Sana

8 1 0
                                        

   "sana sinabi mo
      para 'di na umasang may tayo pa
     sa huli" - Sana by I Belong to the
     Zoo

     sino nga ba ang may sala?
     ikaw na nagbitaw ng matatamis na
     salita?
     o ako na naniwala?

     ano nga ba ang tama?
     ang manatili pa?
     o ang bumitaw na?
    
     bakit ba nagpadala
     sa bugso ng nadarama?
     bakit ba pinilit pa
     kung alam naman na wala na?
    
     sana nga
     sinabi mo agad
     para 'di na umasa pa.
    
     para hindi na panghawakan
     ang matatamis na salita,
     para sana noon pa lamang
     ay bumitaw na
    
     sana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

in the midst of chaosWhere stories live. Discover now