AUDITORIUM
MARK'S POV
Nandito na kami sa auditorium para sa audition. Unti-unti nang napupuno ang auditorium sa dami ng taong gustong manuod. Tradisyon na daw every year na kapag nagpapa-audition ang glee club ay invited ang lahat na manuod. Nandito rin ang ibang mga professors."Good afternoon sa lahat. Welcome to the Glee club's audition day. May I call all the attention of all auditionees to please be ready at the back stage. May roong designated seats para sa inyo according to your number. In a short moment we will start the audition" Sabi ni Sapphire sa stage. Kaya tumayo na kami ni Kenn at pumunta sa back stage.
Habang naghihintay kami ay tiningnan ko si Kenn na halatang kinakabahan.
"Huy pre, anong nangyari jan sa mukha mo? Para kang hihimatayin sa putla." biro ko sa kanya.
"Kinakabahan ako pre. Pano kapag nagkamali ako? " sabi naman nito at yumuko.
"Ano kaba. Huwag kang kabahan. Basta gawin mo lang kung ano yung ginawa mo sa practice natin." sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat nito. Ngumiti naman ito at tila nabuhayan na ulit. Di nagtagal ay nag-umpisa na rin ang audition. Number 18 si Kenn at ako naman ay number 19.
Di nagtagal ay nag-umpisa na rin ang audition. Mayroong kumanta at tumutugtog ng iba't-ibang klase ng musical instruments. Tumayo na si Kenn para magprepare. Nilabas na nito ang bagong biling gitara nito. Talagang seryoso ito na makapasok sa glee club.
"Number 18, standby!" sigaw ng isang staff.
"Ako na pre, sana hindi ako magkamali." sabi naman ni Kenn.
"Kaya mo 'yan. Basta tandaan mo lang ang pinraktis natin. Good luck pre!" sabi ko sa kaya sabay tapik sa balikat nito. Tumango lang ito at naglakad na papunta sa standby area. Ako na rin pala ang susunod. Kaya huminga ako ng malalim at kinuha rin ang gitara ko. Kilala ako sa dati kong school na magaling sa volleyball at tumugtog ng gitara. At ngayon, mapapatuloy ko na ang mga hilig ko sa school nato. Na-eecxite na tuloy ako.
LESTER'S POV
Kasalukuyan kaming naglalakad ng tropa papuntang auditorium. Ngayon na pala ang audition ng Glee Club. Kaya manunood kami para suportahan sina Mark at Kenn. Pagkarating namin sa audtitorium at naghanap kami ng mauupuan. Medjo marami na ring mga estudyante ang narito para manuod. Saktong pagkaupo namin ay nagdim na ang ilaw hudyat na mag-uumpisa na ang audition.
"Good afternoon everyone! And welcome to the annual audition of Stanfiend International University Glee Club!" sabi ng emcee at nagsimula na ang audition.
In fairness, magagaling ang mga auditionees sa taong to. Last year kasi konti lang ang nakapasa sa Glee club. Mukhang dadami na naman ang mga members nila ngayon.
"Auditionee number 18." sabi ng emcee. Naghiyawan naman ang mga babaeng nandito sa auditorium. Napatingin naman kaming magtotropa sa stage. Si Kenn na pala ang mag peperfrom.
"Hello everyone! I'm Kenneth Castro. 1st year BSIT." maikling pagpapakilala nito.
Nagsimula nang tumugtog si Kenn ng gitara. Halatang begginer palang ito sa pagtugtog pero magaling naman ito. Kung i-cocompare ko sya sa mga naunang tumugtog kanina, medjo angat sya ng konti dahil na rin siguro sa confidence at malakas ang presence nito sa stage.
Nang matapos si Kenn ay naghiyawan ulit ang mga tao rito sa auditorium.
"Mukhang may crowd favorite na tayo ah!" sabi ng emcee. "Now, let's welcome to the stage, Auditionee number 19!"
Bigla namang natahimik ang lahat ng makita ang taong nakatayo sa gitna ng stage. May naririnig din akong nagbubulong-bulongan.
"Hi! I'm Mark Dela Cruz. 1st year BSIT." pagpapakilala nito. Magkahalong palakpakan at bulungan ang maririnig sa loob ng auditorium. Kahit papaano ay humuhupa ang viral video ni Mark noong nakaraan. Pero alam kong kilala na sya nang karamihan ng estudyante dito sa school.
BINABASA MO ANG
Making You Mine
RomanceBL story Between a Manhater Gay ang a Playful Boy🌈❤️ DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance...