Chapter Two

6 0 0
                                    

Hindi ko alam bakit pinagtitinginan ako ng mga tao.

Tinataasan ko nalang sila ng kilay at pumasok na sa loob ng cafeteria. Napalibot ang paningin ko sa loob and damn mas marami pa palang tao.

Naglakad nalang ako papuntang counter at pumila upang makabili na nang lunch. Nang matapos akong bumili ay umalis na ako sa pila at naghanap ng mauupuan.

Napalaylay ang balikat ko ng wala akong makitang bakanteng lamesa. Ginala ko ulit ang paningin ko at ayun, sa dulong lamesa nakita ko yung cute na lalaki kanina na naglahad sa akin noong upuan. Sakto namang bakante ang upuang nasa harapan niya . Naglakad ako papunta sa kaniya. 

tumigil ako nang nasa harap ko na siya"Eheeeemm!" papasubo na sana siya nang tumikhim ako. Napatingin siya sa akin nang naka nganga  habang hawak-hawak ang kubyertos na may lamang kanin at ulam na hangang ngayon ay nasa ere parin. Napatawa ako nang mahina ng dahil sa itsura niya. tinignan ko siya saka bumaling sa pagkaing nasa kamay niya. Tinignan niya rin ito saka dali-daling tinikom ang bibig at ibinaba sa plato niya ang hawak. 

Nilingon niya ulit ako ng may nagtatanong na mukha. 

"Uhm Hi!" bati ko sa kanya "I just wanna ask , Are you alone?" tumingin ako sa upuang nasa harapan niya at bumaling ulit sa kanya. "is this seat taken" sabay nguso ko sa upuan. 

"yeah you can take that" he shrug 

"yeyyy!" inilapag ko sa table ang dala kong tray at umupo agad ako. "hay! salamat buti nalang , akala ko mag-aantay pa ako nang may matapos or baka sa lib na ako makakain"lintaya ko while making face. 

"Why, don't you have friends?" tanong niya

"May nakikita ka bang kasama ko" tinaasan siya ng kilay.

He just shrugged in response.

"Obviously, I don't. As you know I'm new here. So I don't have friends whom i can eat lunch with. But now i do." ngisi ko sa kanya habang tumataas-taas ang kaliwa kong kilay. "Were Friends now" 

Napangiwi siya "who told you were friends?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay  

"Because i said so" napapatawa kong sabi. "Sus! Ikaw pa talaga ang choosy. Sa ganda kong ito ayaw mong maging friends tayo." pagdadrama ko sa kanya. Nag pout pa talaga ako para effective.

"kumain na nga lang tayo!" medyo natatawa nyang sabi, pero pinipilit niyang maging seryoso. 

"Nako ang arte mo" natatawa ko ring sabi at nagsimula na kaming kumain

Habang kumakain kami ay may napagtanto ako. "know what?" napatingin siya sakin "i still dont know your name" napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago tumawa. Binigyan ko siya ng  what are you laughing at look. Kinalma nya muna ang kanyang sarili bago nagsalita. 

"See, ang lakas mo nag-declare that we are friends when you don't even know my name" napapailing niyang sabi. "You don't know me. Paano kong masamang tao ako, o rapist or psycho, o may masamang balak ako sayo?" seryosong tugon niya. 

"Why, are you one? May masama ka bang balak sakin?" napanguso ako 

"Syempre wala no! gago anung kala mo sakin" tanggi nya kaagad habang ginugulo ang buhok ko. 

"yeah my instinct told me so, and I trust it" napapairap kung tugon habang pinapalo ang kamay niyang ginugulo ang buhok ko. "So whats your name?"

"I am Christian Angelo Diaz" Tumayo siya at naglahad ng kamay  habang nakangiti." but you can call me Chris for short"  

" And I am Katharina Alexandra Herrero, but you can call me Kath"
ngumiti rin ako sa kaniya sabay abot ng kamay at nakipag-shake hands. "Nice meeting you Chris" dagdag ko pa

"the pleasure is mine" tugon niya

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napatawa nang malakas ng napagtantong para kaming mga sira. 

