CHAPTER 4 "ROOM HUNTING"

397 17 3
                                    

Author's Note: Hello Guys and Gals😊 I'm so sorry kung ngayon lang ako naka-pag update ulit. Sobrang daming nangyari last year sa buhay ko, I got married and gave birth last January. Kaya sana mapatawad nyo ako kung isang taon akong hindi nakapag update. At ngayon here' the Chapter 4. Enjoy!😊

Ps. Maraming salamat sa inyo mahal kong readers, sorry rin kung may mga typo errors. Basta thank you sa inyong lahat.
LOVELOTS,
Krystal❤️

Mark's POV

Pagkapasok ko sa kwarto ay tulog na si Keith.
Dahan dahan akong lumapit sa kama nya. Naalala ko yung nangyari kaninang umaga. Ganitong- ganito rin kahimbing ang tulog nito. Sobrang payapa nitong tingnan habang mahimbing na natutulog. 'Sana ganito rin ito kabait tingnan kapag gising' ani ng isang munting tinig sa isip ko. Hayyy, sana nga.

Kinabukasan

Pagkagising ko ay agad akong bumangon. Tiningnan ko ang katabing kama, maayos ng nakatupi ang kumot nito. Ang aga naman nyang umalis. Ala syete palang ng umaga.
Naligo na ako at nag-ayos. One day to go nalang ay first day of school na. Kailangan ko nang hanapin ang mga magiging classroom ko para di na ako mahirapan sa susunod na araw. Tutal wala naman akong gagawin ngayon, mag s-school tour nalang ako. Bumaba ako sa cafeteria upang mag-almusal.
Pagkatapos kong kumain ay nag-umpisa na akong maglibot-libot. Maganda naman ang facilities dito. Habang tinitingnan ko ang class schedule ko, napatingin ako sa bulletin board, puno ito ng mga announcements at club openings. Nakuha ng pansin ko ang isang maka-agaw pansing lay-out ng isang poster.

 "VOLLEYBALL TRYOUTS". -basa ko sa title ng poster. 

"Mark Dela Cruz, tama?"- ani ng isang tinig sa tabi ko. Hindi ko na napansin ang pagtabi nito sa akin. Napatingin naman ako sa taong nagsalita. Mukhang pamilyar, pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nameet.

"Ahh oo, ako nga. Ikaw si---?" Tanong ko sa kanya.

"Ako nga pala si Kenn. Kenneth Castro. Volleyball player din. Isa ako sa players na nakalaban nyo sa inter-campus last year." sabi nya sabay lahad ng mga kamay nito sa akin.

"Ahh! Tama. Naalala ko na! Kayo yung nakalaban namin sa finals. " Sagot ko sabay tanggap sa kamay nya.

" Buti naman at naalala mo pa ako. Dito ka rin pala mag-aaral? Ano nga palang course mo?" Tanong nya.

"BSIT, ikaw?" Sagot kp

"Same course! Ang galing naman! Magkaklase pa tayo." Sabi nya

"Oo nga. Nandito ka rin ba para mag room hunting?" Tanong ko naman sa kanya.

" Oo, tutal wala naman akong magawa sa dorm, at sobrang laki nitong school, kaya na-isip kong maglibot-libot ." Sagot nya.

"Tara! Sabay na tayo sa paghahanap nang magiging classrooms natin." Sabi ko sa kanya.

Kaya naglibot- libot kami, at hinanap ang mga magiging classroom namin. Napadaan din kami sa library ng school. Nang mapagod kami sa kakalakad ay nagpahinga muna kami saglit sa school gym. Marami ang mga estudyante rito sa gym. Naghahanda ang iba't- ibang clubs para sa opening ng school year.

" Uy Keith!" Bati ni Lester sa akin, may bitbit itong malaking box na puro balloons ang laman.

" Hi Lester, mukhang sobrang busy nyo ah?" Sabi ko sa kanya.

" Oo nga eh, ang dami kasing kailangan i-prepare para sa club." Sagot nya sabay lapag ng box na bitbit nya.
"Mukhang may bago kanang kaibigan ah?" Baling ni Lester sa kasama ko.

