THE PORTAL,
*Bumaba na kami ng van at binuksan ang mga flashlights na hawak namin isinuot na rin namin ang mga backpack na naglalaman ng kaunting mga damit at pagkain na kakailanganin namin sa paglalakbay. Huminga ako ng malalim bago naglakad at sinundan naman ako nila Traise at Calvin. Ang dilim, sobrang dilim lalong nakapanindig balahibo ang sobrang lamig na hanging humahaplos sa aming katawan na ani mo'y hangin mula sa nakabukas na freezer. Hindi ko maiwasang matisod dahil nasa gitna na kami ng gubat ngayon. Ansaket na rin ng mga paa ko dahil dalawang oras at kalahati na rin ata kaming naglalakad.
'Grrr. Wala bang shortcut dito?!. Naiinis na usal ni Calvin.
'Dude, wag kana umangal malapit na rin naman ata tayo right Zekenzie? Oh a- I mean Kian?. Pautal na sabi ni Traise.
'Hmm i don't think so. Nasa kalahati pa lang nga ata tayo eh. Tanging tugon ko dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan na kami.
*Nagpatuloy kami sa paglalakad at inabot kami ng ilan pang oras ng biglang may narinig kaming ungol ng mababangis na hayop. Nagtago kami sa likod ng isang malaking puno, kitang-kita namin na nagtatakbuhan ang mga hayop.
'Wtf?!. Am I crazy or it's just the fact that I am seeing a half human and a half tiger?!. Takot na tinanong ni Calvin si Traise habang inaalog ang katawan dahil parang na istatwa na si Traise.
*Wala na ang mga taong hayop. Buti na lang hindi nila kami nakita or elss nakain na kami ng mga ito. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa balon na sinasabi nila tito. May lubid na sa mismong balon na para bang may mga kadadaan lamang pababa ng balon. Ako ang unang bumaba at pag kababa ko biglang namatay ang flashlight ko. Sumunod saken si Calvin, namatay din ang flashlight niya sa hindi malamang dahilan. Ganun din ang nangyari sa flashlight ni Traise. Nilabas ko ang posporong nasa bulsa ng backpack ni Calvin at sinindihan ito. Napaatras kami ng makitang ang mga taong hayop na nadaanan kami kanina. Dito rin pala ang tungo nila. Ang sama ng mga tingin nila sa amin. Nakita kong nakahawak pa si Calvin sa braso ni Traise dahil sa sobrang takot. Umabante ako upang kausapin sana ang mga taong hayop ng bigla silang yumuko at nagbigay galang sa akin na siya namang ikinagulat ko.
'A-alam naming ikaw ang nakatakda ginoo. Sambit ng kanilang pinuno habang naka yuko sa akin. May korona siyang gawa sa ginto kaya malalaman mong siya nga ang pinuno.
'P-paano?! Diba dapat wala nang nakaka alam ng bagay ba iyan?!. Nalilitong usal ko.
'Ikaw ang nasa propesiya. Ikaw ang labing walong taong gulang na lalaking anak nila Greyo at Zekia. Tama lang ang dating mo dito sa Acriden's gate. Mahabang litanya nito.
'So paano niyo nga nalaman ang oras ng pagdating namin dito?!. Sabat naman ni Calvin. Tinaliman siya ng tingin ng pinuno ng mga taong hayop.
'I am Trepioz the king of this entire mountain alam ko kung sino ang makakapagbukas ng lagusan at kailan ito mabubuksan. Maraming tao na ang sumubok at nawala sa katinuan dahil sa pag tangka na buksan ang lagusan. Ang anak ng mag asawang Asthenos lang ang muling makapagbubukas ng lagusan. Kaya ano pa bang hinihintay niyo?! Buksan nyo na ang Acriden's gate at simulang iligtas ito sa kamay ng Vrithomians dahil kapag nasakop na nila ito pati ang aking kaharian at mundo ng mga tao ay masasakop na rin nila ng isang iglap lang. Mahabang pagpapakilala nito.
*Nang matapos na ang seremonya ng hari ng mount. Areon. Unti-unting nahawi ang kanyang hukbo at nakita namin ang isang bakal na pinto. Dahan-dahan kaming lumapit at hinawakan ko na ang doorknob.
'Ang hirap buksan peste!. Usal ko sa sobrang inis dahil hindi ko mabuksan ang pinto. Binatukan ako ni Traise.
'Gago hindi mo pa na ilalagay ang pendant ng kwintas mo sa susi-an. Inis na sabi nito sa akin.
YOU ARE READING
•POISONOUS KILLERS TERRITORY ACADEMY• ( PKTA )
FanfictionGaya ng mga kasabihan ng mga ninuno at mga nakatatanda, WALANG SIKRETO ANG HINDI NABUBUNYAG at WALANG KAPALARAN ANG ATING MATATAKASAN. Sa panahon ngayon halos wala ng kabataan ang naniniwala sa mga kasabihan at pamahiin. Kadalasan hindi ito pinapans...