XZARIMIANAH POV
It's been 4 days since naghiwalay kami at 3 days na akong nandito sa bahay. Na discharge agad ako dahil maayos naman ang kalagayan ng aking ulo.
Kuya Jhaceriel never leave my side, sa umaga siya ang una kong nakikita, at sa gabi naman ay siya ang huli kong makaka-usap.
Kuya Jhaceriel is so Sweet to me. Napaka-protective at possessive niya tulad noong mga bata pa kami.
Nandito ako sa living room, nanonood ng The Nun. Since nag tungtong ako sa edad na 13 ay nahilig na ako sa kakanood ng mga horror movies. Katabi ko ngayon si Kuya Jhaceriel. Naka-akbay ang kanang braso niya sa akin habang ang kaliwang braso naman niya ay nasa hita nito.
"Kuya Riel, May balak ka bang bumalik ulit kina Tita Xzcarina?" Tanong ko sa kaniya habang nakatutok pa rin sa T.V.
Natagalan ng ilang minuto bago niya sinagot ang aking tanong.
"Ang tanging dahilan kung bakit ko gusto bumalik sa kanila noon ay ikaw. Ayaw ko sa mga taong plastic kagaya nila. Since nandito ka na sa puder ni Tito Lars, wala na akong balak na magpakita sa kanila. Kahit sila pa ang aking mga magulang ayaw ko sa kanila. Wala naman silang pakialam sa akin noon." Saad niya habang nakatingin sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya saka yinakap siya ng mahigpit.
"Always remember this, you are my family now. Hinahanap man nila ako wala, na miss man nila ako o hindi, Ikaw pa rin ang pamilya ko." Wika niya gitna ng aming pagyayakapan.
Kumalas siya sa yakap at tiningnan ang aking Mata. Hinalikan niya ako sa aking noo.
"MIANAHHH, NASAAN NA KAYO NG KUYA MO?" Agad naman kaming napatayo ni Kuya at nag-uunahang lumabas ng pinto. Nagtatawanan kami ni Kuya habang bumababa kami sa hagdan.
Nakita ko si Dad na may hinahawakang brown envelope.
"Tito, what is that?" Takang tanong ni Kuya habang naka turo sa envelope na hawak ni Dad.
"This is the DNA result namin ni Mianah. She looks like Alisa at lumaki rin siya sa puder ng iyong Ina. Malakas ang kutob ko na siya ang nawawalang Baby Shein ko, kaya nagpa DNA test ako." Nagkatinginan kami ni Kuya saka tiningnan si Dad na ngayon ay kinukuha na ang resulta.
Seryosong binasa ng tahimik ni Dad ang papel hanggang sa nanlaki ang mga mata nito at may malaking ngiti sa labi.
"It's Positive! Ikaw ang nawawalang Baby Shein ko." Sigaw niya saka agad akong yinakap.
Hindi ko pa rin ma i-proseso ang kaniyang mga sinabi. Wala sa sariling yinakap ko siya pabalik. Unti-unting tumulo ang mga luha ko sa Mata.
Kumalas siya sa yakap namin at hinawakan ang aking mukha. Kita ko rin na tumulo ang kaniyang mga luha sa mata.
"Only the Heaven knows how happy I am." Saad niya saka hinalikan ako sa aking noo.
Pinunasan niya ang mga luhang kumakawala sa aking mga Mata.
Agad ko namang dinamba ng yakap ang aking Ama dahil sa tuwa. Humahagulhol ako sa kaniyang balikat. Inaalo ako ngayon ni Papa habang hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
Ilang minuto lang ay tumigil na ako sa pag-iyak. Tumingin naman ako kay Papa na may ngiti sa labi.
Hinihimas ni Papa ang aking pisngi na pinagdaanan ng aking mga luha.
"I am happy for you." Naka ngiting saad ni kuya sa akin.
Agad akong lumapit sa gawi niya at yinakap siya. Ilang sandali lang ay kumalas ako sa yakap.
YOU ARE READING
PSYCHOPATH SERIES 1: HIS REGRET
RandomXzarimianah Shein was known as the Filipino-Korean Pop Queen 'MIA PARK' . She's Half-Filipino, Half-Korean though. Pero bago niya nakamit ang titulo na iyan ay naghirap siya sa mga taong akala niya ay sila ang nagsilang sa kaniya. She have a boyfrie...