" Ah oo nga pala, Lester si Kenn, Kenn si Lester, bestfriend ng roomate ko." Pagpapakilala ko sa kasama ko. Nag shake hands naman ang mga ito.

" Nice to meet you. Oh, pano Keith, Kenn, punta muna ako sa booth, medyo madami pa kasing gagawin." Paalam ni Lester.

" Kailangan nyo ba nang tulong? Wala naman na kaming gagawin ni Kenn" sabi ko.

" Oo nga, tsaka , sports club rin naman ang sasalihan namin ni Keith." Sabi naman ni Kenn.

"Talaga? Sige, mukhang kailangan nga namin ng tulong. Tara, punta na tayo sa booth." Aya ni Lester sa amin.

Pagkarating namin sa booth ay agad nakuha ng atensyon ko ang lalaking kanina pa hinahanap ng sistema ko, seryoso itong nakaupo sa isang mesa at tila napakaimportante nang binabasa nito.

"Annika, meron ba tayong application forms dyan? Meron kasing mag aapply for sports club." Sabi ni Lester sa isang cute na babae pagkadating namin sa booth.

"Teka nga muna. Hindi pa ako nakakapag-print eh. Akala ko ba bukas pa tayo mag rerecruit? Mukhang may na recruit kana ah?" Sabi ni Annika sabay ngiti sa amin.

"Ako po pala si Mark Dela Cruz at heto po si Kenneth Castro, pareho po kaming first year BSIT.. Mag aapply po sana kami para maging member ng vollyball team. " sabi ko kay Annika

"Teka teka, volleyball player ka rin pala Mark?" Gulat na tanong ni Lester.

"Ah ,Oo. Hehe" sabi ko habang nagkakamot nang ulo.

"Naku, tamang tama! Kulang kami sa players ngayon sa volleyball team! Ms. Annika? Please paki print na nang application form bago pa magdalawang isip tong dalawang to."  Sabi ni Lester kay Annika habang nagpapacute.

"Oo na Lester, kaya please itigil mo nayang kapapacute mo, di kana man cute!" Sagot naman ni Annika na parang natatawa sa itsura ni Lester.

" Di ako cute, kasi gwapo ako. Ganon ba yun ha?" Pahabol na sabi ni Lester kay Annika

"Yabang mo! Bleee!" Sabi ni Annika at tuluyan nang umalis para mag print nang forms.

Natawa naman kami ni Kenn sa eksena nang biglang---

"Ay sorry!" Sabi nang isang babaeng nakabangga sa akin. Nabitawan nito ang hawak nitong mga gamit.

"Naku! Ok kalang ba?sorry kung nakaharang kami sa daan mo." Sabi ko habang tinutulungan namin sya ni Kenn na pulutin ang mga gamit  nya.

"Ok lang ako, sorry ha? Naka focus kasi ako sa dinadala ko kaya hindi kita nakita. Sorry talaga" hinging paumanhin nang babae.

" Naku wala yon." Sabi ko

" Ah, ako pala si Saphire, Saphire Velasco. President nang Glee Club." Pagpapakilala nito.

"Ako pala si Mark, at heto naman ang kaibigan kong si Kenn." Sabi ko

"Hello! I'm Kenn. Nice to meet you Ms. Saphire" sabi naman ni Kenn habang todo pa cute.

"Nice to meet you guys! Pano bayan, kailangan ko nang umalis, see you around!" Sabi nya habang nagpapaalam.

"Tulungan na kita!" Pahabol na prisinta ni Kenn sabay kuha nang iban gamit na dala ni Saphire.
Mukhang tinamaan ata si Kenn ah? Tsk!

Pagkalipat ko nang direksyon nang aking mukha ay nagkasalubong ang paningin namin ni Kieth. Tila nagtatanong ang mga titig nito sa dating nang pagkakatitig nya sa akin.
'dug-dug dug-dug' tibok nang puso ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko. Naramdaman ang paginit ng mukha ko. 'Sheet of Paper! Ano ba tong nangyayari sa akin?'

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon