi niya pagkatapos makapapasok ng bola.
Kanina pa ako nag hihintay na magkamali siya pero mukhang magaling talaga siya maglaro ng billiards.
'Ang lakas ng loob ko mag hamon e 'no?'
'Pero kung nanalo ako kanina sa jack 'n poy, ako sana yung mauunang tumira, e di sana siya yung naghihintay ngayon..'
"Marami pa 'yan oh" Tinuro ko yung natitirang mga bola. "May pag asa pa 'ko" Dagdag ko habang magka-krus ang dalawang braso.
"Sige na nga, pagbibigyan kita" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pumikit siya bago tumira kaya hindi na ako nag taka nung hindi niya napapasok yung bola.
"Your turn" Nakangising sabi niya bago pinatong yung cue stick niya sa may gilid ng lamesa.
"Ah.. ang yabang mo ah" Nakangisi rin na sabi ko bago ko nilagyan ng chalk yung dulo ng cue stick na hawak ko.
"Tss. Galingan mo, ngayon lang ako mag bibigay ng chance" Aniya bago kumuha ng isang paketeng yosi sa bulsa niya.
"Pwede ba mag yosi dito?" Sabi ko nang makita ko na mag sisindi na sana siya.
"Hindi" Mukhang seryoso naman siya kaya kinabahan ako nung nagpatuloy pa rin siya sa pag sindi.
"Siraulo ka ba? Baka mapagalitan tayo dito oy!" Sabi ko bago inikot ang paningin sa paligid namin, baka kasi may makakitang staff or whatever.
"Maglalaro ka ba o hindi?" Aniya bago bumuga ng usok.
"Bahala ka, pag napagalitan tayo dito--"
"Hindi 'yan"
"Tse!" Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa pag tira.
YOU ARE READING
PANACEA (n. a cure for all ills)
FanficIt's summer time and Kaia decided to spend her vacation with her cousin in Laguna. She then met this unexpected person named Draven who was about to give up his life.