"nako! kumain na nga lang tayo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito. Baka akalain nilang nababaliw na tayong dalawa."

Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Habang kumakain napatitig ako sa mukha niya.

Umangat ang tingin niya sa akin nang napansing nakatitig na ako sa mukha niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya habang ngumunguya.

"Alam mo cute ka pala"  naniningkit ang matang sinusuri ang mukha ni Chris.

Mabilis na napainom ito ng tubig ng medyo nabulunan dahil sa sinabi niya.

" Anong cute ang pinagsasabi mo jan?" Nakakunot ang noo ni Chris.

" I said your cute" ulit ko sa kaniya

"Cute, ako?" Medyo napipilan niyang tanong

"Yeah you're cute but, you know what? I think you should clean your ears" I shrugged at him

"Hahahaha hahahahahahahaha hahahahahahahaha hahahahaha
Hahahahahahahaha hahahahaha" sobrang lakas ng tawa niya na napapatingin na sa amin ang ibang kumakain doon.

Ako naman ang napakunot ang noo at napipilan sa pagtawa niya ng malakas. I gave him a "what's funny look?"

"Huh! Cute ka dyan. Hahahahahhahahahaha Hindi ako cute. Gwapo to uyy!" Sabay himas ni Chris ng chin niya.

"Hahahahahhahahahaha" ako naman ang napatawa ng malakas. "I-ikaaw?hahahahahahahhaha, ang funny ng joke mo, sobra" lintaya ko habang kinakapos sa hininga kakatawa.

Nahinto naman siya sa pagtawa, at napanguso. "Bakit gwapo naman talaga ako ah" he said brushing his hair up using his hands.

"Okay-okay gwapo kana" pagsang.ayon ko sa kanya ng medyo nahimasmasan na ako, pero napapatawa parin.

"Ayoko na makipagkaibigan sayo, Pangit mo kabonding" madrama nyang sabi, nagtatampo kuno.

"Sus, eto naman di na mabiro". Sabi ko sabay tusok sa tagiliran nya.

Naubos yung buong oras namin na nagkwekwentuhan lang sa loob ng Cafeteria habang naghihintay para sa susunod na klase not minding all the eyes that is watching us.

I like Chris, don't get me wrong.  I like him as a friend.  Kasi we just meet pero magaan talaga yung loob ko sa kanya. He is easy to talk to. And mind you he is so friendly halos lahat ata kilala niya. I mean marami siyang kakilala, at parang kakandidato sa dami ng binabati and binabati.  Hindi ko alam bakit kami nagkakaintindihan when our attitude are way too different. I guess that's how it goes.

Nang magbell na ay sabay kami naglakad papunta sa room.

Habang naglalakad pabalik sa room ay napatigil ako nang may maalala bigla. Napatigil din si Chris bahagya nang mapansing tumigil ako.

"Ohh? Among nangyari?" Tanong niya sa akin medyo nag-aalala

"Nothing, I just wanna ask.." seryoso niya akong tinitigan habang naghihintay na dugtungan ko ang aking sinasabi. "do you have a slightest idea why these people are starting?"

Napailing-iling siya medyo natatawa. "They are curious, that's why they are staring at you"

"Why?" Hindi ko maintindihan bakit sila curious sa akin.

"Because you are their ultimate crush's only sister, that's why." Explain nya, na para bang maililigtas nya ang mundo dahil sa sagot nya.

"And?" I asked still confused. "What does that have to do with me?"

Napabuntong hininga siya. "Wag mo nalang silang intindihin"

"Tara na at baka ka late pa tayo sa next subject."

Napatungo nalang ako sa kanya at kahit hindi ko parin maintindihan yung rason ni Christ ay sinabayan ko na rin siya maglakad papuntang room.

Pagka-upo namin ay sya ring pagdating ng aming prof.

Habang abala ang prof namin sa kanyang mahabang lintaya ay nakapangalumbaba akong nakatingin sa harapan habang ang isip ko ay lumilipad.

Ginala ko sa loob ng classroom ang paningin ko ng biglang May mahagip ang mga mata ko.

"Ohh myyyy....... "

    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Part Of MeWhere stories live. Discover now